Nang madatnan ni Alex ang eksenang iyon sa Retrorant ay tila nagdilim ang kanyang paningin sa lalaking lamunin na si Lindsay sa kahihiyan. Hindi siya nagsayang ng oras at dinurog niya ang mukha ng lalaking iyon. "What's happening here?" tanong ng bagong dating. Si Enero Fuentebella, ang may-ari ng Retrorant at kaibigan niya. Nanlaki ang mga mata nito nang makita siya. "Alex? What's this?" Ang tanong nito ay kalmado. Alam na kasi nito na may dahilan ang lahat ng nangyayari. Kilala si Alex sa pagiging isang kalmado na tao. Hindi siya isang troublemaker o isang mayabang na tao. Anuman ang gawin niyang aksyon ay may mabigat na dahilan. What he witnessed was way out of the line. Hindi niya kayang tingnan na lang na maagrabyado ang kanyang girlfriend nang dahil sa ibang tao. Kahit pa ang gum

