Chapter 6The Prophecy
It was a long night for Van. For some reason, he felt tired and the only thing he wanted to do was sleep beside Kisha. He was out for the whole day, ending up sorting out the troubles he brought to the council. He was still the leader after all.
When he set his foot on the house, he felt great relief. He immediately went to upstairs to see Kisha sleeping on his own bed. He slowly opened the door and turned on the light. Napangiti na lang siya nang makitang mahimbing na natutulog si Kisha habang suot ang malaking t-shirt ni Van.
Hindi siya puwedeng tumabi kay Kisha na hindi man lang naliligo. Kahit wala namang kahit anong scent ang mga bampira, mahalaga pa rin sa kaniya ang proper hygene. Nang matapos siya ay kaagad niyang tinabihan si Kisha.
Pinagmasdan niya ang mala-manikang mukha nito.
Everything was happening too fast, Van was very well aware of that. But he couldn’t wait any longer. He was sure that Kisha was the woman on the prophecy. Kung hindi siya gagalaw ngayon, maaaring mapahamak si Kisha.
Hindi niya alam kung sino-sino ang makakalaban niya. Mas mabuting maaga pa lang ay gagawa na siya ng hakbang maprotektahan lang ito.
Alam niya ang mga consequences kapag itinuloy niya ito pero handang-handa siyang protektahan si Kisha kahit ano pa man ang mangyari. Alam niyang ring taliwas ang mga nangyayari base sa propesiya ngunit ang mahalaga para sa kaniya ay huwag hayaang masaktan ang babaeng nasa harapan niya.
Marahan niyang hinaplos ang pisngi ni Kisha. Tinitigan niya ang mahahabang pilik nito, pababa sa matangos at maliit nitong ilong at labi nitong kay pula. Hindi niya maiwasang mapalunok habang pinagmamasdan ang mala-dyosa nitong kagandahan.
Van didn’t do anything that Kisha wouldn’t like so he just pulled her closer to him, hugging her and let her sleep on his chest.
Kisha stirred when she felt the sudden cold from someone. When she opened her eyes, she was surprised to see Van looking down on her. “V-Van?”
He smiled. “Hi.”
Mas lalong napangiti si Van nang makita ang mapulang pisngi ni Kisha.
“Ano’ng ginagawa mo?”
He could hear the loud beating of her heart. Sa ganitong pagkakataon, nagpapasalamat siya na napakatalas ng pandinig ng bampirang katulad niya. He could even hear her blood flowing through her veins.
“Hugging you,” he said in a matter-of-factly way.
Napakamot naman sa ulo si Kisha dahil sa sinagot ni Van. “Yeah, I know but–” she trailed off.
Mas niyakap siya ni Van kaya napasubsob na lang ang mukha ni Kisha sa dibdib niya. “Just let me hug you like this.” Parang nawala na parang bula ang kaniyang pagod nang maramdaman ang init na nanggagaling sa katawan ni Kisha. Gusto niyang magsalita, magbitaw ng ilang mga salita, ngunit hindi niya alam kung saan magsisimula. Mas minabuti na lang niyang yakapin ang dalaga.
Binalot sila ng katahimikan. Napangiti na lang si Van nang maramdaman niya ang mga kamay ni Kisha sa kaniyang likod. “I wonder how fast your heart will beat right now if it’s beating,” bulong ni Kisha.
“It will definitely beat so fast because of you.”
Naramdaman ni Van ang pag-vibrate ng katawan ni Kisha dahil sa pagtawa nito. “Ang bolero mo.”
Magsasalita pa sana si Van ngunit nadinig nilang may kumatok sa pinto.
Bago siya tumayo ay mahigpit niya munang niyakap si Kisha na para bang ayaw niyang kumawala rito. Kung hindi pa tinapik ni Kisha ang kaniyang likod ay hindi siya babangon para pagbuksan ang kung sinomang kumakatok sa pinto.
Bumungad sa kaniya si Arc na nakatayo sa labas ng pintuan.
"Ipagpaumanhin niyo Young Master ang pag-istorbo ko sa inyong pagtulog ngunit nandito ang Oracle para ibigay ang propesiyang inaantay ng lahat ng lahi ng bampira."
“Ano?!” halos pasigaw na tanong niya sa butler.
Ano naman kayang ginagawa ng oracle sa oras na ‘to? Napakaaga nila para sa pinag-usapang araw kung kalian ilalahad ang propesiya. Hindi ito dapat ngayon.
"Sabihin mo ay bumalik na lamang siya sa ibang araw."
Papasok na sana siyang muli sa kwarto ngunit biglang humangin nang malakas na siyang nagtulak sa kaniya palabas ng kwarto. Ang pinto naman ay pabagsak na sumara.
“Hindi pinaghihintay ang paglalagad ng propesiya, Van Rei Isaac Fenier Walker.” Isang malamig na tinig ng isang babae ang nagpatayo ng balahibo ni Van. Ibang klase ng kapangyarihang taglay ng oracle na kahit sinong bampira, mapa-pure blood man o hindi, ay tatayo talaga ang balahibo. Ang malamig at pino niyang tinig ay talagang puno ng aura na kahit sino’y matatakot.
"Hindi pa ito ang tamang panahon Ellrah, nakalimutan mo na bang sa kabilugan pa ng buwan ang paglabas ng propesiya?"
"Wala akong kinalaman sa maagang paglabas ng propesiya, Van. Kanina lamang ito lumabas, pati ako ay nagtaka. Maaari itong masamang pangitain pero walang nakakaalam, kailangan natin itong pag-usapan."
Sa huli’y sumuko na rin si Van. Sinundan niya ito hanggang sa makarating sila sa salas. Naalala ni Van ang unang propesiyang ibinigay sa kaniya ni Ellrah.
"Isang nilalang na naiiba, dala ay gulo at pagkabahala...
Sisira sa buong angkan, papatay sa sanlibutan."
Walang may alam kung ano ang ibig sabihin niito ngunit ngayon pa lang ay nababahala na si Van. May ibang nagsasabing tao raw ang tinutukoy sa propesiya pero ayaw niyang maniwala sa mga ito.
Umupo sila sa couch. Si Ellrah ay naupo sa kaniyang tapat. Nakasuot ito ng pulang kapa at ang hood nito’y nakataklob sa kaniyang ulo. Sa ilalim ng hood ay isang mahabang puting saya.
“Maaari mo nang simulan,” sabi ni Van.
Umilaw ang mga mata ni Ellrah. Naging kulay pula ito. Nang nagsimula siyang magsalita ay nag-iba ang boses nito kumpara kanina. Mas lalong nangilabot si Van nang madinig niya iyon.
"Forbidden love, birds from above...
Destruction is yet to come, behold and here they come."
Napabuntong-hininga si Van. Nagpapasalamat siya na Ingles ang propesiya ngayon. May mga pagkakataon na nasa iba’t-ibang lenggwahe ang propesiya. May oras pa na naghahanap pa sila ng translator para maintindihan nila ang isinasaad nito.
Maaaring dahil si Ellrah ang nagrerepresenta ng mga bampira sa buong mundo.
"Ito na ba ang huling propesiya para sa taong ito?"
" ‘Wag kang magpakampante, Van. May Great Prophecy pa at doon pa lang magsisimula ang lahat. Lagi mo lang tandaan na ‘wag mong masyadong isipin ang propesiya dahil kusa ‘yang mangyayari. Malalaman mo na lang na nangyari na pala o kaya nangyayari na." Tumayo na siya at tumingin kay Van. Ang kulay berde niyang mga mata ay puno ng iba't-ibang emosyon. "Van, sundin mo ang puso mo pero paganahin mo ang utak mo. Sabay mo silang paganahin at ‘wag kang magpapadalos-dalos. Ikaw ang pinuno ng lahat ng bampira, sa ‘yo nakasalalay ang buhay ng iyong kalahi."
"Oo na po, Ate." He smirked.
Ngumiti lang si Ellrah sa kaniya at nawala na lang na parang bula sa kaniyang harapan.
Si Ellrah ang nakatatandang kapatid ni Van. Mas pinili niyang maging oracle ng mga bampira kaysa maging katulad niya. Sabi niya’y iyon ang nakasulat sa kaniyang tadhana at noon pa lang, nalalaman na niya ang mga mangyayari sa pamamagitan ng panaginip.
Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. Bumalik siya ng kwarto at nakitang naghihintay sa kaniya si Kisha.
Alam niyang gusto nitong tanungin kung ano’ng nangyari ngunit wala siyang nadinig na kahit ano sa dalaga. Bagkus ay nahiga na lang silang muli at pinanood niyang unti-unting dalawin ng antok si Kisha.
Nang tuluyan itong makatulog ay marahan niyang idinampi ang kaniyang labi sa noo nito.
"GISINGIN NA BA NATIN?"
"Baka magalit si Young Master!"
"Siya kaya ang nag-utos kasi may gagawin pa siya, eh!"
Bakit may naririnig akong mga boses? Hindi ko lang inimumulat ang mga mata ko pero gising na ang diwa ko. Ang katawan ko lang ang ayaw pang bumangon.
Dahan-dahan kong inimulat ang aking mga mata. Bumungad sa ‘kin sina Farrah, Kiel, Jack at Jick na nakapalibot sa kama ko. Nakatingin silang lahat sa ‘kin. Si Zick naman ay nakasandal lamang sa may pader wearing his poker face.
"Good Morning!" masayang bati nila sa ‘kin kaya napangiti na lang ako.
"Good morning," I mumbled. Bumangon na ako at nag-inat. Inilibot ko ang tingin ko sa kwarto. "Nasaan si Van?"
"May inaasikaso lang," sagot ni Kiel.
"Ngayon ko lang napasok ang kwarto ni Young Master, ang ganda pala! So amazing!" bulalas ni Jack habang kumikinang-kinang pa ang mga mata.
"Ang sarap sigurong matulog dito? Try kaya natin minsan?" tanong naman ni Jick.
"Siraulo! Gusto mong mamatay ‘agad?" bulyaw naman ni Farrah.
Bigla kong naalala, may pasok na nga pala! Tumingin ako sa orasan. Nakahinga ako nang maluwag nang makita kong maaga pa pala.
Pinakinggan ko lang silang magbangayan. Hindi ko alam kung paano ako sisingit pero dahil baka mahuli ako sa klase ay nagawa ko nang magtanong, “Papasok din ba kayo sa eskwelahan na pinapasukan naming ni Van?”
“Yup!” masiglang sagot ni Jick.
Napangiti ako sa naging sagot niya. “Paano nga pala kayo makakahabol sa mga subjects?”
Nasa second semester na ako. Ilang buwan na lang ay ga-graduate na ako sa kolehiyo. Hindi ko alam kung paano nagawa ni Van na pumasok na nasa same year lang kami.
“Don’t worry, we were going to school in Europe. Fortunately, all the subjects we took there were also covered here. In fact, sumobra pa nga. So we ended up being in the same year as you,” paliwanag ni Farrah.
Hindi ako makapaniwalang kinakausap na niya ako na parang walang nangyari sa pagitan naming dalawa pero natutuwa ako na mukhang hindi na siya galit sa akin.
“But our real purpose in going to the same university as you are to protect you when something happens.”
Gusto kong itanong kung bakit kailangan nilang gawin ‘yon. Bakit naman ako mapapahamak? Dahil ba sa nangyari sa pag-atake sa ‘kin noon.
Zick must have read my mind because he suddenly spoke up as if he’s answering my question. “Pinababantayan ka ni Master dahil baka maging target ka ng ibang bampira na galit sa kaniya. Ayaw ka niyang masaktan at ginagawa niya ito para maprotektahan ka,” malamig na sabi niya.
Kinilabutan ako sa tono ng kaniyang boses.
“Are you always like this?” I blurted out without thinking. Pinagtaasan niya ako ng kilay na parang nagtataka siya sa tanong ko. “Like…you know? Like a menopause baby?” Para kasi siyang pinaglihi sa sama ng loob.
Humagalpak naman ng tawa ang kaniyang mga kasama.
He glared at me. “Kung hindi ka lang importante kay Young Master baka sinaktan na kita.”
I opened my mouth to say something again but closed it when I saw the serious look on Zick’s face. Hindi ko alam pero hindi ako natatakot sa sinabi niya. Parang may nag-uudyok pa sa ‘kin na asarin siya pero pinigilan ko na lang ang sarili ko. Knowing Van, siguradong ako ang kakampihan niya at si Zick pa ang masasaktan.
“Tama ka, Kisha,” sabi ni Jack. Tumango-tango pa siya habang nakahawak sa kaniyang baba.
“Anong tama ako? Wala pa naman akong sinasabi, ah?”
‘Wag mong sabihing–
Jick laughed. “Kanina pa naming binabasa ang nasa isip mo.”
“ ‘Wag niyo ngang gawin ‘yon! Para tuloy akong walang privacy sa inyo, eh!” sigaw ko sa kanila. “Sino’ng may gusto na may makabasa ng isip mo? ‘Yon na nga lang ang paraan para maitago mo ‘yung gusto o ayaw mong sabihin tapos babasahin niyo lang?”
Farrah waved her hand like she was dismissing me. “Okay, we won’t do it again,” aniya. “Maligo ka na at magbihis.”
Lumakad na siya palabas ng kwarto at kaagad namang sumunod ang iba sa kaniya.
Habang nagsusuklay ako ng buhok at nakaharap sa malaking salamin, naisip ko ang nangyari kagabi. Sino kaya ‘yung kausap ni Van? Gusto kong tanungin siya pero ayaw ko namang manghimasok. Hinintay ko siya na mismo ang magsabi sa ‘kin ngunit hanggang sa makatulog ako’y wala siyang sinabi.
SAAN naman ako uupo rito? Naiwan akong nakatayo sa bungad ng dining hall. Hindi ko alam kung saan ako uupo ngayon. Alam kong gugustuhin ni Van na sa tabi niya ako umupo pero ayaw ko namang mag-assume. Dumeretso na lang ako sa tabi ni Farrah at doon naupo.
Tumingin siya sa ‘kin na may halong pagtataka ngunit hindi niya tinanong kung bakit ako tumabi sa kaniya.
“Kisha.” Kasabay ng paghangin ang malamig na boses ni Van. Lahat kami ay napatigil sa aming ginagawa kahit ako lang naman ang tinatawag niya. “Always remember that you’ll have to sit beside me when we’re about to eat.”
Wala akong imik na tumayo at umupo sa tabi niya.
Nang maihanda na ang lahat ng pagkain ay nagsimula na kaming kumain.
Napasinghap ako nang maramdaman ko ang malamig na palad ni Van sa ‘king hita. Ngumisi siya habang nakalapat sa bibig niya ang hawak niyang kupita. Ginalaw-galaw ko ang aking hita ngunit hindi pa rin siya bumibitaw.
“What are you doing?” I hissed.
He leaned closer to me. “Having my breakfast,” he whispered back.
“Pervert!” bulong ko sa kaniya. Kinurot ko ang kaniyang kamay kaya naman inalis na niya ito. “Subukan mong hawakan ako ulit, sasapakin na kita!”
He chuckled. Mukhang tuwang-tuwa pa siyang inaasar ako. “Yes, I’m your pervert.”
Inirapan ko siya pero ramdam ko pa rin ang kamay niya sa ‘king hita kahit na inalis na naman niya ito. For some reason, I want his hand back. f**k! Ano ba naman ‘tong naiisip ko? ‘Wag kang marupok, self!
WE went straight to his car when it was time to leave. Pinagbuksan naman niya ako ng pinto. Nang makapasok kaming dalawa ay kaagad akong humarap sa kaniya. “Anong kalokohan ang ginawa mo kanina?!” sigaw ko sa kaniya.
He just laughed without taking his eyes off the road. "I'm just teasing you."
"Oh, thanks, Mister! Nag-enjoy ako!" The sarcasm was dripping all over my words.
“I’m sorry, okay? I won’t do it again,” aniya kahit alam kong gagawin naman niya ulit ‘yon.
Manyak!
Natawa na naman siya pero nabawasan ang aking inis nang mag-play siya ng music. Gumaan ang aking pakiramdam nang madinig ang ilan sa mga paborito kong kanta sa kaniyang playlist. In fairness, may taste siya pagdating sa mga kanta.
Maya-maya ay sumabay na siya sa pagkanta. Nakangiti siya at pasulyap-sulyap sa akin. Hindi ko naman mapigilang mapangiti nang marinig ang boses niya. He has a nice voice. Ipinikit ko ang aking mga mata at isinandal ang aking ulo sa bintana para mas damhin ang maganda niyang boses.
Sumabay na rin ako sa kaniya sa pagkanta. Pagkatapos nito ay natawa na lang kaming dalawa.
“You have a beautiful voice,” he said.
“I can say the same to you.”
Hindi ko man lang namalayan na nakarating na pala kami sa parking lot ng school.
“Then we have another one thing in common.” He gently kissed my forehead before going out of the car.
If there’s one thing I am sure about him, it is his love of giving forehead kisses. Isa itong gesture na talagang nagpapakilig sa ‘kin. Para bang isa itong act of respect. Hindi ko inakalang may ganitong side siya kahit madalas ay puro siya kalokohan.
Pinagbuksan na naman niya ako ng pinto. Hindi niya binitawan ang aking kamay hanggang sa makapasok kami sa building namin. Dahil dito’y lahat ng estudyante ay hindi maiwasang mapatingin sa amin lalo pa’t nasa likod lang naming dalawa ang mga nobles.
Ang ilang mga babaeng nagkakagusto kay Van ay masama ang tingin sa ‘kin.
“Slut!” they mouthed in unison.
Then things happened so fast. In a blink of an eye, Farrah is already standing in front of the girls. Kahit wala siyang ginagawa ay mukhang na-intimidate ang mga ito sa kaniya. Para silang mga tutang hinarap ng isang malaking lobo.
Her eyes are full of anger. Even her hands are trembling like she wants to land a punch on their faces.
Lalakad na sana ako papalapit kay Farrah pero pinigilan ako ni Van.
“You can’t stop her,” aniya habang hawak ang aking braso.
Inalis ko sa pagkakahawak niya sa kamay ko. “I can,” I responded confidently.
Nagsimulka akong maglakad patungo kay Farrah. Hinawakan ko ang kamay niya na naging dahilan kung bakit napatingin siya sa ‘kin. Biglang nawala ang galit sa kaniyang mukha nang ngitian ko siya.
“It’s ok, Farrah. Don’t waste your time on them.”
She stared at me for a while and then breathe out, releasing all the tension burning inside her. Tumango siya sa ‘kin at ibinaling ang tingin sa tatlong babae. “Say bad things to her again and I’ll definitely kill all of you.”
Kitang-kita ko ang pamumutla ng kanilang mukha dahil sa sinabi ni Farrah. Nagmamadali silang umalis sa harap namin. Ang mga estudyanteng nanonood sa hallway ay mukhang natakot din sa presensya ni Farrah.
When all is done, I walked back to Van’s side.
“I can’t believe you stopped her,” sabi ni Van na mukhang proud sa ‘king ginawa.
Nagkibit-balikat lang ako. “Punta lang akong CR.”
Nang makarating ako ay humarap ako sa salamin at inayos ang aking buhok. Pagkatapos no’n ay hinilamusan ko ang aking buhok ngunit nang pagharap ko sa salamin ay nanindig ang aking balahibo nang makita ang isang maputlang babae sa tabi ko.
Napaatras ako sa takot. Ni hindi ko magawang sumigaw.
“S-sino ka?”
Sa sobrang putla niya’y para siyang multo pero parang kapag hinawakan ko siya ay hindi tatagos ang aking kamay sa kaniya. Mas matangkad siya sa ‘kin ng ilang pulgada at nakabalot siya ng pulang tela. Kapansin-pansin din ang kuya berde niyang mga mata.
" ‘Wag kang matakot, Kisha. Nandito lang ako para bigyan ka ng babala. Malapit nang maganap ang nakasaad sa propesiya at ikaw ay kasama roon. Kahit ano’ng mangyari ay ‘wag kang susuko. ‘Wag mong iiwan si Van." Ngumiti siya sa ‘kin.
Napakaganda niya. Ang ngiting ibinigay niya sa ‘kin ay parang ngiti ng isang anghel. Ang malamig at malumanay niyang boses ay nagbigay man ng kilabot sa ‘kin, napakaaliwalas pa rin pakinggan.
"P-Propesiya? A-Anong meron doon?" tanong ko sa kaniya.
"Malalaman mo rin sa takdang panahon." Sa isang iglap ay nawala siya. Ang katawan niya ay naging madaming paro-paro at nagsilipadan sila hanggang pati ang mga iyon ay mawala.
Naiwan akong nagtataka. Anong propesiya ang sinasabi niya? Iyon baa ng propesiya na matagal nang binabanggit sa ‘kin ni Van?