bc

Bitter and Sweet

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
billionaire
dark
forbidden
family
age gap
powerful
heir/heiress
bxg
addiction
like
intro-logo
Blurb

Si Ica, para sa iba ay isang pilosopo, siga at matigas na pagka-babae. Ngunit sa isang iglap, mag-babago kaya ang katangian niyang ito kung makatagpo siya ng lalaking makapagbabago sa kanya? Step-daddy niya pa!

chap-preview
Free preview
Prologue
"Pokpok!" Isang sampal ang sumalubong sa akin pag kalabas palang sa university na pinapasukan ko. Gulat akong napatingin sa babaeng nasa harapan ko. Hindi ko siya kilala kaya nanliit ang mga mata ko sa ginawa niya. "Hoy babae, napakalandi mo! Nag-aaral ka palang kumekereng-keng kana!" Sigaw nito na umagaw ng atensyon sa mga tao. Ang kaninang maluwag na daan ay unti-unting sumisikip at pinapalibutan ng mga tao. Bumalik ang tingin ko sa babaeng ito. Ano raw? Malandi? "Anong sinabi mong malandi ha?!" Sigaw ko pabalik habang hawak hawak ang kaliwang pisngi ko na malamang ngayon ay namumula. "Ikaw! Nilalandi mo ang asawa ko! Hayop ka! Napakalandi mong bata ka!" Akma siyang susugod nang may humawak sa kanya. "Ano ba, John! Bitawan mo ako nang mabigyan ng aral 'yang babae mo!" Ngunit mahigpit ang pagkakapit ng lalaking iyon sa gurang niyang asawa. Putangina talaga. Gusto kong manuntok. Sinusuri ko ang lalaki at nang makita ko ay naging pamilyar ang mukha. "Teka, ikaw 'yong lalaking chat nang chat sa akin ah! Putangina mo, hindi naman ako nag re-reply sayo, bakit sinasabi ng gurang mong asawa na nilalandi kita?!" Pasigaw kong tanong habang duro-duro ang lalaking iyon. Puta, kung ganito lang din naman pala sana naman pumili nalang ako ng gwapo. Ang pangit ng lalaking 'to, hindi ko nga nirereplayan, lalandiin ko pa kaya? Ang pangit naman ng taste ko kung ganon? "Ica, huwag kang gumawa ng eskandalo dito." Nakalimutan kong kasama ko pala ang ka-klase kong si Ve, mahigpit ang kapit niya sa balikat ko, pinipigilan akong makalapit sa dalawang gurang na iyon. "Ang kapal ng mukha mo ano? Nahuli ka na nga nag ra-rason ka pa talaga! Halika nang mabigwasan kita!" Paghahamon niya. Rinig ko namang pinipigilan siya ng lalaking iyon kaso, napaka war freak niya masyado. Ako pa talaga hinahamon niya? "Ica, ano ba!" Agad kong binalikwas ang kamay ni Ve na nakahawak sa balikat ko. "Teka lang ha, bibigyan ko lang ng sagot 'tong bruha na 'to." Salita ko bago ko akmang susugurin nang marinig namin ang busina ng mga sasakyan. Kanina pa pala traffic dahil sa bruhang sumugod sa'kin. Nadismaya naman ang mga tao dahil 'don. Malamang, gusto rin nila ang napapanood nila, kasi kung hindi, kanina pa kami nila pinipigilan. "Ica!" Tawag ng ni Ve. "Hoy babae! Mag tutuos pa tayo!" Sigaw niya na ikana-liit ng instik kong mga mata. "Hoy bruhang gurang, hindi kita aatrasan! At ikaw!" Duro ko sa lalaking kaharap ko, hawak hawak ang gurang nitong asawa. Tinignan ko siya nang nakakamatay na tingin. Tangina niya, hindi pa kami tapos. Sasagot pa sana ang bruhang gurang na 'yon nang may dunating na mga tanod. Agad lumuwag ang espasyo, agad naman akong tumakbo sa ibang daan habang hila-hila si Ve. Walang nagsalita sa amin hanggang makarating kami sa Pier, doon muna kami nag stand by. Hapon narin naman kaya kita sa view ang palubog na araw. Nakatitig lang ako doon, walang imik. "Ica, a-ayos kalang ba?" Tumingin ako sa kanya ng blanko, kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala. "Oo." Tipid kong sagot bago binawi ang tingin. "Teka lang ah." Paalam niya at tumungo siya sa may tindahan. Agad naman siyang bumalik. Pinanliitan ko ng tingin nang makita kong may dala-dala siyang band aid. "May sugat ka kasi sa mukha, akin na lagyan ko neto." Paglalahad niya. Sa halip na magpalagay ako ay kusa kong kinuha mula sa kamay niya. Hinawakan ko ang mukha kong may sugat, napapikit ako sa hapdi. Agad ko namang nilagay ang band aid pagkatapos ay tinapon ko ang balat sa kahit saan. Pesteng gurang iyon! Sayang lang at hindi ko manlang nahila ang buhok niya, ni galos wala siyang tama sakin. Pasalamat siya nandito ang ka-klase kong ayaw nakakakita ng away. "Ica, bakit mo naman tinapon 'yong basura." Mahinhin ngunit diin niyang sabi. Nairolyo ko lang ang mga mata ko tyaka ko napag isipan na umuwi. "Uwi na tayo, pagabi na." Salita ko bago naunang maglakad patungo sa sakayan ng mga tricycle. "Sabay tayo sa isang tricycle." Mahinahong sabi ni Ve, wala na akong nagawa at sabay na nga kami. Mabuti hindi siya nakipag usap tungkol sa nangyari kanina. Sa totoo lang, hindi na iyon ang unang beses na nangyari. Maraming beses na akong napagkakamalang kabit. 'Yong iba pa nga ay nakasabunutan ko pa. Ewan ko ba, wala naman akong nilalandi pero palagi akong pinagkakamalan. Ironic 'diba? Pesteng buhay 'to. Naunang bumaba si Ve, medyo malapit lang kasi ang bahay nila. Nang makababa siya ay kumaway siya sa akin. Tumango lang ako. Maya-maya pa ay huminto ang tricycle sa tapat ng bahay namin. Agad naman akong tumayo at binigay ang bayad. Akmang aandar na si manong ng inapakan ko nang malakas ang gulong ng tricycle niya. Tinignan niya ako na parang nalilito kung bakit ko inapakan ang gulong niya. "Sukli, fifty pesos ang pera ko, sa pagkakaalam ko, 20 pesos lang ang pamasahe." Tinaas ko ang isa kong kilay, nag aalangan pa si manong pero binigay din naman pala ang sukli. Bibigay mo rin naman pala. "Bwisit, huwag kana sumakay sakin sa sususnod!" sigaw nito bago pinaharurut nang mabilis ang sasakyan. Napangisi ako dahil 'don. Hindi na talaga, dahil baka sa sususnod na sumakay ako na kulang ang sukli, baka bayag niya ang tatapakan ko. Nang makapasok na ako sa loob ay agad kong itinapon ang back pack ko sa may sofa. Agad akong kumuha ng malamig na tubig sa ref at ininom iyon. Medyo napapadaing parin ako sakit ng mukha ko. Bwisit talaga! Tumungo na ako sa kwarto at nagpalit ng damit. Nag suot ako ng cycling shorts at malaking tee shirt na hanggang tuhod ko. Pagkatapos ay tumungo muli ako sa kusina upang magluto. "Bwisit, walang stock sa ref." Reklamo ko nang makitang walang stock ang ref. Hindi na naman nag grocery si mama. Sabagay, anong paki ni mama sa'kin, e may bagong pamilya na ata 'yon. Buti nalang ay may stock ng ramen pa sa cabinet kaya naman 'yon na lamang ang niluto ko. Pagkatapos maluto ay agad akong kumain, bwisit, nakakagutom palang masampal. Napahinto ako sa pag-nguya nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan. Umuwi siya? Hindi ako lumingon kasi alam ko naman na uuwi siya ng gantong araw, oo nga pala Byernes ngayon, at isang linggo na naman siyang mawawala. "Ica, maaga kang nakauwi ah." At umuwi ka pa talaga? Hindi ako nagsalita, nakakatatlong lunok palang ako nang magsalita siyang muli. "Nga pala, nandito ang step-daddy mo." Step-daddy? Hindi step-dad? Agad akong napalingon kay mama nang binaggit niya iyon. Nanliliit ang mga mata ko dahil naiinis ako, sinabi ko sa kanyang ayaw ko ng step-dad! Nang tignan ko ang lalaking iyon ay gulat ako nang makitang napakabata pa ng itsura niya. Nabalik ko ang tingin ko sa kinakain ko. Step-daddy? May step-daddy bang ganun kabata? Parang lampas lang ito sa'kin ng limang taon. "Anak, mag bigay galang ka naman." Boses iyon ni mama, hindi ako sumagot at basta nalang tumayo. Dala-dala ang pagkain ay umakyat ako. "Dito lang ako sa kwarto." Salita ko habang paakyat sa itaas. "Ica, teka, napano ka? Bakit may band aid sa mukha m—" Narinig ko pa ang sigaw ni mama sa akin pero nag bingi-bingihan lang ako. Pagkasara ng pintuan ay nilagay ko ang pagkain sa mini table at nawalan na ako ng gana. Nakadapa ako sa kama habang iniisip ko ang step-daddy kuno na bagong asawa ni mama. Punyeta! Hindi 'yon pwede, bukod sa bata pa ang lalaki, hindi niya pwedeng palitan nang basta ang papa ko! Hindi niya matutumbasan iyon. Hinawakan ko ang kwintas na nasa leeg ko, isa itong hugis puso, at sa loob nito ay ang maliit na litrato ng papa ko at ako, masyang nakangiti habang nakayakap sa leeg ni papa. Miss na miss ko na ang papa ko, kung nasaan man siya. Pinipigilan kong umiyak, dahil ayaw ko ng ganun. Hindi na ako umiiyak sa mga maliliit na bagay. Sana nga. Bumalik ako sa reyalidad nang may marinig akong katok. Napasubsob ang mukha ko sa unan at sumigaw doon bago tuluyang tumayo at padabog na binuksan ang pinto. Hinayaan kong pumasok si mama at umupo sa kama katabi ko. "Ica, anong nagyari sa mukha mo?" hinaplos niya ang pisngi ko pero kinabig iyon. "Ica, alam kong hindi madali sa'yo tanggapin ang lahat, pero hayaan mo muna akong ma settle ito." Hindi ko siya tinitignan, nag spi-space out lang ako ngunit naririnig ko parin siya. "Ica, pasensya na kung hindi ko tinupad sa'yo ang promise ng papa mo sa'kin." Saad nito sa normal na tono. As long as possible ay pinipigilan ko ang sarili kong huwag lumuha. Ayaw kong maisip niya na mahina ako. Na kailangan ko ang kalinga niya, na kahit ay totoo, hinding hindi niya iyon kayang gawin. Ilang taon na nang mamatay ang papa ko, at hanggang ngayon, ay hindi ko parin matanggap ang pagkamatay niyang iyon. "Bukas, doon na tayo titira sa bahay ng step-daddy mo." Pagpapakalma niya sa'kin. Hindi ako sumagot, wala siyang nakuhang sagot kaya mahina siyang napabuga ng hangin. "Ica, kausapin mo naman ako, bakit ka ba naging ganito?" Ang ayaw ko sa lahat ay itatanong niya iyon sa akin, pagkatapos ng lahat lahat? Tumingin ako sa kanya ng blanko, at agad binawi ang tingin. Mukhang nawalan na siya ng pasensya at naging iba na ang mood niya. "Icaveskia Isillantre, sasama ka bukas hanggang sa ayaw at gusto mo, maliwanag?!" Hindi ko siya pinansin at hinintay siyang lumabas. Nagtalukbong lang ako at doon umiyak. Akala ko hindi na ako iiyak, pero ang hina ko parin pala talaga. Kahit gaano ko itago iyon, hinding hindi mawawala ang sakit. Miss na miss ko na ang daddy ko. Dahil sa pag-iyak ay nakatulog ako. Alas-nueve na nang magising ako. Tumungo agad ako sa cr at naligo. Nag suot ako ng oversized tee shirt at jogging pants. Isinuot ko na rin ang bag ko, mabuti nalang at nakuha ko 'to kagabi sa sofa. Nang makababa ako ay natigilan ako nang makitang cool na nakaupo itong bagong asawa ni mama sa sofa. Nang lingunin ko siya ay nakatitig din ito sa akin. Pinalalandas niya ang tingin mula ulo hanggang paa ko. Napakurap ako nang makita ko ang mukha niya. Nakakagulat lang kung bakit pinatulan niya ang mama ko, e halos mid 40's na ang mama ko, at siya? Hindi ko alam at wala akong pakialam. Hindi ko nalang siya pinansin at agad pumunta sa may kusina upang tignan ang pagkain, nandito si mama nag hahain ng pagkain sa lamesa. "Oh Ica, halika at maupo kana. Wait lang, tatawagin ko lang si Dev." Dev. Bakit pakiramdam ko narinig ko na ang pangalang iyon? Oo nga pala, maraming ganyang pangalan sa mundo. Nagsimula na kami kumain, walang akong imik at wala talaga akong balak. Nakikita ko naman si mama na sinusubuan ang lalaking iyon, bwisit, wala ba siyang kamay? Sinubo ko ang hotdog na natitira sa plato ko kasi gusto ko nang matapos at iwan sila rito. May part time pa ako sa isang coffe shop. "Oh, Ica, tapos kana?" "Obvious ba?" Tanong ko imbis na sumagot. Akala ko ay makakaalis agad ako pero napatigil ako nang magsalita ang lalaking iyon. "Watch your mouth young lady, she's your mom." Sa baritono niyang boses. "Love, hayaan mo lang muna siya, hindi pa talaga kasi niya—" "Wala kang pakialam sir, kung anong sasabihin ko, 'yon na iyon." Nakipagtitigan pa ako sa kanya ng ilang segundo bago tuluyang lumabas ng bahay. Sa coffe shop nalang siguro ako mag to-tooth brush. Nang nasa coffe shop ako ay agad akong tumungo sa room upang magpalit ng damit. I assisted the customers buong maghapon at minsan pa nga ay nasusungitan ko. This is my part time, hindi naman kasi kami mayaman, lalo na nung nawala ang papa ko, unti-unti kaming lumugmok, minsan pa nga ay muntikan na akong mag give-up sa pag aaral Nag aayos ako ng basura nang makita ko si Loise na nasa isang table, may kung anong iniisip ito. Napangisi ako at umupo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
35.1K
bc

The Lone Alpha

read
125.2K
bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
9.8K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
813.8K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
609.4K
bc

Bad Boy Biker

read
8.6K
bc

The CEO'S Plaything

read
19.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook