Chapter 59The End is Coming Gregory Archer laid unconscious on the ground with Van on top of him while choking his neck. Jick and Jack ran towards Van who was now out of control and moved them apart. It took a minute until Van came back to normal and realized what he has done. “Buhay pa ba siya?” Hinahabol niya ang kaniyang hininga habang nakatingin kay Gregory Archer na nakahiga pa rin sa lupa. Naikuyom niya ang kaniyang kamao sa galit sa sarili niya. Hindi puwedeng mamatay si Gregory dahil ito lang ang tanging paraan para maibalik si Kisha sa dati. Hindi niya alam ang nangyari sa kaniya kanina, ang tanging alam niya lang ay nakaramdam siya ng sobra-sobrang kapangyarihan na para bang hindi na kayanin ng katawan niya. Nawala siya sa kaniyang sarili at nagising na lamang siya nang makit

