Chapter 18 - Comfort

1642 Words
Hanggang uwian ay naging palaisipan kay Lindsay ang nangyari sa loob ng office ng President ng Jacinto University. Paulit-ulit iyong pumapasok sa isipan niya at hindi niya alam kung bakit. Naglalakad siya pabalik sa Retrorant habang nakatanaw sa kawalan. Naipilig niya ang kanyang ulo nang mapagtanto na natutulala siya nang mag-isa. "'Wag mo nang isipin 'yun, Lindsay..." paalala niya sa kanyang sarili. Nakarating na siya doon. Napansin niya ang abala niyang mga katrabaho dahil dumami ang customers sa loob. May isang babae na kumaway sa kanya. Nilapitan siya nito. "Lindsay!" "Oh, Realyn!" "Anong ginagawa mo rito? Titingin ka ba ng schedule mo for next week?" Napatango siya at ngumiti nang malumanay. "Oo, sana. Ah, busy ba si Rex?" "Nasa loob siya. On-break. Puntahan mo na lang sa loob. Sige na at marami pa akong iba-buss out!" Nagpaalam na ang katrabaho niya at nag-asikaso na sa may dining area. Wala namang nagawa si Lindsay at pumasok na siya sa loob ng crew area. Nakita niya na mag-isa na kumakain si Rex sa may mesa. Mukha itong problemado habang may kausap sa telepono. Napakunot ang noo niya. Palaging masiyahin si Rex at bihira ang pagkakataon na ganoon ito sa kanyang harapan. Sanay na siya na siya ang laging ginagabayan ng kanyang mga kaibigan kung kaya't malimit lamang niyang nakikita na nahihirapan sina Alice at Rex. Pero ngayon na nakaharap siya sa abalang kaibigan ay hindi niya maiwasang manliit sa sarili. Napakatanga niya para isipin na siya lang ang may problema sa kanilang tatlo. Ngayon lang niya na-realize na napaka-selfish na pala niyang tao. "Hindi ba pwedeng tanggapin n'yo na lang ang pera?" tanong ni Rex sa kausap nito mula sa kabilang linya. "'Ma naman..." Napaluha si Rex at napabuntong-hininga. "Ma... Ma— Hello? Hello?" Sa sobrang inis nito at pabagsak nitong inilapag ang cellphone sa mesa at napatitig lang sa pagkain. Pagkatapos niyon ay napaangat ito ng tingin at natigilan nang makita siya. "L-Lindsay? Anong ginagawa mo rito?" "Pwede ba kitang makausap saglit?" Kahit gulat at napahiya ay pumayag pa rin si Rex na makipag-usap kay Lindsay. Naroon sila sa may likod ng restaurant. Nakaupo silang pareho sa may kahoy na bench habang nakatanaw sa maulap na kalangitan. "Gabi na. Dapat dumiretso ka na ng uwi..." panimula ni Rex. "Ah, bumalik ako kasi nakalimutan ko 'tong iabot sa'yo kanina..." May kinuha siya mula sa kanyang backpack at iniabot kay Rex. Isa iyong libro na kailangan nila sa kanilang isang subject. "Pwede mo naman itong iabot sa akin kinabukasan..." pagdadahilan nito. "Kailangan mo 'yan ngayon. Pasensya ka na at nakalimutan ko..." Tinanggap iyon ni Rex. Pagkatapos ay namayani saglit ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. "Alam mo... ngayon ko lang na-realize na hindi ko pa kayo gaanong kilala ni Alice..." panimula niya. "Akala ko kilala ko na kayo, pero hindi ko alam na marami pala akong dapat alamin. Masyado yata akong nasanay na ako ang lagi ninyong iniintindi. Ang selfish ko ba?" Napatawa siya sa kanyang sarili. "Lindsay, don't say that. You've been through a lot. It's only normal na hindi mo mabigyan ng oras ang makipagkwentuhan sa amin ni Alice. Hindi naman ako mareklamo. Ang mahalaga ay maayos ka. Alam mo namang mahalaga ka para sa amin, 'di ba?" Napaluha siya. "Kaya mas lalo akong nanliliit. Kasi naging mabuti kayong kaibigan sa akin pero never ako naging mabuting kaibigan sa inyo. Lagi kayong nandyan para sa akin pero hindi ko kayo madamayan sa mga problema ninyo. I'm so sorry..." aniya habang humihikbi. Agad na kinabig ng yakap ni Rex si Lindsay. "'Wag ka nang umiyak, please... Masakit makita na nasasaktan ka. Okay lang ako, okay? Ako pa ba? Hindi mo ba ako kilala? Malakas ako, Lindsay. Kaya kaya kitang protektahan!" Humiwalay ito saglit sa kanya. Hinawakan siya nito sa magkabilang braso at tiningnan nang seryoso. "Cheer up na, okay?" "R-Rex... kung may problema ka, pwede mo namang sabihin sa akin, 'di ba? Gusto ko rin na i-comfort ka. Gusto ko rin na makatulong..." Ngumiti ito at banayad na hinaplos ang uluhan niya. "Makita lang kita, nako-comfort na ako, Lindsay. Makita lang kita na masaya, masaya na rin ako. Kaya hindi mo kailangang gumawa ng kung ano. Kailangan lang na maging matatag ka hanggang sa huli. That way, magiging maayos din ako. Kami ni Alice..." "Rex, seryoso ako. Gusto rin kitang i-comfort kapag may problema ka rin. Gusto ko rin na may gawin para sa'yo. Please..." Lumamlam ang mga mata ni Rex at napabuntong-hininga. "Ang kulit mo talaga!" anito sabay pingot sa ilong niya. "Ouch! Seryoso ako, Rex. Kaibigan kita. Gusto ko rin na magkaroon ako ng silbi sa'yo!" Napatawa ito saka ginulo ang buhok niya. "Sure ka ba na iko-comfort mo ako?" Napatango siya habang nakatingin dito na may determinasyon sa mga mata. "Oo naman!" "Paano kung kaka-comfort mo sa akin ay bumalik ulit 'yung dati?" bigla ay tanong nito. "H-ha?" "Paano kung sa kaka-comfort mo sa akin ay mahulog ulit ang loob ko sa'yo, okay lang ba sa'yo 'yun?" Biglang bumilis ang t***k ng puso ni Lindsay. Napaawang ang kanyang bibig ngunit walang salita ang namutawi roon. Wala siyang masabi. Tila umurong ang kanyang dila sa mga sandaling iyon. She was caught off-guard. Wala sa isipan niya ang posibilidad na ito. All she knew was that she should do her part as Rex's best friend. Pero ngayon na nagtanong ito patungkol sa isang bagay na pinag-awayan nila ay tila naging duwag siya. Isang tuta na biglaang nabahag ang buntot nang dahil sa takot. Napangiti nang mapakla si Rex at napatango. "It's okay, Lindsay. Alam kong hindi pa talaga nanunumbalik ang dati nating samahan, pero ito lang ang masasabi ko sa'yo... hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko para sa'yo. "Ginagawa ko ang lahat para maging okay tayong dalawa. Masaya ako na nagkabati na tayo. Pero tao lang talaga ako. Hindi ko basta-basta mapapatay ang nararamdaman ko para sa'yo. Hanggang ngayon, ikaw pa rin ang babae na gusto ko. Pero alam mo naman na nirerespeto kita. At ayoko na masira ulit ang pagkakaibigan natin kaya hangga't maaari ay ako na ang umiiwas. Kasi kapag hinayaan ko na maging close tayo ulit, mas lalo lang lalalim itong nararamdaman ko sa'yo. Mas mahalaga sa akin na masaya ka, Lindsay. Kaya kung pipiliin mo na i-comfort ako... hindi ko alam kung magagawa kong umakto na hindi tinatamaan sa'yo..." mahaba nitong pag-amin. "R-Rex..." Napatawa ito ngunit halata sa mga mata na nagpipigil ng luha. "Ayos lang ako, Lindsay. Promise!" Pagkatapos nilang mag-usap ay hinatid na siya ni Rex sa labas ng Retrorant. Pagkatapos niyon ay nagpaalam na ito na babalik sa duty. Walang nagawa si Lindsay kundi ang maglakad palayo. Papalapit na sana siya sa sakayan ng tricycle patungo sa kanilang bahay ay may isang magarang sasakyan na kulay itim ang biglang tumigil sa kanyang tabi. Bumaba ang bintana nito at ang gwapong mukha ni Alex ang kanyang nabungaran. Kumaway ito sa kanya. "Hop in!" "A-Alex? Anong ginagawa mo rito?" "Sakay na. Ihahatid na kita..." Ang eksena kaninang umaga ang biglang rumagasa sa isipan ni Lindsay. Napakagat siya ng labi dahil doon. Naipilig niya ang kanyang ulo at napapikit. "'Wag kang papaapekto, Lindsay! Wala lang 'yung nangyari kanina. Wala lang 'yun!" paulit-ulit niyang bulong sa sarili. "Sasakay ka o bubuhatin kita papasok ng sasakyan ko?" pagbabanta ng binata. "I-ito na! Ito na!" Agad na tumalima ang dalaga. Sumakay siya sa passenger's seat. Hindi siya umimik pagkapasok sa loob habang si Alex naman ay abot tenga ang ngiti sa tuwing titingin sa kanya. "B-bakit?" kinakabahang tanong niya rito at agad na nag-iwas ng tingin. "I just find you so cute right now, that's why..." natatawa nitong turan. "Wala ka bang trabaho? Bakit kailangan mo pa akong ihatid? Malapit lang naman ang bahay namin..." "May trabaho ako pero tapos na lahat. Ihahatid kita kasi gusto ko. Hindi ko naman pwedeng hayaan na mag-isang uuwi ang girlfriend ko..." sagot nito habang nakangiti. Tila isa itong baliw na ngumingiti habang abala sa pagmamaneho. "G-girlfriend?" "Yup. Girlfriend." "T-teka... kailan pa ako naging girlfriend mo?" "Since the day I first kissed you?" "P-pero ang sabi mo nagpapanggap lang tayo no'n..." "Ahh... hindi ba dapat 'yun counted? Okay. Sige. E 'di simula na lang kagabi..." "Teka lang. Bakit ganito ang mga sinasabi mo? Pumayag ba ako? Alex, 'di ba sina—" "Ano bang magagawa ko, e hindi nga ako marunong manligaw? Bakit pa natin patatagalin e dito rin naman tayo mapupunta, 'di ba? Maging girlfriend din naman kita..." She scoffed. Hindi niya akalain na ganito kalakas ang hangin ng lalaking nasa tabi niya. "Gaano ka ka-sure sa mga sinasabi mo? Paano kung hindi ako pumayag?" "That's impossible, baby girl." "Anong impossible? How sure are you? Sige nga, paano kung hindi nga ako pumayag? Ano?" Mabilis na tumapak si Alex sa break. Dahil doon ay pareho silang halos tumalsik mula sa kanilang kinauupuan. Mabuti na lang at pareho silang naka-seatbelt. "Alex, ano ba?! Gusto mo bang mapahamak tayo, ha?" Marahas na napaharap si Alex sa kanya. Nakita niya ang sakit na bumalatay sa mga mata nito. May kung anong sumikdo sa kanyang dibdib sa pagkakita sa ekspresyon nito. "A-Alex..." "It's impossible for you not to be my girlfriend..." "B-bakit nga?" Kahit nanginginig ay nagawa pa rin niyang maisatinig ang tanong na iyon. "Because you love me," bigla ay sagot nito. Napakurap siya at natigilan. Tila nabingi na siya sa lakas ng t***k ng kanyang puso. "Am I wrong? Tell me, baby girl... bakit ka hindi papayag na maging girlfriend ko kung mahal mo ako? Mali ba ako? You love me. You can't deny that from me. I know your lips better... they say much... that you love me..." anito sa baritono na boses. Sa hindi malamang dahilan ay tila nasaniban si Lindsay ng kung ano. Kinabig niya si Alex sa batok at siniil ng halik. Yes, she acknowledged that fact. She loved him. Very much.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD