Chapter 17 - Office of the President

1394 Words
Napasalampak si Lindsay sa sahig sa loob ng crew room ng Retrorant. Kaaalis lang ng ibang mga kasamahan niya at siya na lang ang natitira. Napagod siya sa buong umaga na pagtrabaho. Pero kahit ganoon pa man ay masaya siya. Masaya siya dahil sa mga nangyari sa kanya kagabi at kaninang umaga. She never thought of waking up with a blooming heart. Inakala niya ay habambuhay na lang siya malulugmok sa kahapon. Tuwing umaga ay mararamdaman niya ang pinaka malupit na pakiramdam sa tanang buhay niya. Iyon ay ang sariwain ang lahat ng nangyari sa kanya sa panaginip. Sa araw-araw na gumigising siya ay walang mintis ang pag-iyak niya sa tuwing imumulat niya ang kanyang mga mata. Iyon ang pinaka-crucial na oras para sa kanya. She always thought of unpleasant things during the mornings. Sometimes, she felt sick that her body shivered a lot. Sometimes, she gets numb. Sometimes, she wanted to end everything. Pero naroon palagi si Alice sa tuwing gigising siya sa umaga. Ito ang laging pumipigil sa kanya sa lahat ng mga bagay na maaari siyang malugmok. Her best friend was always there for her everytime she becomes weak all by herself. Hindi siya nito iniwan. Kaya malaki ang utang na loob niya sa kanyang best friend. Kundi dahil kay Alice ay matagal na siyang nawala sa mundo. Pagkatapos magbihis ng uniform, palabas na siya ng restaurant nang bigla niyang makasalubong si Rex. "Oh, Say!" pagbati nito sa kanya. "Rex! Ngayon ang duty mo?" Napatango ito. "Oo. Remember... wala akong klase ngayon, 'di ba? Ikaw, papasok ka na ba?" "Oo..." "Umm... next week, magiging pang-umaga na ako. Babalik na ulit ako sa schedule ko dati. Ayaw kasi ni Mama na ginagabi na ako ng uwi.l," pagbibigay alam nito. "Ahh, gano'n ba?" Nagkatinginan sila at ngumiti sa isa't isa. Naroon pa rin sa puso ni Lindsay ang awkwardness kay Rex. Kahit anong gawin niya ay hindi pa rin niya maibalik ang dati nilang pagsasama. Naaalala pa rin niya ang pagsisinungaling nito. Ayaw man niyang alalahanin ngunit hindi niya iyon mawaglit sa kanyang isipan. Pero dahil gusto niya na manumbalik ang lahat ay pumayag siya na mapalapit muli kay Rex. "Lindsay..." untag nito sa kanya. "Hmm?" "Alam kong awkward ka pa rin hanggang ngayon sa akin, pero I'm trying my best to bring back how the way we used to be. Kung pagbibigyan mo lang ako..." Napangiti siya. "It's okay, Rex. Hindi madali para sa akin na ibalik 'yung dati. Pero nakikita mo naman na ginagawa ko ang lahat para maging okay tayo, 'di ba?" "Thank you..." "Wala iyon. Kaibigan kita, Rex. Kahit na medyo awkward pa ang lahat sa pagitan natin, I'm trying my best na ibalik 'yung dati. Kaya sana... maging patient ka sa akin..." Napatango ito at malawak na ngumiti. "Sige." "Oh, paano? Mauna na ako sa'yo ha? See you sa school!" Pagkatapos niyon ay tumuloy na si Lindsay sa school. ***** "Class dismissed!" deklara ni Prof. Reyna Maglipol, ang Humanities Professor ni Lindsay. Nagsitayo na ang lahat mula sa kanilang mga upuan at gumayak na para sa paglabas ng room. Si Lindsay naman ay mabagal na niligpit ang kanyang gamit. Kinailangan niyang ipahinga saglit ang utak niya dahil sa quiz na ginawa nila sa subject. Madali lang naman sana ang quiz ngunit kaunti lang ang tamang sagot niya roon. It was her first time getting a score of 15 over 30. Nag-review naman siya ngunit hindi niya maintindihan kung bakit mas marami siyang mali. Gusto na tuloy niyang sisihin si Alex sa pag-uukupa sa kanyang isipan buong araw. Excited na excited na siyang makita ang binata kaya hindi siya makapag-concentrate sa pag-aaral. 'Focus, Lindsay. Focus!' Ipinilig niya ang ulo st nagpatuloy sa pagliligpit. "Oh, Miss Soliman!" tawag sa kanya ni Ms. Reyna. "Y-yes, Ma'am?" "May klase ka pa ba after nito? May hihingin kasi sana akong pabor..." "May one hour po akong vacant, Ma'am. Ano po bang ipapagawa ninyo?" "Pwede bang idaan mo ito sa office of the President? May defense kasi akong dadaluhan ngayon. Isa ako sa mga panel kaya hindi ko maidadaan ito sa office." Inilahad ni Ms. Reyna ang isang folder at iniabot kay Lindsay. "Okay lang ba?" Napangiti naman siya at tumango. "Sure po!" Kinuha na niya ang folder mula sa kamay nito. "Naku, salamat talaga, Ms. Soliman! You're a savior! Make sure to give this to him, ha?" "Opo!" Dumiretso na si Lindsay sa Admin Building ng Jacinto. Nagtungo siya sa 3rd floor at tinungo ang opisina ng presidente ng university. Ang balita niya ay bago na ang nakaupong presidente ng university nila ngunit hindi niya kilala kung sino ito. Somehow, she hot curious now that she's going inside his office. Palagi kasing bukambibig ng mga kababaihan sa school kung gaano kagwapo ang president nila. Huminto siya sa harap ng opisina. Huminga muna siya nang malalim bago kumatok nang tatlong beses bago pumasok. Nadatnan niya na wala ang secretary nito. Doon sana niya iiwan ang folder na ipinabibilin ni Ms. Reyna pero wala naman ang secretary ng president. "Saan kaya 'yun?" Nagpalinga-linga siya sa paligid. Spacious at tahimik ang kabuuan ng opisina ng presidente ng school. Maraming painting doon at mga halaman. Sa may kaliwang bahagi ng pintuan kung saan siya nanggaling ay may pulang signage na naroon. "No mirrors allowed inside!" Napakunot-noo siya. "Ang weird naman ng signage..." bulong niya. Nagpatuloy siya sa loob hanggang sa nasa harap na siya ng isa pang pinto. Pagkatapos ng tatlong katok ay pinihit niya ang seradura at pumasok sa loob. Pagkapasok ay bumulaga sa kanya ang isang eleganteng opisina. Namangha siya sa loob at nagawa pa niyang bistahan ang bawat sulok nito. Ang huli niyang tiningnan ay ang desk sa dulo. Mayroong nakaupo sa swivel chair ngunit nakatalikod ito mula sa kanya. "Umm... Mr. President. Good afternoon po. Pinaaabot po pala ito ni Ms. Reyna sa inyo..." magalang niyang pagbati saka inimuwestra ang folder sa nakatalikod na lalaki. Hindi ito sumagot sa kanya at nanatiling nakatalikod. "M-Mr. President?" Akma na siyang lalapit at kakalabitin ang lalaki ngunit napatalon siya nang magbukas ang pinto ng opisina nito. "Mr. President, may—" Napaharap siya sa bagong dating. Nakita ang pagkagulat sa mukha nito. "Anong ginagawa mo rito? Hindi ka pwede rito!" asik ng babae sa kanya. Ito marahil ang sekretarya ng presidente ng school. "P-po?" "Anong ginagawa mo rito? Hindi ba't bawal pumasok dito ang mga estudyante? Hindi ka ba nagbabasa ng signages?" sermon pa nito. "P-pero ipinabibigay po ito ni Ms. Reyna..." "Iwan mo na lang agad 'yan sa mesa!" agap nito. Halata sa mukha nito ang inis at pag-aalala. Hindi maintindihan ni Lindsay ang nangyayari kaya minabuti na lang niya na tumalima. Pagkatapos niyang ilagay ang folder sa ibabaw ng mesa ng president ay lumabas na siya ng opisina nito. Sa labas ay malaki ang pagtataka niya. Bakit siya bigla-bigla sinigawan ng secretary ng president. Wala naman kasi siyang nakitang ibang signages bukod sa bawal ang salamin sa loob ng opisina. She found that signage weird. Napaharap siyang muli sa pinto. Pagkadako ng kanyang mga mata ds kanan ay doon na siya napatanga sa nabasa. "No students allowed inside!" Napabuga siya ng hangin. Natampal niya ang noo at napapikit. "Bakit kasi hindi ka nagbabasa ng signage, Lindsay!" Umalis na siya roon at nagpatuloy sa kanyang ibang subjects sa araw na iyon. ***** "Sir, nakaalis na po siya..." pagbibigay alam ni Misty sa kanya. Eksaheradang napabuntong-hininga ito at napahawak sa dibdib. "My goodness! Akala ko talaga mabubuko ka na, Sir Alex! Nakakaloka naman 'to si Ms. Reyna." Pumihit na ang lalaki na nakaupo sa swivel chair. Walang iba kundi si Alex. Wala siyang emosyon na humarap sa mga papeles na kailangan niyang basahin sa araw na iyon. "It's okay. Wala ka kanina kaya akala niya pwedeng pumasok..." aniya rito. "Pero, sir... okay lang ba talaga sa'yo na magtago forever sa kanya? I mean... ang liit lang ng campus. Magkikita at magkikita kayo ni ano sa labas. Bakit kasi hindi ka na lang magpakilala sa kanya?" Napailing siya. "I can't. It's easier to stay by her side this way. Kapag nakilala niya ako at kung saan ako galing, tiyak na lalayuan niya ako kaagad." Napasimangot naman si Misty. "Sir, paano kung bigla niyang malaman ang totoo? Anong gagawin mo?" "I don't know either, Misty. But one thing's for sure. I don't want to make her cry again..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD