Chapter 16 - See You Later

1612 Words
Nagmulat ng mga mata si Lindsay at nabungaran niya ang payapang pagtulog ni Alex sa kanyang tabi. Bahagya siyang natigilan nang mapagtantong nakaunan na pala siya sa bisig nito. Ang kanyang braso ay nakadantay sa matapuno nitong dibdib. There was this light and fluttery feeling that blossomed inside her chest. Napangiti siya nang dahil doon. It was funny finding herself getting caught in this tangled fate with him. She didn't realize it until now. She was into him that her heart is drowning in an endless sea. Wala sa loob na napahawak siya sa pisngi nito. Malumanay lamang iyon upang hindi niya ito magising. Talaga bang nobyo na niya ang binata? Tila hindi siya makapaniwala. Pakiramdam niya ay nasa loob pa siya ng isang magandang panaginip. Isang magandang panaginip na ayaw niyang lisanin pa. Natatakot siyang magising at malaman na wala na ang binata sa kanyang tabi. That thought made her heart ache so much. Maya-maya ay biglang napangiti ang binata. Natigilan siya. Huli na para magtulog-tulugan pa siya dahil magmulat na ng mga mata si Alex at tumingin sa kanya. Hinapit siya nito at dinampian ng isang mabini ngunit mabilis na halik. His morning breath made her ask for more. She became addicted to it. Ilang beses pa siyang napakurap. She just received a morning kiss from him. Nag-init nang husto ang mga pisngi niya dahil doon. "Just in case you'll say it's all just a dream..." he said in his bedroom voice. Husky and low. Animo'y sumasagot sa katanungan sa loob ng kanyang isipan. Nag-iwas siya ng tingin upang itago ang pagkapahiya. "T-tumayo ka na d'yan. Kailangan mo nang umalis. Baka maabutan ka rito ni Alice..." aniya sa mahinang boses. He smiled wider at her. Hinawi nito ang buhok na tumatabon sa kanyang mukha at ipinangko sa may tenga niya. "Are you planning to hide me from her?" he mischievously asked. "H-ha? A-ano... kasi..." He chuckled and kissed her pointed nose. "Just kidding. Kung plano mo akong isikreto at ipagdamot, I don't mind. Whatever you want, baby girl, basta papahintulutan mo lang ako na makasama ka..." anito sa sinserong tinig. Mabilis na nag-react ang kanyang marupok na puso dahil sa sinabi nito. Pabilis nang pabilis ang t***k niyon. It felt like it was going to get out of her ribcage. Pero maraming katanungan ang nananatiling walang kasagutan sa kanyang isipan. Marami siyang gustong itanong sa binata ngunit hindi niya magawang sabihin. Ano nga ba ang kinakatakot niya? Hindi niya rin alam. Ang alam lang niya ay ang katotohanan na ito: ang kaligayahan ay may laging may kakambal na kalungkutan. Sa huli ay hindi niya mapigilan na mag-alala para sa kalungkutan na iyon. Hindi pa man ito dumarating ay marami na siyang dahilan para mag-alala para sa hinaharap. Kinakabahan siya ngunit masaya rin na kasama niya ang lalaking hindi niya inaasahang mamahalin niya. Dating turned out to be a stressful thing for someone like her. Having a reason to get anxiety seemed to be both good and bad for her. But the fact she had fallen in love with him only made her heart and mind sane. Napakunot ang noo ni Alex. "What's wrong? Are you doubting me?" "A-Alex... bakit ako?" sa wakas ay naitanong niya. A smiled curved on his lips while looking miles ahead of her. "Baka asarin mo lang ako kapag sinabi ko ang totoo..." pag-iwas nito. "Bakit? Ano ba 'yun?" He sighed and looked at her again. "It just happened. At first, naiinis lang ako kasi lagi mo akong tinatawag na kuya. Nagising na lang ako na ayaw kong maging kuya mo. Nagising na lang ako na mas higit pa roon ang gusto ko," sagot nito na tila nahihiya pa sa kanya. Hindi napigilan ni Lindsay ang pagbulanghit ng tawa. "Sabi na nga ba, aasarin mo ako, e!" nakangusong sabi ng binata. "Dahil lang doon?" Patuloy pa rin siya sa pagtawa. "Baby girl, hindi mo alam kung gaano kalaking tolerance ang kailangan ko para lang i-deny 'yan sa harap mo. You have no idea how much I've waited for this day..." Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya. "But now that we're together, I will make sure to make you happy. I will make you will never regret being with me..." Saglit silang nagkatinginan bago sinakop ni Alex ang kanyang labi. Nag-uumapaw na kilig ang kanyang nararamdaman ngayon. Walang mapagsidlan ng kanyang kasiyahan ngayon na sila na ni Alex. He used to be her Kuya pero ngayon ay nasa next level na sila ng kanilang relationship. She will make sure to cherish this match. Sisikapin niyang maging perfect girlfriend siya para rito. Pareho silang napatalon nang marinig ang tricycle sa harap ng bahay nila Lindsay. Mabilis niyang naitulak ang binata dahil doon. Natitilihan siyang tumayo. "Shít! Si Alice 'yun!" "What are we going to do?" he asked. Lalong nadagdagan ang kaba niya sa dibdib nang marinig na sinususihan na ng kaibigan ang pinto sa harap. "Shít! Shít! Shít!" she hissed. Ilang beses siyang nagparoo't parito sa harap ni Alex. Napatigil lang siya nang may maisip na plano. Pinanlakihan niya ng mga mata ang binata. "Humiga ka lang d'yan!" bulong niya. "'Wag kang gagalaw!" Tinakluban niya ng dalawang makakapal na kumot ang binata. Pagkatapos niyon ay nagtungo siya sa harap ng aparador at inihagis sa ibabaw nito ang lahat ng kanyang nakatuping damit. Kinalat niya ang lahat doon hanggang sa natabunan na ang binata at nagmukha na lang isang tumpok ng tambak na mga damit. Maya-maya ay may kumatok na sa kanyang kwarto. "Say? Say, gumising ka na," tawag sa kanya ni Alice. "Oh, A-Alice! Dumating ka na pala," pagbati niya rito. "Buksan mo nga 'to. May ibibigay ako sa'yo..." Napakagat-labi siya. Wala na siyang nagawa kundi ang pagbuksan ang kaibigan. Pagkapasok nito ay may inabot ito sa kanya na maliit na paperbag. "Ano 'to?" "Bigay ng katrabaho ko na pabango. Marami na kasi akong pabango, e. Sa'yo na lang 'yan..." Biglang napagawi ang mga mata ni Alice sa loob ng kanyang kwarto. Lihim siyang napapikit. ''Wag ka nang mang-usisa, please!' pipi niyang panalangin sa sarili. "Anong nangyari sa mga damit mo? Bakit ang gulo ng kwarto mo?" "Ahh... a-ano... may hinahanap kasi akong damit ko. Kanina ko pa kasi hinahanap ang blue na blouse ko kaso hindi ko mahanap. Hinaluglog ko na lahat dito pero wala pa rin. Tapos may nakita pa akong ipis kanina sa aparador. Kaya ganito kagulo..." pagsisinungaling pa niya. 'Maniwala ka, please! Please!' Napakamot naman ng ulo si Alice. "Ayusin mo 'yan ha? Baka mamaya ako na naman pagtupiin mo!" "Oo na!" "Magbibihis lang ako. Pupunta ako ng market. Sasama ka ba?" "Ah, hindi na. May pasok ako ngayong 8 AM, e. Duty ko..." pagdadahilan naman niya. Totoo namang may pasok siya sa trabaho ngayon. Napabuntong-hininga ito sa kanya. "Sure ka na ba talaga rito, Say? Hindi naman kita pinipilit na magtrabaho, e." "I'm fine, Alice. Magtiwala ka lang, okay? Okay na ako. Kaya kumalma ka na..." she said reassuringly. "Oh, siya! Sige na. Mag-almusal ka muna bago umalis, ha!" "Yes, madam!" Umalis na si Alice sa kanyang harapan at pumasok sa kwarto nito. Maluwag siyang nakahinga at isinarado ang pinto sa kanyang likuran. "Shít! Paano 'to?" bulong niya sa kanyang sarili. Hinintay ni Lindsay na lumabas si Alice. Nang matapos itong magbihis at dumiretso na ito sa labas at sumakay ng tricycle. Pinabangon niya ang hingal na hingal na si Alex. Pawisan na ito dahil sa matagal na pagkakalibing sa ilalim ng kanyang mga damit. Napakagat-labi siya. Nakonsensya tuloy siya sa sinapit nito. Lumapit siya rito. "Sorry, nahirapan ka bang huminga?" Imbes na sumagot ay mabilis siya nitong hinapit at hinalikan sa labi. Kahit hindi niya gustuhin ay kusang napapikit ang kanyang mga mata dahil doon. Nadadala siya kahit sa simpleng smack na ginagawa nito sa kanya. His kisses became her addicting habit now. Saglit lamang ang halikan na iyon at hinarap na siyang muli ng binata. "There. I can now breathe..." pabiro nitong sabi. Pinalo niya ito sa braso. "Napaka mo talaga!" Nagtawanan silang dalawa. Pagkatapos niyon ay hinatid na niya si Alex hanggang sa harapan ng sasakyan nito. Nagpasundo kasi ito sa driver nito. He kissed her once more before getting inside the backseat. "I'll see you later, baby girl..." Napatango na lang siya rito. Hinintay niyang mawala ang sasakyan sa kanyang harapan bago siya napabuntong-hininga at ngumiti. Habang pabalik siya sa bahay ay hindi na niya maalis ang daliri niya sa kanyang labi. She was still in a daze after many times she was kissed by him. Now, she was regretting o let go of him that fast. Gusto pa niya itong makasama. Napangiti siya nang maalala ang sinabi nito. "I'll see you later, baby girl..." Dahil doon ay nagpagulong-gulong siya sa kanyang kama. Natigil lang paggulong niya nang tumama ang mukha niya sa tambak niyang mga damit. Napaungol siya. Wala siyang nagawa kundi ang ibalik sa pagkakaayos ang kanyang mga damit bago pa siya maabutan ni Alice. Pagkatapos magligpit ay gumayak na siya papunta sa kanyang trabaho. Habang nasa trabaho ay naging maganda ang kanyang mood. Hindi alintana sa kanya ang pagod at reklamo ng mga customer sa kanya. She was too happy to even feel discouragement. Walang ibang laman ang isipan niya kundi ang antisipasyon na muli silang magkikita ni Alex mamaya. "Gosh! Baliw ka na talaga, Lindsay. Nagkakaganito ka nang dahil lang sa lalaking iyon!" saway niya sa kanyang sarili. Pero ano pa ba ang magagawa niya? Itong marupok niyang puso ay ayaw nang magpaawat. She liked being happy. Tila ito ang unang pagkakataon na naging masaya siya sa kanyang buhay. Nang dahil kay Alex ay naging masaya siya. She can't wait for this day to end.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD