Chapter 36

3572 Words

Chapter 36Missing Piece Nanggagalaiti sa galit si Ivan Crone nang malamang malamig na bangkay na lamang ang kaniyang ama, ang nag-iisang pamilya na natira sa kaniya. Nakakulong lamang siya sa kaniyang kwarto at nakatingin sa kawalan. Hindi siya sumama sa libing dahil hindi niya pa rin matanggap na patay na ito. Ang kaisa-isang tao na nagparamdam sa kaniya ng pagmamahal, ang nagturo sa kanya ng lahat ng bagay ay pinatay ng kinamumuhian niyang nilalang sa buong mundo at ang dahilan kung bakit mag-isa na lamang siya ngayon. Malakas ang hampas ng ulan sa bintana ng kaniyang kwarto at patay sindi rin ang ilaw dahil sa masamang panahon. Malakas din ang kulog at pabadya-badyang pagliwanag galing sa labas dahil sa kidlat. Narinig niyang bumukas ang pinto pero hindi nag-abalang tingnan kung sino

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD