Chapter 60The Great War “Adamant No. 2 is ready, Supreme Commander.” Tumayo si Nicolas at kinuha ang telepono na nakapatong sa lamesa pagkasabi ng scientist ng balita. Kung hindi mapapakinabangan sa ngayon si Adamant No. 1, oras na para gamitin ang pangalawang Adamant na fully developed na. Napangisi si Nicolas dahil tamang-tama ang pagkadevelop ng Adamant dahil ito na ang tamang oras para sumugod sa mga bampira. Nakangisi pa rin si Nicolas habang nakahawak sa telepono at hinihintay ang pagsagot sa kabilang linya. Tinatawagan niya ngayon ang Communication Team sa headquarters upang ipaalam na magsisimula na ang laban ngayong araw. Hindi na siya makapaghintay at gusto na niyang durugin ang buong Vampire Clan. Nang may sumagot na sa kabilang linya ay hindi niya na ito hinayaang magsalit

