Chapter 1

1425 Words
Cali POV "Beshie, bilisan na natin late na tayo sa appointment natin sa coordinator." Nagaalalaang wika ko. Last minute na kase nung tumawag si Darren na hindi niya ako masusundo dahil marami pa siyang ginagawa sa office. "Eh, nasaan ba kase yang fiancé mo, alam naman niyang ngayong yung meeting nyo sa wedding coordinator at at sa wedding suppliers bakit hindi nya tinapos ng maaga mga kailangan nyang gawin sa trabaho nya." Sermon sa akin. "Alam mo napapansin ko diyan kay Darren parang walang ginagawang effort oara sa preparation ng kasal nyo. Alam mo yon? Parang ikaw lang lahat ang nag aasikaso. Baka naman pati sa gastos sa kasal ay ikaw pa rin ang sasagot. Aba, beshie iba na yan, kaya mag isip isip ka." Pagdidiwara pa rin niya. "Ano ka ba beshie, baka busy lang talaga sa trabaho. Saka sa gastos naman 50/50 kami." Sagot ko. Nang makababa kami sa sasakyan ay kaagad kaming pumasok sa Cafè kung saan kami magkikita ng wedding coordinator. "Good afternoon Ms. May, I'm sorry we're late. Na traffic kase kami." Hingi ko ng pasensya sa wedding coordinator na kausap namin. "Good afternoon Ms. Cali. It's okay, maaga pa naman at wala na rin naman kaming appointment after our meeting. By the way take your seat." Saad niya. "This is Julie nga pala Ms. May, sya yung maid of honor ko." Pakilala ko sa bestfriend kong si Julie. "Hello, ms. May, please to meet you." Bati sa kanya ni Julie. "Please to meet you too ms. Julie. By the way they are my staff, she is Anna, Jenny and Bea. Anna is the one in charge for your wedding dresses and suits. Si Jenny naman ang incharge sa venue and sa foods. Si Bea naman sa mga souvenir ang ither wedding supplies." Saad ni Miss May. "Ahmm, hindi nyo po kasama si sir Darren? Dala na po kase namin yung mga magazine for wedding gowns and suits." Aniya. "Mbaka hindi makapunta Ms. May busy kase sa office nila, may kailangan pa raw siyang tapusin." Paliwanag ko na naintindihan naman ni ms. May. "No problem ms. Cali, pwede naman siyang mamili ng suit sa next meeting natin. You can check our wedding gown designs first, the we will prepare the samples of the gowns you want to try." Sabi niya at iniabot sa amin yung mga magazine at brochures ng mga wedding gown. Habang namimili ako ng wedding gown na isusuot ko sa kasal namin ni Darren, ay kinalabit ako ni Julie. "Beshie, alam ba ni Darren na dito tayo sa Cafè na ito makikipagmeet sa wedding coordinator nyo?" Tanong niya. "Hindi beshie, nung sinabi nya kase na hindi nya ko masasamahan eh di ko na binanggit sa kanya na nagchange ng location yung meeting place namin with the coordinator." Sabi ko. "Akala ko ba beshie busy sa office, eh, ano ginagawa niya dito?" Saad niya sabay turo kay Darren na papasok ng Cafè at my kasama pang buntis na babae at sobrang sweet pa nila habang papasok ng Cafè. Todo alalay pa siya dito hanggang sa makaupo sa isang table na tila nakareserve pa para sa kanila. "Don't look at them beshie baka makita nila tayo." Sabi ko. "Sinasabi ko na nga ba eh, iba kutob ko diyan sa fiancé mo. Diba ilang beses ko nang sinabi sa iyo na nakikita ko syang may kasamang babae noon pa. Wait, sya yon beshie, sya nga yung babae na palaging kasama ng fiancé mo." Wika niya. "Hindi ba sabi mo maniniwala ka lang kung makikita ng dalawang mata mo na niloloko ka nga niya? Ayan na yong beshie nasa harapan mo na." Litanya ni Julie. "Ah... Mis. May pasensya na po ah, okay lang po ba kung ire-schedule nalang natin yung meeting natin. Don't worry po what ever happens I will pay for what is written in our contract." Sabi ko na abot pa rin ang hingi ng oaumanhin sa kanila. "I'm sorry talaga sa abala." "No problem ms. Cali. Update mo nalang po kami. Maiwan na namin kayo ha. Ms. Calli stay strong po and think positive." Saad pa niya bago sila umalis. Hiyang hiya ako sa nasaksihan nila. Nang makalayo na sila ms. May ay kinuha ko ang phone ko sa bag at tinawagan si Darren. "Hi babe, marami ka pang ginagawa?" Tanong ko sa kanya at pilit na pinasigla ang boses ko. Si Julie naman ay masama ang tingin sa direksyon nina Darren. "Yes babe, pinapa rush kase ng boss namin yung mga design na ipinaedit ng client kailangan na rin bukas kaya wala akong choice kung hindi mag over time. Tapos na ba meeting mo sa coordinator ng wedding natin?" Tanong pa nya. "Ah ok. And yes, tapos na yung meeting namin. Actually kaaalis ng nila dito sa Queen's Cafè kung saan kami nagmeet." Pagkasabi ko ng location namin ay kaagad siyang nagpalinga linga para hanapin kami. Dumukot ako ng two thousand pesos at inilapag sa table bago ko hinila palabas ng Cafè si Julie. Pagkasakay namin sa kotse ay nagmamadali akong pinaandar ito at nagmaeho paalis sa lugar na iyon. Nakita kong hinabol pa kami ni Darren nang lumabas kami ng Cafè. "Beshie, dahan dahan sa pagdadrive okay. Mabuti pa ihinto mo muna sa tabi, ako nalang ang magdadrive pauwi." Sabi ni Julie. "No need beshie, I'm fine. Huwag kang mag alala hindi naman ako tanga para ipahamak ang sarili ng dahil lang sa isang lalaki." Sabi ko. Hanggang sa makarating kami ng bahay ay pigil pa rin ang pag iyak ko. Pagdating sa kwarto ko ay nagtungo ako sa bathroom para maghilamos. "You can cry if you want to, beshie. Nandito lang ako para sayo." Aniya. "I can't believe that he can do this to me beshie, I trusted him fully. Hindi ako naniwala sa mga chismis na nakakarating sa akin dahil ayaw kong magkasira kami. He even proposed to me. Akala ko ako lang ang babae sa buhay niya. Ano ba ang mali sa akin? Saan ako nagkulang?" Wika ko sa pagitan ng mga hikbi na hindi ko mapigilan. "Nagmahal ka lang ng sobra beshie, walang mali sa iyo. At higit sa lahat hindi ka nagkulang. Sadyang hindi lang siya makontento sa isang babae." Wika niya. "So, what's your plan now?" Tanong niya sa akin. "I still want to talk to him beshie, gustong kong malinawan sa mga nangyayari sa aming dalawa. Gusto kong malaman kung ano ang nagawa kong mali oara maghanap pa siya ng iba." "If that's what you want. Pero beshie huwag na huwag kang magpapadala sa mga panglalambing ng fiancé mo. Pag isipan mong mabuti ang mga gagawin mong desisyon okay?" Paalala niya sa akin. Hindi ko na namalayang nakatulugan ko ang pag iyak. Gabi na nang magising ako, wala na rin sa kwarto ko si Julie. Pababa ako ng hagdan nang marinig kong nakikipagtalo si Julie sa labas. Ang akala ko ay umuwi na siya dahil pasado alas nuebe na rin ng gabi. "Beshi, sino ba kaaway mo diyan, akala ko'y nakauwi ka na." Saad ko habang papalapit sa gate. "Babe, please talk to me. Magpapaliwanag ako." Saad ni Darren sa labas ng gate namin. "Gabi na Darren, bumalik ka nalang bukas kapag nawala na yang kalasingan mo." Sabi ko. "Hindi ako laseng babe, nakainom lang ng kaunti." Pagtanggi niya. "No, Darren. Maguusap lang tayo kapag hindi ka nakainom. Julie let's go inside gabi na rin dito ka na matulog." "Babe please talk to me, Inaamin ko nagkamali ako at malaki ang kasalanan ko sayo. Please forgive me." Sigaw niya sa labas ng gate habang papasok kami ni Julie sa loob ng bahay. Wala pa ring lubay ng pagtawag sa akin si Darren ngunit hindi ko nalang pinansin. "Ang kapal talaga ng mukha ng Darren na yan, second chance? Edi inamin niya rin na niloloko ka nya." Nanggigigil sna wika ni Julie. "You know me beshie, madali akong magpatawad pero hindi ako nagbibigay ng second chance." Sabi ko. "I know. Pero wait lang beshie nagugutom na ko, hindi pa rin ako kumakain kanina dahil hinintay kitang magising, gusto kase kitang samahang kumain ng dinner. Ipinalagay ko nalang sa fridge yung mga niluto ni manag kanina." Aniya. "Fine, initin nalang nating yung mga pagkain sa fridge." I'm so thankful for having Julie as my best friend. Siya lang ang nakakapagpagaan ng pakiramdam ko sa tuwing may pinagdadaanan akong problema. Although Darren is always there for me and he never leave my side lalo na nung namatay ang parents ko. Bukod sa kanya ay si Julie lang ang palagi kong nasasandalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD