Chapter 2

2108 Words
Chapter 2What a Pain I finally got the break that I needed. Sinking down on the couch, I sighed and hugged the bowl of popcorn on my chest. Nasa bahay ako ngayon at mag-isa habang nanonood ng paborito kong movie. Dahil ako lang naman talagang mag-isa ang nakatira rito, nagagawa ko ang kahit anong gusto ko. Wala na akong mga magulang at wala rin akong kilalang kamag-anak sa lugar na ‘to. Namatay ang mga magulang ko sa hindi malamang dahilan at simula nang mawala sila, may isang taong nag-alaga sa ‘kin ngunit ngayon ay hindi ko na siya kasama. Hindi ko na kailangan pang magtrabaho para sa tuition ko at pang-araw-araw na pangangailangan dahil buwan-buwan ay may dumadating na pera na hindi ko alam kung kanino nanggagaling. Kung sinoman siya ay tahimik na lang akong magpapasalamat sa kaniya. Habang nakatingin sa screen ng telebisyon ay lumabas si Edward Cullen ng pelikulang Twiligh: Breaking Dawn. Bigla ko tuloy naalala si Van. Hindi ko alam kung bakit bigla na naman akong kinilabutan. Ang weird talaga ng lalakeng ‘yun. Patuloy sa pag-play ang scene mula sa TV. Nagtungo ako sa kusina para kumuha ng slice ng cake sa refrigerator at isang baso ng juice. Hindi na ako nag-abala pang i-pause ito dahil alam na alam ko na naman ang nangyayari. Ang guwapo talaga ni Edward! Pati na rin ni Jacob. Ang swerte talaga ni Bella. “This is so cool.” “Oh? Talaga?” "Oo! Grabe! Ang galing ni Alice!" sabi ko habang ngumunguya ng cake sabay inom ng juice habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa screen. Manghang-mangha pa rin ako sa mga nangyayari kahit saulong-saulo ko na ang bawat scene. "Ano bang ginawa niya?" "Pinakita niya kasi roon sa mga kalaban nilang bampira ang mangyayari kapag tinuloy nila ‘yung laban,eh."  "Talaga?" "Oo, hindi ka ba naniniwala sakin–" Lumingon ako sa kausap ko para pagalitan siya. Ang hirap nito ka-bonding– Muntik na akong mapasigaw nang makita si Van. Kung hindi niya tinakpan ang bibig ko’y baka nabulabog ko na ang aking mga kapitbahay. Ano’ng ginagawa niya rito? “Ang ingay, Kisha,” sabi niya. Kinuha pa niya ang cake ko at inubos ng isang subuan lang. “Tresspaser ka na nga, magnanakaw ka pa ng cake!” Pinigilan kong hablutin ang buhok niya at sabunutan siya. Pero kaunti na lang, mauubos na talaga ang pasensya ko sa lalakeng ‘to. “Ang damot mo naman,” nakangusong sabi niya. May amos pa sa bibig niya pero dinilaan niya ito habang hindi inaalis ang tingin sa ‘kin. Teka, biglang uminit. Hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa kaniya. Nginisian naman niya ako habang lumalapit sa ‘kin. Ako naman ay paatras nang paatras sa couch na inuupuan namin. "Ang sarap ng cake, ‘no?" tanong niya habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa ‘kin at ngisi sa labi niya. Hindi ko siya sinagot. Iniwas ko lang ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko magawang tumitig nang matagal sa mga mata niya. Parang kapag ginawa ko ‘yon ay mapapasailalim ako sa spell niya. Hiwakan niya ang aking baba at iniharap ang mukha ko sa kaniya. Lumipat ang tingin niya sa labi ko. Dahan-dahan siyang lumapit. Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang lumakas ang t***k ng puso ko. Parang saglit na tumigil sa pag-function ang utak ko. Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa ‘kin. Habang papalapit siya ay may nakikita akong ibang imahe–imahe ng mga taong may mapupulang mga mata at madugong mga kamay. May mga bangkay na nakaratay sa sahig at naliligo sa sarili nilang dugo. May mga taong kinakagat sa leeg gamit ang matatalim nilang pangil. It’s like memories flashing in front of my eyes. Ano itong mga nakikita ko? Bakit habang papalapit siya nang papalapit sa akin ay ang mga ‘yon ang nakikita ko sa mukha niya? Nanlamig ang buo kong katawan. Epekto ba ito ng sobra kong kakapanood sa Twilight? Nagawa ko siyang itulak kahit pakiramdam ko ay hinang-hina ako. Nang maging normal ang lahat ay napansin kong hinahabol ko ang hininga ko at pinagpapawisan ako nang malamig. "Are you okay? What happened? Namumutla ka," tanong niya na may halong pag-aalala. Nawala ang pilyong ngiti sa kaniyang labi at napalitan ito ng seryosong ekspresyon. "W-Wala lang 'to, Van. Pagod lang siguro," I said trying to avoid his gaze. "No, you're not okay, tell me what happened, do you see...images?" Nagulat ako sa tanong niya. Ibig niya bang sabihin ay ‘yung mga nakita kong imahe nu’ng papalapit siya sa akin? Ano namang kinalaman niya roon? Pagod lang siguro talaga lahat ng ito. Umiling ako sa kaniya. “Wala naman. Ano bang imahe ang sinasabi mo?” I lied, kahit alam kong hindi ako kapani-paniwala. Ipagawa mo na sa akin lahat, ‘wag lang ang magsinungaling. Pero mukhang naniwala naman siya sa sinabi ko dahil hindi na niya ako kinulot tungkol doon. “Bakit ka nga ba nandito? Paano ka nakapasok, eh, naka-lock na ang pinto?” Sigurado akong sarado na lahat ng puwedeng madaanan dito. Dahil nag-iisa na lang ako sa bahay, minamabuti kong pagtuunan ng pansin ang sekuridad ko. “You left your front door open, dummy.” Pinitik niya ang aking noo. “Sakto namang naisipan kitang bisitahin.” Sumandal siya sa upuan habang nakapatong ang ulo niya sa magkasalikop niyang mga daliri. Pinilit kong alalahanin kung nalimutan ko nga bang i-lock ang front door pero masyado akong nadi-distract kay Van. "Umuwi ka na, magpapahinga na ako." Ibinaling niya ang ulo niya sa ‘kin. "Babantayan kita" "Nagpapatawa ka ba?" "Mukha ba?" Seryoso siyang tumingin sa ‘kin. Mukhang hindi nga siya nagbibiro. "Hindi ko naman kailangan ng bantay, eh!"  “But I want to.” ‘Yung totoo? Ano ba’ng problema ng lalakeng ‘to at feeling close na siya ngayon sa ‘kin? Sa tinagal-tagal ko nang mag-isa, hindi ko na kailangan ng bantay! Ganito ba talaga ang mga taong lumaki sa ibang bansa? Ano bang kultura ang kinalakihan niya at napakakulit ng lahi niya? "Kaya ko na ang sarili ko." "No, you don't." "Kaya ko nga eh!" "No." "Yes." "No." “Pakyu! Sinabing kaya ko na, eh! Ano ba’ng problema mo?!” I finally snapped. Gabing-gabi, nambubulabog! Kaysa nananahimik ako rito mag-isa ay bigla na lang siyang susulpot! Magkaka-barangayan pa ba kaming dalawa dahil dito? Ni hindi man lang siya natinag. “Anong totoo kasi niyan,”–ngumisi siya–“dito na ako titira.” My jaw dropped. I felt like the gears in my head finally stopped moving, smoke came out of it and finally explode. Ano ulit sabi niya? Hindi naman siguro ako nabibingi, ‘di ba? Sinabi niyang dito siya titira? "Nababaliw ka na ba?!" "Nope." "Wala ka bang bahay?!" He dropped the playful smirk on his lips again. I could see the tears forming in his eyes. Hala? Ano’ng ginawa ko? Masyado ba akong harsh sa mga nasabi ko sa kaniya? Ang sensitive naman niya masyado. Kung sinoman ang dapat maiyak dito, ako ‘yon! Maiyak sa inis sa kaniya! “I…” His voice broke. “I don’t know where to go and then the first person that came into my mind is you. I don’t know what to do, Kisha. Let me stay here.” He’s begging and I’m rooted on my spot. He’s really crying! Nagsimula na akong mag-panic. Sinubukan kong lumapit sa kaniya. Itinaas ko ang aking kamay at dahan-dahan itong inilapat sa kaniyang pisngi. Pinahid ko ang luhang dumausdos pababa roon. “I’m sorry,” I sincerely apologized. “Hindi ko naman alam eh. At saka masyado lang bago lahat sa ‘kin ‘to dahil nasanay akong mag-isa. Payag na akong dito ka muna mag-stay.” Unti-unti niyang inangat ang nakatungo niyang ulo. Hinawakan niyang bigla ang dalawang kong mga kamay. "Gotcha!" He laughed. “What the heck?!” Hinila niya ako palapit sa kaniya at niyakap ako nang mahigpit. Pilit akong kumakawala sa yakap niya. Ano ba kasing kailangan niya sa akin? Bakit ba siya ganito? Naramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko at nagulat ako nang halikan na naman niya ang leeg ko. Hindi ko alam kung ano’ng nangyari dahil bigla na lang nagdilim ang paligid ko.   Nagising na lang ako sa sinag ng araw na nanggagaling sa bintana ng aking kwarto. Teka, bintana? Ng kwarto? Kagabi lang– Inilibot ko ang tingin ko at nagbakasakaling totoo ‘yung nangyari kagabi na pagpunta ni Van dito at sabing pagtira rito sa bahay ko pero mukhang panaginip lang ang lahat. Sa sobrang pagod ko nitong mga nakaraang araw ay kung ano-ano na ang napapanaginipan ko. Nakahinga ako nang maluwag dahil sa naisip kong panaginip lang ‘yun. Salamat naman. Inayos ko na ang aking sarili at bumaba na para maghanda ng almusal. Mamaya pa namang tanghali ang schedule ko kaya madami pa akong puwedeng gawin sa bahay. Ito rin ang advantage ‘pag malapit na gumraduate. Habang pababa ako ng hagdan ay nakaamoy ako ng ulam. Ang bango naman ng ulam na niluluto ng kapitbahay. Sana all. Kinakamot-kamot ko pa ang aking tiyan habang naglalakad patungo sa kusina ngunit napatigil ako nang makarating doon. Nakita ko ang isang lalakeng nakatalikod at naka-apron habang nagluluto. Kung gano’n, hindi panaginip ‘yung mga nangyari kagabi? "Bakit nandito ka pa rin?” Humarap siya sakin at ngumiti nang kay lapad kaso si shunga, itinuon ang kamay roon sa may kawali kaya napaso ‘yung daliri niya. "Aray!" Padabog akong kumamot sa aking ulo. “Ano ba ‘yan?!” Kumuha ako ng first-aid kit sa medicine cabinet malapit sa ‘kin para gamutin ang sugat niya. Laking gulat ko naman nang wala akong nakitang paso man lang. "Nasaan na ang sugat mo?" Nakita ko talagang napahawak siya sa kawali. Hindi ako puwedeng magkamali. "Wala, hindi naman ako napahawak, eh. OA lang ako," sabi niya. Kunot-noo akong tumitig sa kamay niya pero kalaunan ay hinayaan ko na lang. Baka nga namalik-mata lang ako. Lumakad na ako para ibalik ang kit. "So, seryoso ka talaga sa pagtira rito?" "Oo." “Ano ba talaga ang dahilan mo?” Papayag akong tumira siya rito basta magbabayad siyang renta o kaya’y tulungan ako sa mga gawaing bahay. Hindi ko alam kung bakit hindi ko na magawang tumanggi. May ginawa ba siya sa ‘kin na hindi ko alam para mapapayag ako? Ay ewan, baka napapraning lang ako. "A long story but someday I'll tell you.” Pinaghain niya ako ng pagkain. "Paikliin mo na lang kung mahaba, tumatanggap naman ako ng summary, eh," sabi ko sabay subo ng bacon na niluto niya. He chuckled and ruffled my hair. "Just eat." Hindi na ako nagsalita pa, kumain na lang ako kahit nakakailang kasi nakatingin lang siya sakin the whole time na kumakain ako. Pagkatapos naming kumain ay siya na rin ang naghugas. Pinapanood ko lang siya mula rito sa living room. Kung ganito palagi ang mangyayari, siguro wala namang masama kung mag-stay siya rito. ‘Wag lang siyang magiging pabigat sa mga gawaing bahay ay papayag na talaga ako. Nang matapos siya ay umupo siya sa tabi ko. "Bakit nga kasi gusto mo dito tumira?" Sinubukan ko ulit itanong sa kaniya. "Para nga mabantayan ka." "Paano mo nasasabi ‘yan, eh, wala pang isang linggo tayong magkasama?" He smiled. "Ang dami mong tanong, hayaan mo masasagot ko rin ‘yan. Hintayin mo lang." Ngumuso ako sa inis. “Hindi naman tayo magkakilala nang lubusan. Paano kung masamang tao ka pala at saktan mo ako?” He’s a suspicious character. I can call the police and take him out of my house but I don’t know why I can’t sense anything bad from him. Lumapit siya sa ‘kin na sobrang lapit na halos hindi na ako makahinga dahil sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko. “Kisha, trust me, I will never hurt you.” Those are just simple words but it’s full of intensity. I can feel the weight of it. Hindi ko maialis ang tingin ko sa mga mata niya. Puno ito ng emosyon na halos hindi ko na ito mabasa. Isinabit niya ang kaunting hibla ng buhok ko sa tainga ko at bumulong na nagpatindig ng balahibo ko. "I'll be your guardian, Kisha and I will never let anyone hurt you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD