Chapter 35The Good Side and Bad Side “Patay na si Ellrah,” pangbungad sa ‘kin ni Lolo G pagkalabas na pagkalabas ko sa kwarto ni Van. Kasalukuyan siyang nagpapahinga ngayon. Sinisisi niya ang sarili niya, masyado raw siyang mahina dahil nakuhanan siya ng dugo ni Victoria na baka maging mitsa ng susunod na Great War. Hindi man nila alam ang tunay na plano nito, nakakasigurado naman silang hindi ito maganda. Kasalukuyan ding nagpapahinga ang mga representatives dahil masyado nilang nagamit ang mga kapangyarihan nila. Medyo matagal na raw silang hindi nakikipaglaban ng ganoong katagal at noon lang din ulit sila nagkaroon ng malalakas na kalaban. Para naman akong nanghina sa sinabi ni Lolo G. Hindi man ako malapit kay Ellrah ay nalulungkot at nasasaktan pa rin ako para kay Van. Alam kong mah

