Chapter 8The Guy with a Gun
Nakakapanibago na pumasok sa school na hindi kasama sina Van at ang mga nobles. Masyado silang abala sa paghahanda para sa Grand Ball. Ni hindi nakauwi si Van kagabi dahil tinawagan na naman siya ng council.
Habang naglalakad sa hallway, napansin ko ang ilang estudyante na nakatayo malapit sa locker area. Ang ipinagtataka ko lang ay wala silang ginagawa, ni hindi sila kumukuha ng gamit nila sa kani-kanilang locker. Nakatayo lang sila na parang may pinapanood.
Hindi ko na lang sila pinansin at dumeretso sa sarili kong locker. Bubuksan ko na sana ito nang mapansin ang isang matangkad, chinito ngunit moreno ang kaniyang balat. No wonder madaming tao ang nandito para tingnan siya.
Naalerto ako nang humarap siya sa ‘kin ngunit hindi rin nagtagal ay naglagay na siya ng gamit sa locker. Hindi ko mapapagkailang napakalakas ng appeal niya. He has a perfect set of the jawline and dark hypnotizing eyes. His height is perfect for his muscular body.
Nang matapos siya sa paglalagay ng gamit ay humrap siya sa ‘kin. Napakunot ang aking noo nang mataal siyang tumitig. Base sa kaniyang ekspresyon ay isa siyang seryosong tao at hindi palangiti. Mas lalo akong naalerto nang mas lumapit pa siya sa ‘kin.
“Where’s the economics room?” Nagsitayuan ang aking balahibo nang madinig ang malalim at malamig niyang boses. Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon sa kaniyang mukha habang nakatingin sa ‘kin.
Hindi ako kaagad nakasagot dahil nadidinig ko pa rin ang boses niya. Mukhang parehong classroom ang pupuntahan naming dahil economics din ang subject ko para sa umagang ‘to. Dahan-dahan kong itinuro ang gawi patungo sa classroom. “Doon.”
Wala akong sagot na nakuha mula sa kaniya. Nagsimula na siyang maglakad pero hindi siya dumeretso sa room namin. Tumingin siya sa kaniyang cellphone at kumunot ang kaniyang noo. Nagtaka ako nang lumabas siya sa hall. Saan naman siya pupunta? Akala ko pupunta na siya sa classroom. Dahil isa akong chismosa, sinundan ko siya. Hindi ko alam kung bakit may masama akong pakiramdam.
Nang makalabas siya sa hall, tumakbo naman siya patungo sa dulo ng campus kaya sinundan ko siyang muli hanggang sa makarating kami sa lumang building dito sa campus. Ang building na ito ay isang nasunog na building noon kaya wala nang gumagamit. Wala ring estudyante ang nagpunta dahil nakakatakot na sa parteng ito.
Nagtago ako sa puno para panoodin ang ginagawa niya. Nanlaki ang aking mga mata nang makita kong may dinukot siya sa kaniyang baywang. Naglabas siya ng baril. Bakit may dala siyang ganyan? Hindi kaya hired killer siya? Sino naman ang babarilin niya rito?
"Lumabas ka na riyan. Alam kong kanina mo pa ako sinusundan.”
Wala na akong nagawa kaya lumabas na ako mula sa likod ng puno. He coldly stared at me. Mas lalo akong natakot dahil may hawak siyang baril. Anytime ay puwede niya akong barilin.
"B-Bakit ka may baril?" Nanginginig ang tuhod ko sa takot pero hindi ko magawang tumakbo. Wala rin akong takas kahit tumakbo pa ako.
"None of your business. Bumalik ka na doon kung ayaw mong mapahamak."
Magsasalita pa sana ko pero nakarinig ako ng pagtawa. The laugh was really creepy, like a deranged person. Humakbang ako palapit sa kaniya habang sinusuri ang paligid. Madalim sa bahaging ito ng campus dahil madaming malalaking puno ang nakapalibot sa ‘min at ang sunog na building ay nahahangaran ang sinag ng araw.
“s**t! Go back now! They’re here!” sigaw niya sa ‘kin. May kinuha pa siya sa kabilang baywang niya na baril. Dalawa na ngayon ang hawak niya.
“P-paano ako makakaalis kung parang malapit na sila sa ‘tin?” Humawak ako sa laylayan ng kaniyang damit.
“Just f*****g go! This isn’t a safe place for you!”
“Pero–” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil habang tumatagal ay mas lalong lumalakas ang pagtawa na para bang nakapalibot ang mga ‘yon sa ‘min.
Maya-maya’y sabay-sabay silang lumabas. Tatlong babaeng bampira na may itim na mga mata. Hindi lamang lense ng mga mata nila ang itim, pati ang eyeballs din. Ang gitna naman nito’y kulay puti. Gulo-gulo ang kanilang buhok, mahahaba ang pangil at tumutulo ang laway nila para bang gutom na gutom. Gula-gulanit ang kanilang mga damit at ang mga kuko nila’y mahahaba rin.
Hindi sila nobles at mas lalong hindi sila pure blood. Wala namang nabanggit si Van tungkol sa nilalang na ganito. Mas nakakatakot sila at mas mukhang mapanganib.
“s**t! I told you to go! You’re so stubborn! Do you really wanna die here?!”
Hindi ko pinansin ang sermon niya sa ‘kin. Nakatuon ang aking atensyon sa mga nilalang na nasa aming harapan. “Ano sila? Ngayon lang ako nakakita ng ganitong klaseng bampira.”
Napatingin siya sa ‘kin na may pagtataka sa kaniyang mukha. "May alam ka tungkol sa mga bampira?" Hindi ko siya sinagot kaya nagpatuloy lang siya. "They are the Insanes. The lowest class of vampires. Sila ‘yung mga nakagat ng bampira na hindi kinaya ng katawan ang venom na dumaloy sa kanila at pagkagutom ang nag-control sa kanila kaya nawala sila sa kanilang sarili. Hindi na nila maalala na noong kailan ay naging tao sila. Kumalat na sa kanila ang masamang dugo ng bampira."
Insanes? Kung ganoon may tatlo palang klase ng bampira pero ang mga Insanes ang pinakamalala dahil sila ang tipong pumapatay ng tao.
“Ahhhh, naaamoy ko ang sariwang dugo mo binibini,” sabi ng isa na nasa gitna. Halos magkakamukha sila dahil sa kanilng itsura.
Humakbang pauna ang lalake at itinago ako sa likudan niya.
"Hunter!" They hissed in unison. Hunter? Hunter ba ang pangalan niya?
"So we meet again Insane sisters" Hala? Magkakapatid ang tatlong Insanes na ito? Kaya pala halos magkakamukha na sila. At saka kilala niya ang tatlong bampira na ito? "Natakasan niyo ako noon pero papatayin ko na kayo ngayon."
Umaktong natakot ang mga ito. “Aww, nakakatakot naman!” Sabay-sabay silang tumawa. Hindi nawawala ang pagtindig ng balahibo ko kapag tumatawa sila. Talaga namang nakakatakot.
Sumilip ako muna sa kaniyang likod. Napapikit ako nang makitang sumusugod na sila sa ‘min. Nakalipas ang ilang minuto ngunit wala akong nadinig na kahit ano. Nang imulat ko ang aking mga mata’y laking gulat ko nang makita ang isa sa mga insanes ay nakatumba na sa lupa. Nakabaon ang bala sa kaniyang noo. Umusok ang kaniyang katawan hanggang sa naging abo.
Alam ko na kung bakit wala akong nadinig na tunog sa kaniyang baril. Napansin ko ang silencer nakakabit sa dulo ng kaniyang baril. Mukhang espesyal din ang balang ginamit niya dahil isang putok lang ay naging abo na ang bampira.
Sumugod muli ang dalawa pang bampira. Ipinutok niyang muli ang kaniyang baril at sumakto itong muli sa noo ng isa sa kanila. Walang palya ang bawat pagputok niya na parang ito ang ginagawa niya buong buhay niya.
“Pagbabayaran mo ito!” sigaw ng natitirang insane.
Sa isang iglap ay nawala siya sa aming harapan. Laking gulat ko na lang nang maramdaman kong may brasong pumulupot sa aking leeg. Hindi ako makahinga dahil sa higpit nito.
“Subukan mong lumapit! Papatayin ko ang babaeng ‘to!”
Walang imik na itinutok ng lalake ang baril sa amin.
“Kapag binaril mo ako, pati siya ay mamamatay!” Parang baliw na tumawa ang bampira. Ang laway niya’y tumutulo sa ‘king balikat kaya napaiwas na lang ako ng tingin.
“Wala akong pakealam basta mapatay kita,” malamig na sabi niya.
Nanlaki ang aking mga mata sa ‘king nadinig. Ibinaling ko ang aking tingin sa kaniya. “A-ano?!” Para akong nanghina sa aking nadinig. Babarilin niya ba talaga ako kasama ng bampirang ‘to?
Hindi niya ako sinagot. Hindi rin niya inalis ang pagkakatutok ng baril sa amin. Sa isang hindi inaasahan na pangyayari’y bigla na lang nawala ang brasong nakapulupot sa ‘king leeg. Nakita ko na lang ang bakas ng abo sa aking damit.
Tumingin ako sa lalake na nakataas pa rin ang baril at nakatutok sa ‘kin.
Ilang minuto pa ang lumipas bago ako nakagalaw muli.
"Sino ka ba? Bakit may alam ka tungkol sa mga bampira?" tanong ko sa kanya.
"Wala kang makukuhang impormasyon mula sa akin," masungit na sabi niya. “Ikaw? Sino ka? Bakit may alam ka rin tungkol sa mga bampira kahit mukhang normal na mamamayan ka lang naman?”
Hindi nga niya sinagot ‘yung tanong ko tapos ang lakas ng loob niyang tanungin ako?
Napairap ako sa kawalan pero sinagot ko na rin ang tanong niya. “Minsan na akong inatake ng bampira pero may nagligtas naman sa ‘kin. Simula no’n, naniwala na akong nag-e-exist sila.” Ngumiti ako sa kaniya. “Ako nga pala si Kisha Louise Madrigal.” Inilahad ko ang aking kamay sa kaniya.
Rumehistro ang pagkagulat sa kaniyang mukha nang banggitin ko ang aking pangalan. Nagtataka akong tumitig sa kaniya ngunit kalaunan ay tinanggap din niya ang aking kamay.
"Cross Falcon."
I chuckled. “Akala ko Hunter ang pangalan mo kasi ‘yun ang tawag sa ‘yo ng mga bampira kanina.”
Hindi siya nagsalita at nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Ang cold naman niya, ang sungit pa. Maalam pa ba siyang ngumiti?
Nang makarating kami sa classroom ay sinalubong kami ng tingin ng aming mga kaklase. Kaagad kong napansin ang tingin sa ‘min ni Van. Ang sama ng tingin niya kay Cross at si Cross naman ay nakipagtitigan din na para bang nagpapatayan sila sa kanilang mga isip.
Iniwan ko na si Cross at lumakad patungo kay Van.
"Sino ‘yun?" kunot-noong tanong niya sa akin nang makaupo ako sa tabi niya.
“Si Cross. Mukhang magte-take siya ng ilang subjects dito sa school natin.”
Humalumbaba siya sa lamesa. “Bakit mo siya kasama?”
I tried so hard to clear my mind off of things that happened earlier. Baka sakaling basahin niya ang isip ko. Siguradong papagalitan niya ako kapag nalaman niya. “Napag-utusan lang akong i-tour siya sa campus.”
Tiningnan niya muna ako nang matagal na parang ina-analyze pa niya ang mga sinasabi ko o kaya kng maniniwala ba siya sa ‘kin o hindi. Inilapit niya ang upuan niya sa tabi ko at hinawakan ang baywang ko para mapalapit ako sa kanya.
It looked like he let go of the topic. "I missed you," bulong niya sa tainga ko.
Lumayo na siya pagkatapos no’n. May pilyong ngiti sa kaniyang labi habang nakatingin sa ‘kin. Mukha siguro akong hinog na kamatis dahil sa ginawa niya. Mabuti na lang wala ang atensyon ng aming mga kaklase sa ‘min kundi ay mas lalo akong mahihiya.
Nang dumating na ang professor ay kaagad niyang tinawag si Cross. Simple lang ang pagpapakilala niya at bumalik din sa kaniyang upuan sa dulo ng classroom.
Hindi ko maiwasang mapaisip kung sino ba siya talaga.
Cross Falcon.
Bakit habang tumatagal ay parang ang tunog ng kaniyang pangalan ay pamilyar?
“NAKITA mo na ba siya?" tanong ng isang matandang lalake na may hawak na tobacco at ang isang kamay naman ay nakatuon sa tungkod niya dahil sa katandaan. Noong malakas at maaasahan ay ngayon namang uugog-ugod at sakitin na.
"Opo, Supreme Commander, masyado na nga siyang napapalayo ng landas. Masyado na siyang napapalapit sa mga nilalang na iyon."
"Bantayan mo na lang muna siya. Balita ko ay napatay mo na ang magkakapatid na bampira?"
"Opo, sakto lang pong nandoon sila sa mismong lugar kung nasaan ako."
"Hindi ko inaakalang mapapasama ang apo ko sa gano’ng klaseng nilalang. Hindi ako makapapayag na makasama niya ang kasumpa-sumpang nilalang na iyon! Sa atin nabibilang ang aking apo dahil nananalaytay sa kanya ang ating dugo," galit na sabi ng Supreme Commander. Kahit matanda na siya ay puno pa rin ng awtoridad ang boses niya na siyang kinatatakutan sa kanilang clan.
"Ano po ang dapat ko pang gawin?"
"Walang iba kundi bantayan siya at mailayo siya sa nilalang na iyon. Mapapahamak lamang siya sa mga kamay nila."
"Sa pagkakakita ko kanina ay may relasyon sila Supreme Commander." Hindi man niya ipinapakita ay kinakabahan siya sa magiging reaksyon ng Supreme Commander sa sinabi niya.
Naituktok ng matanda ng malakas ang kaniyang tungkod sa sahig na siyang naglikha ng malakas na tunog sa buong kwarto. Nanginginig ang kanyang mga kamay at kitang-kita sa mga mata nito ang galit. Ang kulubot sa mukha nito’y mas lalong kumulubot dahil sa galit nito.
“Hindi ‘yon maaari! Hindi!”