Chapter 7

2381 Words
Chapter 7You are Cordially Invited I must be out of my mind not to go back to my own house sooner. Sighing, I went inside and went straight to the couch, flopping down as I got closer. Ilang linggo rin akong nanatili sa mansyon ni Van dahil hindi raw safe kung uuwi ako. Mabuti na lang napilit ko siya. Kung hindi pa ako nagpumilit ay hindi niya ako papaalisin. Binuksan ko ang telebisyon, pangpalipas oras habang hinihintay ko siya. Pupuntahan niya raw ako pagkatapos ng mga kailangan niyang gawin sa council. Hawak ko ang remote control at walang ganang nagpalipat-lipat ng channel. Bakit walang magandang palabas ngayon? Nakailang balik na ko sa mga TV stations na alam ko pero wala akong matipuhang palabas. Sa huli’y pinatay ko na lang ang telebisyon at kinuha naman ang aking laptop. Binuksan ko ang isang folder na naglalaman ng mga episodes ng paborito kong anime na Vampire Knights. Dati nag-i-imagine lang ako kung paano kaya kung totoo si Kaname, na siyang paborito kong karakter sa palabas na ‘to. Nagkatotoo nga ang pinapangarap kong makakita ng bampira pero magkaibang-magkaiba sila ng bampirang kilala ko. Lagi ko ring ini-imagine kung paano ‘pag totoo si Edward Cullen ng Twilight. Nagkatotoo naman pero perverted version nga lang niya. Nakaramdam ako ng hampas ng hangin sa paligid kahit sarado naman ang buong bahay. Nalaglag ang isang maliit na envelope sa lamesa ko. Lumingon ako sa paligid pero wala akong nakitang kahit sino. Hindi na ako kinabahan dahil medyo nasasanay na ako. It’s either si Van ‘yon o ibang bampira. Sa palagay ko’y hindi ‘yon si Van dahil siguradong kapag siya, pupulupot na siya sa ‘kin na parang tuko. Kinuha ko ang pulang envelope na nakapatong sa lamesa. Binasa ko ang nasa likod nito. Nakasulat ang imbitasyon sa isang malinis at eleganteng cursive. “You are cordially invited to the Vampire Clan’s Grand Ball…” Dear Ms. Kisha, We are formally inviting you to one of the biggest and grandest gatherings of vampires all over the world. Rest assured, your safety is our number one priority and as the Young Master’s mademoiselle, we will be honored to finally meet you in person. Regards, The Vampire Clan Bakiot naman meron akong invitation, eh, hindi naman ako kabilang sa clan nila? Oo nga’t malapit kami ni Van pero… maganda bang ideya na pumunta ako? Siguradong ako lang ang nag-iisang tao kapag nagpunta ako roon. Kinilabutan ako nang ma-imagine na napapalibutan ako ng mga bampirang mapupula ang mga mata at mahahaba ang pangil. Ibinalik ko muna ang envelope sa ibabaw ng lamesa. Hindi ko namalayan na natapos ko na ang isang episode na hindi ko man lang nasundan ang mga nangyari. Kumain na lang muna ako habang naghihintay kay Van. Nasaan na kaya ‘yon? Kinuha ko ang baso ng tubig at uminom doon. Naibuga ko naman ang tubig nang maramdaman kong may humalik sa ‘king pisngi. Sobrang lamig nito na kahit parang marahang dampi lang ay ramdam na ramdam ko ito sa ‘king balat. “A-ano ba?! Nangggugulat ka naman, eh!” Van laughed. Nakahawak pa siya sa kaniyang tiyan habang tumatawa. Saya yarn? “Masama bang halikan ka sa pisngi?” “Masama kapag nagulat ako!” Tinabihan niya ako at niyakap. “Ibig sabihin, puwede kitang halikan sa kahit anong oras na gusto ko?” “Wala akong sinabing gano’n.” Inirapan ko siya. He chuckled at my answer. Napadako ang tingin niya sa lamesa. Kinuha niya ang invitation at binasa ito. “So you got one.” I just nodded my head. “This is from the vampires that were in charge of organizing the ball. It happens every year. Gusto ka nilang makilala pero ayaw kitang dalhin doon.” Nakayakap pa rin siya sa ‘kin. Ang kaniyang mukhay ay nakabaon sa ‘king leeg. "Bakit naman?" tanong ko sa kaniya. Humiwalay na siya sa pagkakayakap sa ‘kin at sumandal sa couch. Hindi ko maiwasang isipin na sana hindi niya inalis ang pagkakayakap niya sa ‘kin. Huminga siya nang malalim at tumingin sa kawalan. Parang ang lalim ng iniisip niya. "Baka mapahamak ka, Kisha. Puro bampira ang pupunta sa pagtitipon na iyon. Baka isang segundo lang kaya ka nilang ilayo sa akin." Tumingin siya sa mga mata ko at kitang-kita ko ang pag-aalala rito. "Paano ako mapapahamak kung babantayan mo naman ako, hindi ba?" Ngumiti ako sa kanya. "At isa pa, alam ko namang tutol sila dahil tao lang ako. Kailan nga ba naging para sa isa't-isa ang tao at bampira? Pero sa sitwasyon nating dalawa, ayokong mahiwalay ka. Ayokong basta-basta na lang tayong paglalayuin. Isama mo ako, patunayan natin sa kanila na kahit magkaibang uri tayo ay nararapat tayo para sa isa't-isa." Gusto kong magpalamon sa lupa dahil sa hiya. Paano ko nagawang sabihin ang mga bagay na ‘to na parang kami na talaga ni Van? Maghunos-dili ka, Kisha. Masyado akong nadala sa moment. Sa kagustuhan kong alisin ang pag-aalala niya’y nasambit ko na lang ang mga salitang ‘to. Relief washed over his face. Napabuntong hininga siya na para bang pinakawala ang mabigat na bagay sa dibdib niya. "I'm really lucky to have you, Kisha. I really am". Niyakap niya ako ng mahigpit. Hindi pa rin ako masanay na wala akong maramdamang kahit isang pintig man lang sa dibdib niya pero unti-unti na akong nasasanay sa yakap niya. “I want to know some things tho,” panimula ko. Humiwalay ako ng pagkakayakap sa kaniya. "Tell me more about yourself." Ngumisi siya habang bahagyang nakataas ang isa niyang kilay. "Well, I'm handsome, hot, intelligent and–ouch! Ba’t mo ako binatukan?! Hindi mo ba alam na Pure Blood ako at wala pang nambabatok sa ‘kin kahit kailan?!"  I crossed my arms and raised an eyebrow at him too. "Unang-una, Van Rei Isaac Fenier Walker, wala akong pakealam kung Pure Blood ka o hindi. Pangalawa wala rin akong pakealam kung wala pang nambabatok sa ‘yo pwes ngayon magbunyi ka kasi nabatukan na kita! Ayaw mo nu’n, buena mano pa ako d’yan sa ulo mong matigas! At pangatlo, sumagot ka nang maayos kundi hinding-hindi ka makakahalik sa ‘kin!" Hingal na hingal ako pagkatapos kong sabihin ang speech kong walang hingahan. Grabe, ah! Sigawan ba naman daw ako? Hindi ako papayag! "Sabi ko nga aayos na, eh. Ano nga ulit ang tanong mo, mahal ko?" sabi niya habang nagpuppy dog eyes pa. Nagpa-cute pa! "Wala! Ayoko na!" Iniiwas ko ang tingin ko sa kaniya. I saw he pout at the corner of my eyes. Para siyang bata na naagawan ng laruan. I heard him chuckled. Hinila niya ako palapit sa kaniya. “Ito na, sisimulan ko na.” Napangiti na lang ako. I won. “Let’s start with my parents. They died during the Great War. Iyon ay ang war sa pagitan ng mga Vampire Hunter at mga Vampire. Namatay ang mga magulang ko dahil sa pagtatanggol nila sa ‘kin. Gano’n din ang mga magulang ng mga Noble Vampires." "T-Teka...Vampire Hunters?" "Oo, sila ang angkan na nabuhay para kumalaban sa mga bampira. Sila ang pinakakalaban ng lahi naming. Mga tao rin sila at madami silang alam tungkol sa aming mga bampira." "Ilang taon ka nung namatay ang mga magulang mo?" "I'm only 3 years old, sa picture ko na lang sila nakikilala. Hindi ko na kasi matandaan ang itsura nila. Ang pagkakaalam ko ay trinaydor sila ng taong pinagkakatiwalaan nila." "Tao? Minsan nang nagkaroon ng kaibigang tao ang magulang mo?" "Oo, naging kaibigan din sila ng mga magulang ng Nobles pero nalaman nila sa huli na Vampire Hunter pala ang mga tinuturing nilang kaibigan at kaya lang sila kinilala ay para makakuha ng madaming impormasyon upang malipol ang lahi ng mga bampira pero sa huli ay ang angkan pa rin namin ang nanalo dahil na rin sa propesiya." Muntik nang mawala sa isip ko. Mabuti na lang ay nabanggit ni Van ang salitang propesiya. Bigla kong naalala ang babaeng nakita ko kanina sa CR ng school. "About the prophecy, hindi ba kahapon nagpaalam ako para mag-CR?" He just nodded. "May nakita akong babae, maganda siya at may green na mga mata. May nabanggit siya tungkol sa propesiya at sabi niya ay parte raw ako noon, at kahit anong mangyari ay ‘wag daw kitang iiwan." Pagkagulat ang rumehistro sa mukha niya pero ‘agad din itong napalitan ng ngiti habang umiiling pa siya. "She’s Ellrah, my elder sister. Isa siyang Oracle, ang tagapagsabi ng propesiya. Isa siyang Pure Blood noon pero tinalikuran niya ang pagiging bampira. Simula nang maging Oracle siya ay nawala na ang dugong bampira sa katawan niya." Kakaunti pa lang ang nasasabi niya sa ‘kin pero hirap na ang aking isip na irehistro lahat nang ito. "Bakit kailangan pa ng propesiya?" "Tradisyon na iyon sa amin. Doon malalaman ang mga mangyayari sa darating na araw, buwan o kahit taon. Doon nakasalalay ang aming kinabukasan at dahil parte ka na ng buhay ko ay kasama ka sa propesiyang iyon. Ayaw man kitang madamay pero wala na akong magagawa." Lumungkot ang tono ng kaniyang boses. Nagbalik na naman ang kaniyang pag-aalala. Hinawakan ko ang kaniyang pisngi. “Don’t stress yourself too much about what will happen about me, the most important thing is that we’re here for each other, am I right?" Hindi ko maiwasang mamangha nang mabilis na nagbago ang ekspresyon sa kaniyang mukha. Ngumiti siya nang kay tamis sa akin. Pakiramdam ko’y matutunaw ako sa mga ngiting ‘yon. Matagal kaming tumitig sa isa’t-isa. Hindi na ako nakagalaw nang dahan-dahang lumapit ang kaniyang mukha sa ‘kin. Nang ilang pulgada na lang ang pagitan naming dalawa’y bigla na lang tumunog ang kaniyang cellphone. “What the f**k?!” Tumayo siya at kinuha ang cellphone sa kaniyang bulsa. “Hello?!” pasigaw na sagot niya. "We're coming for f**k’s sake! If I see you again, I'll definitely kill you, dumbass! Hindi ako tumatanggap ng sorry. Oras na isa pa sa inyo ang tumawag uubusin ko kayong lahat bago pa ganapin ang Grand Ball, got that?!" Napahawak na lang ako sa aking bibig para pigilan ang aking pagtawa. “Sabi nila ‘wag na akong bumalik tapos ngayon tatawagan nila ako sa ganitong oras. Kung ubusin ko na lang kaya sila para walang istorbo?! Oo na! Pupunta na!” Pagkatapos no’n ay ibinato niya ang kaniyang cellphone. Buti na lang ay sa couch ito pumatak. Ginulo-gulo ko ang kaniyang buhok na parang isang bata. “ ‘Wag ka nang masyadong magalit. Madami pang araw, Van. Pumunta ka na dahil kailangan ka nila roon. At saka ikaw ang pinuno nila kaya hindi puwedeng wala ka roon. Ilang beses na ba kitang pinangaralan? You’re so stubborn,” naiiling na sabi ko sa kaniya. “I'll be fine here. Saka mo na lang ako puntahan kapag tapos ka na." Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito. Pagkatapos no’n ay hinila niya ako papalapit sa kaniya at niyakap ako nang mahigpit. "You sure you'll be fine here?" he asked with a husky voice. Inilagay ko ang aking mga kamay sa kaniyang likod. "Yeah. I'm sure.” "Sure kang hindi mo ako mami-miss?" Napatawa na lang ako. "Hindi kita mamimiss kaya pumunta ka na roon. May pasok pa tayo bukas baka nakakalimutan mo." "Oo na po." He gave me a peck on the lips. "I'll be back." Humangin lang nang malakas at sa isang iglap ay wala na siya sa harapan ko. Umupo na lamang ako sa couch at tinitigan ang invitation. Kinuha ko muli iyon at binasa. Gusto kong pumunta para makita nilang hindi lang ako basta na tao. Ayokong isipin nila na hindi ako nararapat. Gusto kong patunayan ang sarili ko sa kanila, pero paano ko gagawin?  Napabuntong hininga na lang ako. Pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari sa Grand Ball na iyon. Ano pa bang aasahan ko, eh, puro bampira ang mga nandoon?  Kailangan ko na rin sigurong magpatulong kay Farrah para sa susuotin ko. Kailangan ko iyong paghandaan para naman hindi ako mukhang pulubi sa Ball na 'yon, siguradong walang 'panget' sa lugar na iyon dahil magaganda at gwapong nilalang sila. I’m really out of their league.     "YOUNG Lady, nakahanda na po ang damit na isusuot niyo para sa Grand Ball," sabi ng maid ng magandang binibining nakaupo sa tabi ng bintana habang pinagmamasdan ang bilog na buwan. "Dalhin niyo rito, gusto kong makita." Pumaibabaw ang malamig na tono ng boses nito sa buong kwarto. Isa siyang pigura na parang Dyosa, napakaganda na halos lahat ng lalake ay nahuhulog sa kanya. Maya-maya ay dumating na ang damit na isisuot niya para sa darating na pagtitipon. Sinadya niyang magbalik sa araw na iyon para gulatin ang buong Vampire Clan. Ang akalang patay na ay muling magbabalik para bawiin ang sadyang para sa kaniya. "Ito na po ang inyong damit, Young Lady." hawak ito ng maid at tumungo para maiwasan ang nagbabagang tingin ng dalaga. Kinuha ito ng dalaga at itinaas para makita ang kabuuan nito. Napangiti na lamang siya sa ganda ng damit na isusuot niya. Isa itong pulang Tafetta Trumphet/Mermaid sweetheart floor-length evening dress na mas lalong nagpalitaw ng maputla niyang balat. Isa itong sleeveless at strapless na dress dahilan para lumitaw ang parte ng katawan niyang ipinagmamalaki niya. "This is perfect," bulalas ng dalaga at inabot ulit ito sa maid niya. “Ibalik mo na ‘yan at ihanda mo na ang pagkain ko." Nag-bow lamang ang maid at muli siyang tumingin sa buwan. Hindi maitatagong pinakahihinintay niya ang araw ng Grand Ball dahil babalikan niya ang taong sumira ng lahat at babawiin niya ang lahat sa taong iyon.  "Hindi ka puwedeng maging masaya, akin ka lang. Ako ang mamamahala sa lahat at magiging tagasunod ka lang, akin ka at hindi ka mapupunta kahit kanino," mariin na sabi niya at pumula ang mata niya at unti-unting humaba ang kaniyang pangil. "Akin ka lang, Van Rei Isaac Fenier Walker."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD