Chapter 15 - Drunken Kiss

1704 Words
It was his baddest decision to let her go... Inakala ni Alex na magiging okay ang lahat kapag itinaboy na niya si Lindsay. But he felt so shít inside. Pagkatapos umalis ni Lindsay noong gabing iyon ay dinala siya ng kanyang mga paa sa isang bar. It was one of his getaways two years ago. Ngayon na bumalik ang pamilyar na pakiramdam sa kanyang dibdib ay naisip na naman niya ang lugar na iyon. He was a jerk. He deserves a lot of punches. He could hire a lot of thugs and order them to beat the hell out of him. Pero masyado siyang nanghihina para mang-abala pa ng ibang tao ngayon. Habang nagpapakalunod sa alak ay tila lumilinaw ang imahe ni Lindsay sa kanyang isipan. How she smiled at him when he was cooking for her. Tila may kung anong humaplos sa puso niya nang makita ang ngiti ng dalaga. He wanted to kiss her right there and then. But he stopped himself from doing so. He had to stop. He wasn't supposed to be with her. Pinagbawalan na siya ni Alice. He was starting to avoid her. Pero heto siya at tinatraydor niya ang dating kaibigan. Hindi niya maintindihan ang sarili niya. He just wanted to enjoy the moment. Ginusto niyang hilingin na sana tumigil ang oras habang nakatanaw sa maamong mukha ni Lindsay. Gusto niyang mapalapit nang husto sa dalaga. Gusto niya itong alagaan. Gusto niya ito na laging nakikita. Pero alam niyang hindi maaari. Alam niyang wala siyang karapatan. Pero kahit na anong iwas niya ay ganoon pa rin ang kanyang nararamdaman. He still likes her so much. May umalpas na butil ng luha mula sa kanyang isang mata. Napadako ang tingin niya sa kanyang nanginginig na mga kamay. He was scared. He was scared to death that he will never see her again. It's more scary to know that she will be happy without him. He lived like that eventually. Hindi niya namamalayan na sa paglipas ng mga araw ay mas lalo siyang pinapabigat ng kanyang pangungulila sa dalaga. That's why after a week, he decided to follow her. Alam niya ang lahat ng galaw nito. Kahit pa abala siya sa kanyang trabaho ay nagagawa pa rin niyang sundan ito. Ang hindi niya maintindihan kung bakit nasa harapan niya ngayon ang dalaga. Pagkatapos niyang magpakalango sa alak sa araw na iyon ay naroon na siya sa harapan nito. Bigla na lang tumulo ang kanyang luha. "Baby girl, I missed you..." he whispered. That look on her face made him smile a bit. God, how much he missed this woman. His woman. Dahil wala sa kanyang hustong ulirat ay natagpuan na lang niya ang sarili na nakahandusay sa sahig. "Ano ba, Alex! Tumayo ka nga d'yan!" asik ni Lindsay sa kanya. Imbes na tumalima ay tumawa pa siya na parang gagó. Wala siyang ibang naiisip ngayon kundi ang pagka-miss niya sa boses nito. Ilang linggo na ba ang lumipas? Pakiramdam niya ay inabot na ng taon na hindi niya ito nakasama. "God, I missed your voice, baby girl. I missed you so damn much..." Hinaplos niya ang mukha nitong nakatunghay sa kanya. "Bakit ka ba rito dumiretso? Wala ka bang sariling bahay? Lasing ka na. Ilang bote ang ininom mo?" pagalit na tanong nito. "Hindi ako lasing, baby girl." She scoffed and rolled her eyes. "Lahat naman ng lasing sasabihin na hindi sila lasing! Tumayo ka na d'yan. Mag-aabang ako ng taxi." Akma itong tatayo ngunit mabilis niyang hinigit ang palapulsuhan nito. "Don't go..." Natigilan ito at napatingin sa kanyang direksyon. May namumutawing luha sa mga mata ng dalaga. He wanted to kiss her tears away but he was too weak to even move. "Please, don't go..." bulong pa niyang muli. "A-Alex..." "I'd be a jerk tonight, okay? I don't want to see you go. Ayoko na ulit umalis sa tabi mo..." Niyakap niya ang kamay ni Lindsay at pumikit. Pagkatapos niyon ay nilamon na ng kadiliman ang kanyang kamalayan. ***** Ilang beses tinapik-tapik ni Lindsay ang mukha ni Alex ngunit hindi na ito sumasagot. Napabuntong-hininga siya at hinilot ang sentido. "Paano pa ako makakapag-move on sa'yo kung bigla-bigla ka namang susulpot ulit sa harap ko?" bulong niya habang nakatunghay sa natutulog na binata. Tuluyan nang nagbagsakan ang kanyang luha sa puntong iyon. Hanggang sa ang luha ay naging hikbi. "Pagkatapos mo lang naman akong itaboy, babalik ka para sabihin sa akin na nami-miss mo ako? Ano bang gusto mo sa akin, Alex? Bakit mo ako pinapahirapan?" Gusto na niyang makalimot. Gusto niyang magpatuloy sa buhay habang dala-dala ang pag-ibig na kailanma'y hindi masusuklian. Pero tila pinaglalaruan siya ng tadhana. Gusto niya sanang magmukmok ngayon nang mag-isa ngunit paano pa niya magagawa iyon kung nasa harapan na niya ang dahilan ng kanyang pagdadalamhati? Walang nagawa si Lindsay kundi ang akayin si Alex patungo sa kanyang kwarto. Hindi naman niya ito pwedeng iwan sa sahig. Hindi rin ito pwede sa sofa. Wala siyang extra na electric fan at tiyak na lalamukin ito sa salas. Hirap na hirap siya sa pag-akay sa binata. Habol-hininga niyang nailagay ito sa kama. Pagkatapos niyon ay pinunasan niya ng basang bimpo ang mukha nito. That way, she had free access looking at his handsome sleeping face. Kahit na lango ito sa alak ay hindi man lang nabawasan ang kagwapuhan nito. "Are you done memorizing my face, baby girl?" Nanlaki ang mga mata niya pagkarinig sa boses ni Alex. Nag-init ang kanyang mga pisngi. Hindi siya kaagad nakaiwas ng tingin. Tila nanigas siya sa kanyang posisyon. Nagmulat pa ito ng mga mata at nahuli siya sa akto. 'Shít! Nakakahiya?' Kahit huli na ay nag-iwas pa rin ng tingin si Lindsay. Hindi niya matagalan ang mga titig nito. Nakakalunod at nakakalasing. Mukhang siya ang tinablan ng kalasingan at hindi ang binata. "Don't shy away. Keep on doing that. Stare at me all you want. Hindi na ako aalis sa tabi mo..." anito sa mahinang usal. "Matulog ka na. Bukas ng madaling araw, dapat wala ka na rito. Kapag naabutan ka ni Alice, ako ang malalagot!" pag-iiba niya. Akma siyang tatayo nang bigla na naman siya nitong higitin. Napatili siya hanggang sa natagpuan niya ang sarili na nasa ilalim ng binata. Gahibla na lang ang agwat nito sa kanya. Halos makalimutan na niyang huminga. "A-anong ginagawa mo? Bitiwan mo 'ko, Alex!" She heard him grunted under his breath. Napaiwas pa ito ng tingin at napakagat-labi. "Damn it!" "B-bakit? May masakit ba sa'yo?" Bigla siyang nag-alala. Nakita niya ang pagngiwi ng binata na tila nagpipigil ng kung anong masakit dito. "Ano? Magsalita ka!" "I'm just taming my buddy down there, baby girl. I know I'm drunk but I would never try to take advantage of you, kahit pa nang-aakit ka ngayon," he suddenly said. Napakurap naman siya. "A-ano? Ako nang-aakit?" "Yes, you're seducing me right now. Effortlessly, baby girl..." "Anong pinagsasabi mo?" "I want to make it official. I'm willing to wait for you kahit gaano pa katagal, baby girl. I would wait for you," seryosong turan nito pagkakuwan. Napabuga siya ng hangin at inirapan ito. "Anong pinagsasabi mong willing to wait? Ang alin?" "You... lying next to me..." Nag-init lalo ang kanyang mga pisngi. 'Gosh! Paano niya nasasabi ang mga 'yun sa harapan ko nang hindi man lang kumukurap?!' "B-bakit ko naman gagawin 'yun? Mayro'n bang tayo?" sarkastiko niyang tanong. "Ayos, ah? Pagkatapos mo akong ipagtabuyan, babalik ka at sasabihin mo ito? Bakit, nanligaw ka ba para maging tayo? At tayo ba para sabihin mo sa akin ang mga 'yan?!" Napatalon sa gulat ang binata sa kanyang sigaw. Ginamit niya iyong pagkakataon para itulak ito hanggang sa bumagsak ang katawan nito sa kabilang bahagi ng kama. Nakahiga lang sila roon at parehong gulat na gulat ang mga hitsura. Maya-maya ay napahalakhak si Alex. Nangunot ang kanyang noo at nilingon ito. "Anong nakakatawa?" "Sorry, baby girl. I just realized something. Hindi pala ako marunong manligaw..." Tumagilid ito paharap sa kanya habang nakangiti. "Paano ba 'yan? Hindi ko alam paano manligaw. And besides, kailangan pa ba nating dumaan sa gano'n? We've already kissed, haven't we?" Napasinghap siya. Bakit ganito kaprangka ang bibig ng lalaking ito? "Kailangan pa ba kitang suyuin? I already know that you like me. And I like you, too. Kailangan pa ba talaga nating dumaan sa gano'n? Why don't we just kiss and make up?" Sa sobrang kabiglaan ay hindi napaghandaan ni Lindsay ang sunod na ginawa ni Alex. Agad siya nitong kinabig sa leeg at hinila palapit dito. The next thing she knew, she was feeling his lips on hers. It was one magical kiss she never knew she needed. May pagkabilis ang paghinang nito sa kanilang mga labi. Dama niya ang pangungulila at kasabikan nito. Sa pamamagitan ng halik na iyon ay agad na niyang nalaman ang nilalaman ng puso ng binata. It was when they kissed that he became an open book to her. Si Alex ang unang bumitiw. Ipinagdikit nito ang kanilang mga noo. His breath became her new fettish. It was so addicting that she never wanted to leave his side. Ayaw na niyang mawalay sa tabi ng binata. Nababaliw na siya para isipin iyon ngunit hindi niya mapigilan ang sarili. It was like she waited for this day to come to her life. Just like how she wished she would finally meet her savior. With his kiss, she was saved. Again. "You know what this means, right, baby girl?" bigla ay tanong ni Alex sa kanya. "You're mine now. All mine..." And just like silence, she said yes in the air. Wala itong sinayang na sandali at muling sinakop ang kanyang labi. Slowly. Subtly. Patiently. He was marking her. Marking her with a simple but weakening kiss. Mabuti na lang at nakahiga sila dahil kung nakatayo pa ay tiyak na panlalambutan siya ng mga tuhod. They shared just a kiss in the moonlight. For now, they we're just patient with each other. Patient with their hearts to heal slowly. Willing to wait for her to be his open book in the future. Sa kanyang pagtulog habang nakayakap sa unan na pagitan nilang dalawa, hiniling niya sa hangin na sana tumigil ang oras. Sana pwedeng habambuhay lang tumitig sa gwapong mukha ni Alex.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD