Chapter 3

1340 Words
Pagdating sa Manila airport ay nagbook ako ng grab papunta sa hotel na tutuluyan ko ng dalawang araw. Bukas pa kase ang schedule ng pagpapalinis ko ng bahay namin kaya bukas pa rin ako makakauwi sa bahay. Pagdating sa hotel ay tinawagan ko muna sina manang Fe at mang Nestor oara ipaalam na nakarating na ako ng Maynila. Simula ng mawala sila mama at papa ay bihira na akong lumuwas nang Manila. nag freshen up lang ako at bumaba muli para magdinner sa nakita kong restaurant na malapit dito sa Hotel. I just ordered seafood pasta and pizza, then iced lemon tea and strawberry shortcake for dessert. Habang kumakain ako at nagring ang phone ko at kaagad ko naman itong sinago. "Beshie, sorry ha hindi kita nasundo sa airport kanina busy kase sa office." Ani Julie sa kabilang linya. "Ano ka ba beshie, okay lang. Nandito ko ngayon sa restaurant malapit sa hotel na tinutuluyan ko pansamantala. Asan ka ba ngayon?" Tanong ko. "Pauwi palang beshie. Tinapos ko pa kase yung mga pinapagawa ng boss ko. Alam mo na weekend kaya kailangan tapusin lahat ng trabaho." Aniya. "So, free ka bukas? Uuwi kase ako sa bahay namin, naghire kase ako ng maglilinis. Then kailangan ko rin mag grocery. Pwede mo ba akong samahan?" Tanong ko sa kanya. "Ay, syempre naman. Ano, sunduin kita diyan sa hotel bukas ng umaga?" Sabi niya. "Sige, salamat ha." "No problem beshie oh, pano bye na muna magdadrive kasi ako. Ingat ka diya, see you tomorrow." Sabi niya. "Ingat ka din beshie, see you tomorrow. Bye." Pagkatapos kong kumain sa restaurant ay bumalik rin ako kaagad sa hotel para maagang makapagpahinga. Kinabukasan ay maaga akong sinundo ni Julie, dumaan muna kami sa isang Cafè oara magbreakfast bago kami umuwi s bahay namin. "Beshie, ano nga pala gagamitin mong sasakyan habang nandiro ka sa Manila? Wala ka bang balak bumili ng bago?" Tanong sa akin ni Julie. "Ipapaayos ko nalang yung lumang sasakyan ni mama sa bahay." Sabi ko. "Sure ka beshie, matagal na iyong hindi nagagamit diba?" Tanong niya. "Oo, pero mas gusto ko kaseng gamitin yung lumang kotse ni mama. Saka isa pa balak ko rin magtrabaho kaya mag aapply ako next week." Sabi ko. "Ano ka ba? Eh kahit naman hindi ka magtrabaho my income ka dahil malaki naman ang kinikita ng plantasyon ninyo?" Sabi niya. "Gusto ko kase ma experience yung maging isang ordinary employee." Sabi ko. "Hay naku beshie, paalala lang ha. Hindi lahat ng employer at katrabaho kasing bait mo. Maraming plastic at inggitere diyan sa tabi tabi." Sabi niya. "Bakit hindi ka nalang magtayo ng sarili mong business? Kung tutuusin sa ilang taon mong pamamahala sa negosyo ng pamilya nyo ay kayang kaya mo nang magtayo ng iba pang negosyo." Dagdag pa niya. "I'm thinking about that for quiet sometime now beshie. Pinag aaralan ko pa kung paano ko sisimulan. But for now I will try to work in a company." Naisip ko na rin iyon dati, at balak ko ring magexport ng mga processed product namin. Sa ngayon kase ay mga fresh fruits and coconut palang ang ine-export namin. Hanggang ngayon kasi ay pinag aaralan ko pa yung pagpapatayo ng sariling factory ng mga canned pineapple slices, banana chips and juice. "Alam mo hiring sa company na pinapasukan ko at marketing assistant ang kailangan, eh di ba marketing management ang natapos mo?" Sabi niya. "Oo, basta gusto ko lang magtrabaho para magamit ko yung pinag aralan ko. Saka isa pa wala rin naman akong masyadong trabaho sa plantasyon dahil halos si mang Nestor ang abala sa pamamalakad doon." Sabi ko. "Hay, ikaw ang bahala. Pero wag mo akong sisisihin kapag nahirapan ka sa magiging trabaho kung sakaling matanggap ka doon. Saka isa pa beshie, ang layo ng bahay nyo sa kompanya, sa sobrang traffic dito sa manila baka maubos sasahurin mo dahil palagi kang late." Natawa nalang ako sa mga pinagsasabi niya. "Grabe ka ayaw mo lang yata akong maging katraho eh." Ani ko. "Ano ka ba, pinapatawa lang kita. Alam ko naman na ginagawa mo lang ito para maka move on ka. Kaya kahit anong maisipan mong gawin sa buhay susuportahan kita." Sabi niya. "Salamat beshie ha, saka may pakiusap sa na ako sayo beshie. Please don't tell anyone about my family background, especially kung ano ang status ng buhay ko sa province." Sabi ko. "Fine, if that's what you want. Beshie, what if doon ka nalang sa condo ko tumuloy if ever na matanggap ka sa company namin." Sabi ni Julie. "Talaga beshie, okay lang ba sa iyo?" Tanong ko sa kanya. "Oo naman, mas okay nga yon may makakasama ako sa bahay. Saka para mas kapanipaniwala yang drama mo na ordinary employee" Aniya saka tumawa "Thank you beshie, actually balak ko nga rin talaga maghanap ng maliit na apartment mabuti nalang inoffer mo na sa condo mo nalang ako mag stay." Sabi ko. Pagkatapos naming mag breakfast sa cafe ay u,uwi na kami sa bahay namin dahil papunta na roon yung tinawagan ko na maglilinis. Nag take out na rin kami sa nadaanan naming restaurant ng pang lunch namin mamaya. Dumaan rin kami sa isang convenient store para bumili rin ng pampameryenda sa mga maglilinis ng bahay. Kaagad namang sinimulan ng cleaners ang paglilinis ipinauna ko nang linisin yung kwarto ko at kusina. Maganda ang services ng cleaning agency na natawagan ko. Halos maghapon silang naglilinis dahil medyo matagal na rin nung huling beses kong ipinalinis itong bahay. Ipinakuha ko sa tauhan ng car repair shop yung kotse ni mama para magawa na kaagad. Napagdesisyonan namin nid Julie na dito mag stay sa bahay ngayong gabi kaya lumabas kami para mamili ng pwde namin iluto mamaya para sa dinner. Kinabukasan naman ay namili kami ng mga personal kong gamit na dadalhin ko sa condo niya. Namili na rin kami ng mga groceries at iba pang stocks para sa aming dalawa. "Beshie, hindi kalakihan itong condo ko ha, pero two bedrooms naman sya kaya tig isang bedroom tayo. Yung nasa kana yung bedroom ko yung sa kaliwa naman sa iyo. Yung door sa gitna common bathroom natin. Alam ko ko nasanay ka sa malaking bahay kaya sure ako maninibago ka dito." Sabi niya. "Ano ka ba beshie, alam mo namang hindi ako maarte sa mga ganyang bagay. Actually i like your place, maaliwalas saka in fairness beshie napaka organize." Sabi ko. "Mabuti pa ayusin na natin yung kwarto mo, para maaga tayong makapag pahinga. Saka maaga rin akong papasok bukas, yung application mo via online nalang much better kung makakapagsubmit ka ngayon para bukas makita na ng HR namin." Sabi niya. Pagkatapos namin mag ayos ng kwarto ko ay inasikaso ko kaagad yung application letter at CV. Nang masiguro ko na okay na yung ginawa ko ay isinubmit ko na sa email address na ininigay sa akin ni Julie. "Kinabukasan ay inagahan ko ang gising para makapagluto ng breakfast namin. Sakto namang nakaluto na ako ng bacon and egg at nkaoag toast ng bread nung lumabas ng kwarto si Julie. "Beshie magbreakfast ka na, nakapagluto na ako ng breakfast para sa ating dalawa." Tawag ko sa kanya. "Oh my God thank you beshie. Alam mo ba tinanghali ako ng gising. Mabuti nalang naamoy ko yung niluluto mo kaya nagising ang diwa ko." Sabi niya. "Bakit, wala ka bang alarm?" Tanong ko. "Meron naman kaso pagka off ko nakatulog ulet ako." Sabi niya kaya natawa ako. "Hay, di ka na talaga nagbago behie, tulog mantika ka pa rin." Pagkatapos naming magbreafast ay ako na ang naglinis ng kusina pinag gayak ko na siya dahil malelate na siya sa trabaho. "Thank you beshie, bawi ako later ako magluluto ng dinner. Sige na bye see you later." Sabi niya at nagmamadaling lumabas. Naglinis naman ako ng bahay nang makaalis siya. Nilabhan ko na rin yung mga damit naming dalawa. May washing machine naman kaya gi hawa lang ang gawaing bahay. Bandang hapon ng may matanggap akong email mula sa company nila Julie at pinapupunta ako bukas para sa interview.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD