Chapter 1

2339 Words
Chapter 1Mysterious Modules, assignments, quizzes, and upcoming preliminary exams in the next few days. Hindi ko na alam kung ano’ng uunahin ko. Kulang na lang dalhin ko na ang sarili ko sa hospital para makatakas sa lahat ng gagawin ko sa school. At dahil malas ako ngayon, inabot na ako ng dilim sa kadahilanang may kailangan akong tapusing requirement sa isa naming subject. Kung hindi ko ‘yon naipasa ngayon, siguradong mababang marka ang makukuha ko. Nakakapagod. Minsan gusto ko na lang maging jumbo hotdog para kaya ko ‘to. Ipinilig ko ang aking ulo para alisin ang kung ano-anong kalokohan ang tumatakbo sa ‘king isipan. Masyado nang sabaw ang utak ko, kung ano-ano tuloy ang naiisip ko. Mas minabuti ko na lang na maglakad pauwi dahil malapit lang naman ang university sa bahay ko. Ang ayoko lang sa parteng ‘to ay magkakalayo ang poste ng ilaw. May parte na sobrang dilim kaya nakakatakot talagang maglakad dito ‘pag gabi. Wala naman akong masakyang tricycle dahil karamihan ay pumarada na. Nakaramdam ako ng kilabot sa aking batok na bumaba hanggang sa aking mga braso. Hindi ko pinansin ang kung anomang naramdaman ko sa aking likod; binilisan ko pa ang paglalakad. Wala pang ilang hakbang ay nakaramdam na naman ako ng presensya hindi kalayuan sa akin. Naglakas-loob na akong lumingon ngunit wala naman akong nakita kahit anino man lang. Hindi ko na kinaya ang takot. Tumakbo na ako palayo. Nang pakiramdam ko’y wala nang sumusunod sa ‘kin, lumingon ako sa likod ngunit naramdaman ko na lang ang sarili kong bumunggo sa kung sino. “Sorry po, hindi ko sinasadya–” Nang tumingin ako sa mukha ng nakabungguan ko ay para akong binuhusan ng malamig na yelo. Binalot ng matinding takot ang puso ko. Nananaginip lang ba ako? Humalakhak ang lalake. “Hindi ka nananaginip, magandang binibini. Ito na ang huli mong gabi dahil gagawin na kitang hapunan.” Mistulang nabasa niya ang aking naiisip. Ang mahahaba niyang pangil ay nakalabas na sa kaniyang bibig at ang kaniyang mapupulang mga mata ay nagliliwanag sa dilim. Walang ibang tumatakbo sa akin isipan kundi ang takot. Gustuhin ko mang magpumiglas ngunit ang higpit ng hawak niya sa akin. Ang mapupula niyang mga mata ay nakatitig sa akin na parang tumatagos ito hanggang sa aking kaluluwa. Para akong unti-unting nauubusan ng lakas. Lumapit siya sa akin at ibina ang mukha niya papunta sa aking leeg. Napapikit ako nang mariin, kasabay ng pagpatak ng luha mula sa ‘king mga mata. Hinintay ko na ang aking katapusan ngunit walang nangyari. Naramdaman ko na lang ang pagbitaw ng halimaw sa aking mga braso. Nang imulat ko ang aking mga mata ay ‘agad na nanlaki ito nang Makita ko ang isang nilalang na puno ng dugo ang kamay. Binutas niya ang dibdib ng bampira at kitang-kita ko kung paano niya hinugot ang puso nito palabras. Itinapon niya ito sa lupa at dinilaan niya ang kamay niyang nabahiran ng dugo. Dahil sa kaniyang ginawa, lumabas ang kaniyang pangil. Lumapit siya sa ‘kin. “Don’t worry, I won’t bite you.” Kumurap-kurap ako at sinusubukang iproseso ang kaniyang sinabi. “A-ah! Gano’n ba? Salamat sa pagligtas sa ‘kin.” Iniiwas ako ang aking tingin. Hindi pa rin ako makagalaw sa ‘king kinatatayuan. Pakiramdam ko’y kapag tumakbo ako, magagaya ako sa nangyari sa lalakeng nagtangkang kagatin ako kanina.  Ngumisi siya sa ‘kin. “ ’Wag kang magpasalamat, may bayad ‘yon.” Parang may kung anong bumara sa ‘king lalamunan. “Ano naman ang ibabayad ko sa ‘yo? Wala akong pera.” Kinuyom ko ang aking kamao. Hirap ako sa pangpinansyal. Ang tanging dahilan kung bakit ako nakakapag-aral ay may misteryosong tao na nagpapadala sa ‘kin ng pera buwan-buwan. Simula nang mawalan ako ng magulang, ako na ang nag-alaga sa ‘king sarili hanggang sa umabot ako sa edad na bente uno. Isang taon na lang ay makaka-graduate na ako sa kolehiyo, Hindi ako puwedeng mamatay rito. Masasayang ang pinaghirapan ko sa mahabang panahon. Muli siyang lumapit sa ‘kin hanggang sa halos magkadikit na ang katawan namin. He gently caressed my cheeks and circled his arms around my waist. Kinilabutan ako sa ginagawa niya pero hindi ko magawang umalis. He looked straight into my eyes and I got awestruck because of how beautiful it is. Its color is as gray as smoke. It’s hollow but hypnotizing. His full and pinkish lips moved as he began to speak, “You’re beautiful but your breast is way too small. Your butt is way too flat. You shape like a soda-in-can. But suitable enough to be my woman.” Ano raw?! I pushed him away from me. “Pervert!” I shouted, my face heating up in anger and embarrassment. “Sino’ng papayag na maging babae mo?!” Ngumiti siya nang pagkaytamis-tamis. “Ikaw.” I woke up feeling like I had a long dream. When I opened my eyes, I saw myself laying on my own bed. Napakunot ako ng noo dahil sa aking nararamdaman. Why do I feel like something happened last night? But I don’t remember anything other than walking home from school. Bakit pakiramdam ko’y may kung anong nawala sa ‘king isipan? Imbis na ubusin ang oras ko sa pag-iisip ay naghanda na lang para sa muling pagpasok sa eskwelahan. Napaungol na lang ako sa inis. Gusto ko na lang magbakasyo nang napakahabang panahon. Pero hindi ko puwedeng gawin ‘yon dahil nakasalalay rito ang aking kinabukasan. Dahil ilang kembot lang ang pagitan ng bahay ko at ng university. Madali akong nakarating sa school. Nagtaka namana ko na makitang punong-puno ng tao ang department namin. Ano naman kayang pinagkakaguluhan ng mga ‘to? Halos hindi na ako makadaan sa hallway sa sobrang dami nila. Mas lalo pang sumikip nang malapit na ako sa mismong classroom ko. Kapag minamalas ka nga naman. Sa classroom pa namin nagmula ‘yung pinagkakaguluhan nila. Kinulbit ko ang isang lalakeng estudyante na mukhang wala namang pakealam sa nangyayari pero dahil pare-pareho kaming papunta sa iisang gawi, wala siyang choice kundi ang ma-stuck katulad ko. “Ano’ng meron?” tanong ko sa kaniya. Umirap siya sa kawalan. “May bagong lipat sa department natin. Mukhang galing ibang bansa kaya madaming interesado.” Napataas na lang ako ng kilay. Napakadaming estudyante galing ibang bansa na ang lumipat dito pero ngayon lang nangyari ‘to. Madalas walang pakealam ang mga estudyante kung may madagdag man sa ‘min. Ano’ng meron sa bagong dating na ‘yon at ganito na lang kung pagkaguluhan siya? Itinaas ko ang sleeves ng aking uniform at itinali ang aking buhok. Para akong naghahanda sa isang malaking gyera. Sinimulan kong sumiksik sa mga nagkukumpulang mga tao hanggang sa wakas ay nakapasok na rin ako sa aming classroom. “Girls, I can’t breathe. Puwede bang lumayo muna kayo sa ‘kin? Magpapakilala naman ako sa unahan mamaya kaya hindi niyo na kailangang magtanong.” Nakarinig ako ng malamig na boses mula sa gitna kung saan nakatumpok ang mga babae. Para silang mga langgam na isa-isang lumayo at nagsibalikan sa mga upuan nila. Saktong nagtama ang tingin naming dalawa. Nakahalumbaba sa lamesa ang lalake habang nakangiti sa ‘kin. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko’y nakita ko na siya noon pero hindi ko maalala kung saan. Naglakad ako patungo sa bakanteng upuan sa tabi niya. Ibinaba ko ang aking bag at umupo roon. Hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya sa ‘kin kaya naman pinagtaasan ko siya ng kilay. “What?” He sighed "Ang hirap talagang maging guwapo, ‘no?" Mas lalong tumaas ang kilay ko. "How would I know? I'm not a man." I want to roll my eyes but it seemed rude so I decided to just drop my gaze on my table with a neutral expression on my face. Kahit saksakan ka pa ng guwapo wala pa rin akong pakealam sa ‘yo. A soft chuckled escape from his lips. “You’re saying that…but I know you think I’m handsome.” Mind reader ba ‘to? Paano niya nalaman? "Kapal ha at saka puwede ba ‘wag ka ngang makipag-usap sakin, hindi tayo close.” Inilapit niya ang upuan niya sa akin at ipinatong ang kamay niya sa sandalan ng upuan ko. Nagmukha tuloy siyang nakaakbay sa akin. "We're close now,” he said, smiling. Napatitig ako sa mga mata niyang kulay abo. Hindi ko alam kung bakit punong-puno ito ng kalungkutan. Bakit parang hindi siya masaya? "Kung tititigan mo na lang ang mukha ko baka malaman mo na talaga ang tunay na meaning ng drop-dead gorgeous." I snapped at my own thoughts. Silly of me to think he’s sad. "Wow, kapal talaga ng mukha mo, ‘no? Lumayo ka nga sakin!" Mabuti na lang ay lumayo na siya sa ‘kin pagkatapos kong sabihin ‘yon. What’s with him? There’s something about him that’s not…normal. Napatawa na lang ako sa aking naisip. Paano namang hindi siya normal? Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. O baka naman masyado lang ako nanibago sa kulay ng balat niyang parang nagliliwanag na sa sobrang kaputian. Baka bampira siya? Muli akong natawa sa ‘king isip. Edward Cullen? Charot. Dumating na ang teacher namin at pinapunta siya sa unahan. “Hey, I’m Van Rei Isaac Fenier Walker. It’s nice meeting you all,” aniya habang hindi inaalis ang tingin sa ‘kin. Lumipas ang oras na hindi ko man lang tinapunan ng tingin si Van kahit ramdam na ramdam ko ang mga sulyap niya sa ‘kin. Madaming beses na akong nakasalamuha ng mga lalakeng katulad niya at ni isa sa kanila ay walang nagpatinag sa ‘kin. Alam na alam ko ang mga estilo nila kaya hindi na ako magpapabitag pa. Nang ma-dismissed na kami ay dumeretso ako sa library para maghanap ng mga references sa gagawin kong research paper. Habang naglalakad ako sa corridor, hindi ko namalayan na walang ibang tao kundi ako lang. Anong oras na ba? Bakit parang ako na lang ang tao? Tumingin ako sa ‘king relo at nakitang alas kuwatro na ng hapon. Nagkibit-balikat na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Nakaramdam ako ng pamilyar na kilabot sa ‘king batok pababa sa buo kong katawan. Parang may sumusunod sa ‘kin. Umihip ang malakas na hangin at sa pagdami nito sa ‘king balat ay nagbigay na naman ng matinding kilabot. Pakiramdam ko’y may mga matang nakamasid sa ‘kin. Nakarinig ako ng yabag ng mga paa palapit sa ‘kin. Dahan-dahan akong lumingon sa ‘king likod para tingnan ito. Sa sobrang bilis gumalaw ng kung sinoman ang sumusunod sa ‘kin ay hindi ko na nakita kung sino siya. Naramdaman ko na lang ang malamig na hininga sa ‘king tainga. "Boo! Natakot ba kita? bulong niya sa akin. Para akong aatakihin sa puso dahil sa kaba tapos malalaman ko lang na siya lang pala?! “Ikaw na naman?!” He laughed as if he’s mocking me. “Bakit? Ano ba’ng nangyayari sa ‘yo? Nakita kita kaya sinundan na kita.” Hindi ko alam kung pagod lang ba ako o saglit kong nakitang pumula ang mga mata niya? Pagod lang siguro. O siguro baka adik ‘tong si Van kasi kanina pa niya ako kinukulit. “Diyan ka na nga.” Iniwan ko na siya at pumasok na ako sa library para maghanap ng libro. Ayokong abutin na naman ng dilim kaya kailangan kong tapusin na ‘to. Habang naghahanap ako ng libro sa mga bookshelves ay naramdaman ko na naman ‘yung naramdaman ko kanina. Pagkuha ko ng libro ay napasigaw na lang ako nang malakas. Buti na lang, sa ganitong oras ay umuwi na ang librarian naming kung hindi ay baka nadala pa niya ako sa dean’s office. Bigla ba namang sumulpot si Van sa kabilang bahagi ng shelf. Kanina pa siya, ah! Ano ba’ng kailangan ng tukmol na ‘to sa ‘kin? "Ano bang kailangan mo sakin ha?! Kanina ka pa at punong-puno na ako sayo!" sigaw ko sa kanya. He just smirked. "Anong kailangan ko sa ‘yo?" Lumapit siya nang lumapit at ako naman ay umaatras hanggang sa nasagi ko na ang lamesa. Itinuon niya ang dalawang kamay niya sa lamesa sa magkabilang gilid ko na parang itina-trap ako. Hindi pa rin maalis ang ngisi sa labi niya. Bumaba ang tingin niya sa leeg ko. Nag-iba ang aura niya, nakakatakot. Hindi ko maipaliwanag pero natatakot talaga ako sa kanya. "A-Anong gagawin mo?" "Did you know that vampires really exist?" tanong niya na ngayon naman ay nakatingin sa mga mata ko. "A-Ano bang sinasabi mo? H-Hindi sila totoo." "Oh really? What if I say I’m a vampire?" Napalunok ako nang ilapit niya ang mukha niya sa leeg ko. Bakit ganito? Gusto ko siyang itulak pero hindi ko magawa. Nanlalambot din ang tuhod ko dahil sa sa presensya niya. Naramdaman ko ang paghinga niya sa leeg ko at napasinghap ako nang lumapat ang malambot niyang labi sa leeg ko. This time, nagawa ko na siyang itulak. Kaagad kong tinakpan ang parte ng leeg kong hinalikan niya. Para itong malamig na hangin na bahagyang dumampi sa ‘king balat. Kung hindi nakatuon ang atensyon ko sa kanya’y baka hindi ko ito naramdaman. "W-Why did you kissed me on my neck?" He just shrugged his shoulders while smiling at me. "Weirdo." Kinuha ko na ‘yung libro at lumayo sa kanya. Naramdaman ko na naman yung malamig na hangin at pagtingin ko sa likod ko ay wala na siya. Saan na nagpunta ‘yun? Ang bilis naman niya? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD