bc

Between Lovers and Friends

book_age4+
0
FOLLOW
1K
READ
revenge
one-night stand
second chance
boss
drama
bxg
serious
realistic earth
friends with benefits
seductive
like
intro-logo
Blurb

A girl who's always liked but never pursued and a man who just got out from a long-term relationship found comfort with each other. They were good friends until they found each other n***d in one bed.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Mahigit isang oras na sa loob ng restaurant si Lyanne nang sa wakas ay makatanggap ng tawag mula kay Kiel. "Hi!" bati niya sa masiglang tinig kahit na ang totoo ay kanina pa siya bagot na bagot. "Hello, where are you?" Napabuntong hininga ang dalaga bago tumugon. Bigla kasi siyang nakaramdam ng disappointment. "Paalis pa lang ako sa bahay," pagsisinungaling niya. Base kasi sa tono ng pananalita nito ay kinutuban na siyang hindi na makakarating ang binata kaya naman to save her pride, wala siyang ibang choice kung hindi ang magsinungaling. "I'm sorry, I can't make it today. Nawala sa isip ko na birthday pala ni James kaya naaya kitang lumabas. Hindi---" "It's okay. Hindi mo na kailangang magpaliwanag pa. I understand," she cut him off. "I'm really sorry, Anne. Babawi ako next time." "Sure! No problem. O s'ya, I'll hang up na. Tinatamad na rin naman talaga akong lumabas today. Ingat ka," aniya at saka mabilis na pinutol ang tawag. Hindi niya na hinintay pang makasagot ito dahil baka hindi niya na mapigilan ang inis. She once again took a deep breath to calm herself. Mabuti na lamang talaga at wala siyang anger management issues. Pagnagkataon kasi ay baka nagwala na siya roon dahil tila sasabog na nga ang puso niya sa inis. Pero kung tutuusin ay wala naman kasi siyang karapatang magalit o mag-demand dito because first of all ay wala naman silang label. Hindi rin naman ito nanliligaw sa kaniya. She met Kiel during their company's team building activity. He is from IT Department habang siya naman ay sa Finance Department. Ilang buwan na rin siyang hinahatid nito pauwi, ilang beses na rin silang kumain sa labas, madalas din ang pag-text at tawag nito sa kaniya pero hindi malinaw ang intensiyon nito. He never told her he likes her pero iyon naman ang pinaparamdam ng binata sa kaniya. O baka naman assuming lang ako? aniya sa isipan. She then shook her head to clear her thoughts. Ayaw niya namang ngayon pa siya makipagtalo sa sarili. Gustuhin man niyang tumayo na at umalis ay hindi niya magawa. Bigla na lang kasi siyang nakaramdam ng hiya. Iniisip niya kasing baka pagtawanan lang siya ng mga nakapansin na kanina pa siya naroon. Nahihiya rin naman siyang magtawag ng waiter dahil kanina nga ay nasabi na niyang may hinihintay pa siya. "Bakit ba hindi na lang ako lamunin ng semento makaligtas lang sa kahihiyan na'to," inis na sambit ni Lyanne. Napayuko pa ang dalaga at napahawak sa kaniyang sentido. She is so frustrated at the moment to the point na hindi niya na alam ang dapat gawin. That's one of her problem. Sa tuwing nailalagay siya sa alanganin at hindi inaasahang pangyayari ay tila hindi rin gumagana ang utak niya. At ang pinaka kinaiinis niya sa lahat ay dahil takot s'ya sa iisipin at sasabihin ng mga tao sa paligid niya kahit na nga hindi naman siya kilala ng mga ito. She's afraid of rejection kahit paulit-ulit na siyang na-take for granted. She's afraid of judgement, She's fragile. And she hates herself for being like that. "I suppose, you got stood up." Napaangat ng ulo ang dalaga matapos marinig ang pamilyar na nakakalokong tinig na iyon. "This isn't hell. Anong ginagawa ng demonyo rito?" She raised an eyebrow. Paano ay ang nakakalokong ngiti nito ang sumalubong sa kaniya nang tumingala siya. Animo'y tuwang-tuwa pa ito sa kamiserablehan niya. "Hindi ka na talaga natuto," anito pa habang pailing-iling. "Hindi na rin ako magtatanong kung anong nangyare dahil sa palagay ko ay wala namang bago. Nagse-settle ka pa rin sa situationship or no label relationship. Nothing changed, still the same old you," dugtong pa nito nang makaupo na sa tapat niya. "Really, Yunil? Coming from you?" Lyanne laughs sarcastically. "Akala mo ba hindi nakarating sa akin na for the second time around ay naghahabol ka ng ex-girlfriend na sawa na sa ugali mo?" mariin ang bawat salitang binitawan niya dahil sinisigurado niyang babaon sa kaibuturan at makapal na balat ng sira-ulo niyang kaibigan. Saglit namang natigilan ang binata. He's caught of guard. Lyanne and Yunil are good friends since high school. Kaya naman alam niya kung gaano ka-red flag ito, palibhasa ay gwapo. Pero kahit ganoon ito sa mga nakakarelasyon ay masasabi niya namang isa itong mabuting kaibigan. Kahit na panay ang batuhan nila ng mga masasakit na salita ay alam niyang hindi naman siya nito pababayaan o iiwan sa oras na kailangan niya ito. "Walang mali kung maghahabol man ako ng ex. Sayang naman kasi ang pinagsamahan namin at minahal naman namin ang isa't-isa so why not?" dipensa nito. "Oh, sorry. Of course hindi ka makaka-relate dahil hindi ka pa naman nakapasok sa isang totoong relasyon." "Eh, kung basagin ko 'yang bunganga mo dahil masyado ng pasmado?" Sa halip na matakot sa banta niya ay natawa pa ito."Kaya hindi ka nagkaka-jowa dahil ganiyan ka. Dinadaan mo sa dahas kapag hindi mo mapaayon sa'yo." "Mas matutuwa talaga ako sa'yo kapag alam mo ng itikom iyang bibig mo." "Ayan ka na naman, ang init na naman ng ulo mo. I'm sure gutom lang 'yan," anito pagkatapos ay luminga-linga sa paligid para maghanap ng waiter. "Okay na po ba, Sir?" tanong ng waitress kapagkuwan. "Yes, thanks. Pakibilisan na lang ang serving dahil nag-aalburuto na itong girlfriend ko." Ngumiti na lang naman ito bilang tugon bago tuluyang umalis. Yunil didn't even bother to ask her for her order dahil kabisado naman nito ang mga ayaw at gusto niyang pagkain. Nang mapalingon si Lyanne sa binata ay pabirong kinindatan siya nito kaya napairap na lang siya. Habang palinga-linga ang dalaga sa paligid ay bahagya itong nagulat nang mapansin ang pamilyar na mukha ng babae sa table hindi kalayuan sa kinaroroonan nila. She then glared at Yunil. "So you're using me to make Angel jealous, huh. " Lyanne raised an eyebrow. Bahagyang inilapit naman ng binata ang mukha nito sa kaniya to make it look more like they're flirting. "It's just a coincidence. Umaayon lang sa akin ang tadhana kaya nagkataong dito ka hindi sinipot ng lalaki mo. Just go with the flow, Little Kitty," pabulong na sambit pa nito as he tapped her head na animo'y nagpapaamo ng hayop. "You think this kind of strategy will work? C'mon, Dude. Magpakalalaki ka at ligawan mo siya ulit kung gusto mo pa siya. Ano ba sa tingin mo itong ginagawa mo? Don't you think you're too old for this kind of sh*t? I swear, hindi ito makakatulog sa'yo. You're just making things worst. Mawawalan ka na nga lalo ng pag-asa, dadagdagan mo pa ang mga taong isinusumpa ang existence ko sa mundong ito." "I'm helping you save your pride and ego right now so you gotta help me back. Hindi libre ang serbisyo ko, Sweetie." Muli ay napairap na lang siya. Ano pa nga ba ang aasahan niya sa sira-ulo niyang kaibigan. Wala na rin naman siyang magagawa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
75.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook