"W-what do you mean?" nanghihina na tanong ni Alex kay Lindsay. Nakahawak na ang binata sa kanyang magkabilang pisngi. Damang-dama niya ang mainit na palad nito. He was fuming hot already. "You can kiss me..." she said sincerely. Nagtama ang kanilang mga mata. Ilang sandali ang mga iyon na nangusap. Maya-maya ay kinabig na siya ni Alex at siniil ng mapusok na halik. Napapikit si Lindsay at sinabayan ang galaw ng labi ng binata. Sa bawat dampi nito ay tila mayroong hinahabing mapino ngunit nakakapanghinang pakiramdam sa kanyang kaibuturan. Unti-unti ay nagkunyapit ang kanyang kamay sa leeg nito. Mas kinabig pa niya ito at lalong lumalim ang kanilang pinagsaluhang halik. Of all the kisses she received from him, this one was different. Tila naging ibang tao si Alex ngayon na magkahinang

