Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil kailangan kong asikasuhin ang pagpapasahod sa mga tauhan namin sa plantation.
"Magandang umaga Cali , Mukang matamlay ka anak, masama ba pakiramdam mo. Kung gusto niyo po ay ako na lamang ang mag aasikaso sa pasahod natin sa mga tauhan sa plantasyon." Ani mang Nestor na matagal na naming katiwala sa plantation parang anak na rin ang turing niya sa akin lalo na nung mawala ang mga magulang ko. Matalik siyang kaibigan ni papa kaya napakalaki ng tiwala sa kanya ni papa. Nangako rin siya na tutulungan niya ako sa pamamahala sa plantation hanggat kaya niya.
"Ayos lang po ako mang Nestor. Kamusta po ang mga pananim natin?" Tanong ko.
"Nako, siguradong maganda magiging ani natin ng pinya ngayon season na ito. Maging ang mga saging natin sa kabilang bahagi ng plantasyon ay nagsisimula na ring mamunga. Nakapag harvest na rin ang mga tauhan natin sa niyugan." Saad niya.
"Mabuti naman po kung ganon. Nariyan na po ba lahat ng mga tauhan natin? Gusto ko po kase silang makausap." Sabi ko.
"Nariyan na silang lahat, at nagkakarga ng niyog sa truck na magdedeliver sa maynila. Ang iba ay nasa kubo at nagkakape, sandali at tatawagain ko." Sabi niya bago umalis para tawagin ang mga tauhan namin.
"Magandang umaga ma'am Cali." Sabay sabay na bati sa akin ng mga tauhan sa plantasyon ng lumapit sila sa akin.
"Magandang umaga po sa inyo. Ipinatawag ko po kayo hindi lang po para ibigay ang pasweldo sa inyo ngayong buwan. Nais ko po kayong mabigya ng healthcare assistance para po hindi na makadagdag sa intindihin ninyo ang gastos sa pagpapagamot kung may nagkaksakit po sa inyo. Wag po kayong mag alala hindi lang po para sa mga empleyado ang health card na ibibigay ko. Maari din pong magamit yan sa pamilya ninyo partikular po sa asawa at mga anak po ninyo." Paliwanag ko sa kanila.
"Napakagandang biyaya naman po niyan para sa amin mm'am Cali. Napakalaking bagay niyan para sa aming mga magsasaka." Saad ng isa sa mga tauhan namin.
"Alam ko po kase na sa panahon natin ngayon ay napakamahan na ng gastos sa pagpapagamot kaya iyang po ang naisip kong paraan para makatulong sa inyo." Sabi ko.
"Nako ma'am Cali, mana ka po talaga sa mga magulang mo. Napaka maalalahanin mo sa aming mga trabahador ninyo. Pagpalain ka pa sana ng Panginoon sa kabutihan nang kalooban mo." Sabi ni manang Sonia.
"Kung hindi naman po sa tulong ninyong lahat ay hindi ko mapapamahalaan ng maayos ang plantasyon. Kung tutuusin po ay kayo naman halos lahat ang gumagawa dito sa farm kaya marapat lang na suklian ko po lahat ng tulong ninyo sa akin." Sagot ko.
"Kung ganon po ay salamat po nang marami ma'am Cali."
"Mang Nestor, kayo na po ang magpamigay ng mga sobre sa kanila, nakalagay ona po diyan pati yung health card nila." Sabi ko.
"Sige anak, ako na ang bahala dito. Mabuti pa ay magpahinga ka nalang muna sa bahay, masaki na rin sa balat ang sikat ng araw baka masunog ang balat mo. Naghahanda ka pa naman para sa nalalapit ninyong kasal ni Darren." Sa bi ni mang Nestor. Saglit nman akong natigilan sa sinabi niya pero nginitian ko lang siya. Wala pa namang nakakaalam ng tungkol sa nangyari kahapon bukod kay Julie.
"Kung ganon po ay mauuna na ako. Mag iingat po kayo dito at wag po kayong magpapalipas ng gutom." Paalam ko sa kanila bago ako umalis.
Pagdating ko ng bahay ay naabutan ko sa sala si Darren. Kaagad siyang tumayo nang makita niya ang pagpasok ko sa sala at kaagad na iniabot ang dala niyang bulaklak.
"For you babe." Aniya.
"Salamat. Maupo ka magpapahanda lang ako ng maiinom kay manang." Sabi ko.
"Babe, can we talk? Gusto kong magpaliwanag. Hindi ko naman tlaga mahal si Trina. Natukso lang talaga ako. Lalaki ako at may pangangailangan kaya hindi ko na napigilan nung lumapit siya sa akin." Paliwanag niya.
"Natukso? Sandaling panahon nalang Darren ikakasal na tayo, hindi ka pa nakapaghintay. Alam mo naman diba na gusto kong malinis ako hanggang sa araw ng kasal natin. Saka sinisisi mo ba ako sa kasalanang ikaw naman ang gumawa?." Sabi ko.
"Inaamin kong nagloko ako. Hindi ko naman tatakasan ang obligasyon ko sa magiging anak namin ni Trina. Magsusustento ako sa kaniya at ibibigay kung ano man ang pangangailangan ng bata." Katiran niya.
"Hindi ko maatim na walang makakagisnang ama ang magiging anak nyo Darren. Mas gugustuhin ko pang mapunta ka sa iba kaysa agawan ng ama yung batang walang kamalay malay at walang kasalanan." Sabi ko.
"Pero babe ikaw lang ang gusto kong makasama habang buhay, ikaw lang ang gusto kong pakasalan." Pakiusap niya.
"Nagawa ko lang naman iyon na makipagrelasyon sa kanya dahil naibibigay niya yung bagay na hindi mo pa kayang ibigay sa akin." Aniya. Lumuhod siya sa hapan ko at muling nakiusap.
"Please babe, forgive me kahit ngayon lang. Patawarin mo na ko please. Pangako hindi na mauulit." Pkiusap niya.
"Hindi ko kasalanan na hindi ka makapaghintay Darren. Alam mo kung ano ang mabuti mong gawin? Puntahan mo yung babaeng nabuntis mo at panindigan mo. Dahil hindi ako patatahimikin ng konsensya ko kung itutuloy ko pa ang pagpapakasal sa iyo. The wedding is off. I will set you free and I hope maging masaya kayo ng magiging mag ina mo. Let's end it here Darren. Thank you for the happy memories we share for the past five years. Good bye Darren." Pagkasabi ko non ay umakyat na ako sa kwarto ko. Naiwan siyang nakaluhod pa rin sa sala hindi ko na siya nilingon muli dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko pa rin siya kayang bitiwan.
Days had past, I immediately cancelled our wedding preparations. I pay for the penalties, mabuti nalang at nasa 25 percent palang kami ng aming wedding preparation kaya hindi pa ganon kalaki ang nagastos namin. Minsang dumalo ako sa isang event ay di inaasahan nag krus muli ang landas namin ni Darren at ng bago niyang fiancé. Nabalitaan ko rin na inaayos na nila ang magiging kasal nila.
I still feel the pain, hindi naman kaagad mawawala iyon. After that event, I decided to leave our place. I need to move on, I need to find myself.
"Mang Nestor, sa inyo ko po muna iiwanan ang pamamahala dito sa plantasyon. Huwag po kayong mag alala dahil hindi ko naman po pababayaan ang mga obligasyon ko dito. At kung magkakaroon man po ng problema ay tawagan nyo lang po ako." Pagpapaalam ko sa kanya.
"Sigurado ka na ba sa desisyon mong iyan anak? Baka mahirapan ka sa Maynila wala kang makakasama sa bahay ninyo doon." Pag aalala niya.
"Huwag po kayong mag alala kaya ko na po ang sarili ko."
"Alam mo anak, maging ako ay nalulungkot sa nangyari sa inyong dalawa ni Darren. Wala naman akong nakikitang dahilan para magawa niyang lokohin ka." Aniya.
"Kahit ako po ay hindi ko inakala na magagawa niya iyo. Lubos po ang tiwalang ibinigay ko sa kanya. Wala naman na po akong magagawa sa bagay na iyan at ayaw ko rin naman pong ituloy pa yung kasal namin lalo na at may inosenteng bata na ang madadamay. Higit po sa lahat mahirap na pong pilit na buoin ang relasyon na nagkalamat na." Sagot ko.
"Tama ka sa mga sinabi mo anak. At hanga rin ako sa katatagan, at pagiging mapagpatawad mo." Aniya.
"Wala naman pong maitutulong sa atin kung hindi tayo magpapatawad sa nagawang kasalanan sa atin ng ating kapwa hindi po ba? Tayo lang rin po ang mabibigatan sa pagdadala ng buhay kung may kinikimkim tayong galis sa puso natin." Wika ko.
"Sige po mang Nestor, aalis na po ako baka po mahili ako sa flight ko paluwas ng Maynila." Paalam ko sa kanya.
"Oh, sya mag iingat ka sa byahe. Tawagan mo kami ni manang Fe mo kapag nandoon ka na." Bilin niya sa akin.
"Ron, ikaw na bahalang maghatid kay Cali sa airport. Magingat ka sa pagmamaneho mo." Habilin nya sa Ron na anak ni mang Nestor.
"Opo tay, ate Cali tara na po, para di tayo abutan ng traffic sa daan." Aniya.
Habang tinatahak namin ang daan patungong airport ay napapaisip ako kung anong buhay ang haharapin ko sa Maynila.