Simula
Simula
"Ouch!" sigaw ko nang dumapo sa akin ang isang mainit na kape. Napakurap ako at napabuntong hininga at napatingin na rin sa likod. Bigla akong nahigh- blood. Sino ba kasi ang taong 'di tataas ang BP sa nangyari.
"Hayaan mo nalang 'yan Anne, Carry lang 'yan... At isa pa, we bought some clothes here in our shopping sa mall."
Nakangiting utas ni Joana sa akin habang ako ay namimilipit sa inis. Buti nalang at BFF ko ang kausap ko so, I remained calm. Umalis ang nakabangga sakin.
"Tingnan mo kasi 'to Joana, ang natapong kape ay tumilapon sa dress ko at pumapatak pa... Ew! Sayang itong pink dress ko. She didn't even say sorry to me! E, 'di ba nakakainis 'yon?" Inis kong bigkas sa bestfriend ko. Papaano naman 'yon hihingi ng sorry kung ito'y nakatakbo na? Natakot siguro sa ekspresyon kong galit na galit.
Ngumisi lang siya sakin at tinignan ang dress kong basa.
"Sana nalang kasi di na tayo pumunta dito." dagdag ko.
Kaso 'di namin mapigilan ang creamy capuccino with cheese on top na kanilang specialty. Maraming nag oorder at pinipilahan ng mga tao kasama na kami do'n.
Ang taas kaya ng linya bago kami nakabili ng kape na 'to. Ang sarap kasi eh. Kaya nga favorite namin ang Kha Lee's Cafe', hindi lang dahil sa coffee nilang creamy'ng creamy pati narin sa kakaibang lasa nito. Mapapa- 'ahh-umm' ka nalang sa sarap nito.
"Eh sis? 'Di ba ikaw ang nagsabing pupunta tayo dito? You said that.. After we go on our shopping, we will go to Kha Lee's Cafe'." ginaya pa niya ang sinabi ko kanina.
"At ganon nga ang nangyari..." dagdag niya habang nakataas ang isang kilay at bahagya siyang napangisi. At ako naman ay medyo iritado pa rin at napahawak nalang ako sa aking ulo at kinunot ko nalang ang aking noo.
Hindi ko na kinaya ang lagkit na nararamdaman ko saking katawan. That feeling of stickiness? Yuck! Dali-dali na akong tumayo tsaka dinampot ang shopping bag na may lamang damit na binili namin kanina. I went to the CR.
Tiningnan ko ang CR. Buti nalang wala gaanong tao. May iilang cubicle na hindi nakalapat ang pinto kaya dun nako pumasok. Naglagay muna ako ng powder sa nose area ko, sa cheeks at nag spray ng perfume ko.
Yoko naman lumabas na umaalingasaw ang amoy ng kape na tumilapon sakin kanina. Nang matapos nako ay lumabas na. Habang palapit nako sa mesa ay nakita ko si Joana na naka ngisi at tiningnan akong maiigi.
Kumunot ang noo ko sa titig niya. Pinagtatawanan ata ako ng gaga ah? Wow.
"Told ya, looks good on you!" untag niya nang makaupo na ako. Nabigla ako sa sinabi niya at may naalala.
Bigla ko tuloy naalala si Miguel Reyes, ang ex-boyfriend ko. Lagi niya sakin sinasabi "Looks good on you!" pag may binibili kaming damit at tina-try ko. We didn't lasted till the end. We ended up because of his death. He had a disease.
Naalala ko no'n bigla siyang sumuka ng dugo sa loob mismo ng campus namin. Grade 10 na kami nang mangyari yon. I was so afraid back then.
"Ingatan n'yo naman ang paghawak sa kanya." bigkas ko no'n. Pagkapasok nila sa katawan ni Miguel, sinubukan ko pang abutin ang kanyang kamay pero pinigilan ako ng mga ka-schoolmates ko. Pilit ko siyang inaabot, but I failed. Nakangisi si Miguel sakin at pilit ring inaabot ang kamay ko. Bakas sa mukha niya ang sakit ng kanyang katawan.
Umalis na ang ambulansya pero ako ay napaiyak at napayuko. Humagulhol ako ng sobrang lakas ngunit ilang sandali pa'y may lumapit sa akin. Tinigil ko ang paghikbi ko. Di ko tiningnan kung sinong nasa harap ko. I was still shock sa nangyari and I can't entertain no one now.
"Get lost."
Napapikit lang ako at dinama ang hangin na tumama sakin. Ang lamig pero ako'y pawis na pawis.
"Here..." bigkas niya na dahilan para matignan ko siya. Inilahad niya sa'kin ang isang panyo. No'ng una, 'di ko tinatanggap ang ibinigay niya. Umirap nalang ako at kinuha iyon.
Nagtanong ako sa kanya, "What do you need?" Umaalis na ang mga schoolmates ko sa kanilang kinalalagyan. Humaluklipkip ang lalaki at ngumisi nang bahagya.
Tinitigan ko siyang maigi. Mariing titig at naghihintay sa isasagot niya. Nabigla ako nang bigla niya akong hinila palapit sa kanya. Kaya nagdilim ang aking paningin at di ko naintindihan kung bakit niya ginawa yon. Napasandal ako sa dibdib niya. Guess what? Medyo matigas ang chest niya ah?
But still no, nagalit ako sa ginawa niya. Bahagya akong umatras at di ko na mapigilan ang sarili kong sampalin siya. Tumama sa kayang mukha ang aking palad. Hindi maalis ang marka na naiprinta sa kayang mukha.
"Ow!" sigaw niya nang masampal ko siya. Natutulala ang mga studyante na nadoon.
"Huh?" tanong ng isang studyante na narinig ko. "Sakit no'n!" dagdag pa ng isa.
"Para sa'n-" tanong niya habang hawak-hawak niya ang kanyang mukha. Halatang nagulat pa rin sa nangyari. Di na niya natapos at kumaripas nako't pumara ng taxi para sundan si Miguel sa hospital.
Days after Miguel was admitted in the hospital, he died. That was the first man who I really loved genuinely pero binawi agad sakin. Darn it! Ang sakit ng puso ko non.
"Lianne!" sigaw ni joana nang makita niya akong tulala. Nakatingin sa 'di kalayuang window glass. Iniisip ang past na may luhang nagbabadyang papatak.
Pinalakpak niya ang kamay niya sa tapat ng mukha ko at tinawag uli ako. Nagulat ako at tiningnan siya.
"What?" pabulong kong tanong ko sa bestfriend. Kumunot ang noo niya. Hindi ko inalis ang aking tingin. Pinagmasdan ko siya. Naghihintay sa isasagot niya.
"Tssk... Ano ba kasing iniisip mo?" napabuntong-hininga ako at nginiwian siya bago nag salita.
"Ermm..." I cleared my throat. "Miguel." tumango si Jo.
"Do you still remember the past?" tanong n'yang hindi ko sinagot dahil ayaw ko na pag-usapan namin 'yon. Pero di ako nakapagtimpi at sinagot ko siya.
"It's been three years after his death." mangiyak-ngiyak kong sambit. Hinawakan ni Jo ang kamay ko.
"Yeah, I know, sis." Tumango-tango si Joana habang utas ang mga iyon.
"Pero di din madaling kalimutan 'yon ano?" dagdag pa niya. It was so hard for me to get over him specially dahil sa kanya ko na feel ang pagmamahal na buo at kontento ako.
"Hu!" tiningnan lang ako ni Joana ng maigi at saka biglang bumagsik. Nagulat ako sa kanya.
"Sis, kilala mo na ba 'yong lalaking nagbigay sa'yo ng panyo? I mean nong sa school?"
Interesado talaga ang baklitang ito pag sabihing gwapo. Sinabi ko kasi sa kanya ang itsura and He's kinda handsome and sexy. Hay, bakit ang karamihan sa mga babae ay ang gusto gwapo? Nakakain ba ang kagwapuhan? Kung nakakain pa lang 'yun siguro doon nalang ako para mabuhay, pero no!
"Face doesn't give life!" Mariin kong sinabi. Napakurap si Joana. Speachless sa sinabi ko. Napatawa nalang ako. Nagkibit-balikat lang ako nang tingnan niya ako ng mariin.
Isinandal ni Joana ang isa niyang kamay sa mesa at nagtanong ulit ang bruha.
"So...so, Anne ano name n'ya? Baka mahagilap ko ang pagkatao niya sa f*******: or other social medias." nauutal niyang usisa na para bang mas concerned siya sa lalaking yon kesa sakin.
Ibang klase rin 'tong BFF ko... May bet din sa imagination?
"Sis 'di ko alam e, 'diba nga umalis ako no'n? At kung alam ko ang pangalan niya e, 'di sana sinabi ko na agad sa'yo."
Bumusangot ang mukha ko at bahagya siyang ngumisi.
"Hehe, San na yong panyong bigay n'ya?" usisa niya. Mahinahon ang kanyang boses. Tumango nalang ako. Andami talagang tanong nitong kaibigan ko.
"But it's not really important to me... The handkerchief's still with me. I just kept it kasi if I see him again, I will give it back to him." napahawak siya sa kanyang bibig at nanlaki ang mata.
"Really sis? Tinago mo 'yon?" dilat ang mga mata niya nang kinuha ko ang baso ko na may lamang kape na di ko pa naubos.
"Umm, grabe it's so delicious!" hinalikan ko ang kape kasi ang sarap. Hindi ko namalayan. Mainit pa pala ito. Habang pinipisil ko ang bibig ko ay nakita kong may tinitingnan siya sa likod ko at halos mabali na ang leeg niya.
"Liane!" sigaw niyang halatang ginaganahan.
"What's Up? Nanggugulat ka ah!" Lumingon siya sa likod kung saan ang pinto nakalagay. Ngumisi siya na para bang clown. Napakurap at kumunot ang noo ko. Nagtaka ako sa kanya kaya binalingan ko ng tingin ang dahilan ng pag ngingising-aso niya.
"Hay! siya na naman?" tanong ko sa sarili.
Halos lunukin na niya ang baso sa kilig. Mangisay-ngisay pa nga siya sambit ang pangalang 'Laurence'. Hindi ko type 'yon. Nakakainis kasi tsaka apaka yabang.
"Joana!!" sigaw ko sa bff kong napalakas dahilan para pagtinginan kami ng mga tao.
Tumayo na kot hinawakan ang kamay ni Joana at hinila. Dinampot ko ang gamit namin. Nakangisi pa rin ang gaga. Nang papalabas na kami ay tinitigan ako ni Laurernce. Kumindat pa siya. Hindi ko nalang pinansin bagkus yumuko ako.
Ibang klase din ang Laurence na 'to. 'Pa Bet'!
Bumuntong-hininga ako at marahan kong hinila si Joana palabas sa pintuan. Nakatingin pa rin si Joana kay Laurence at nag bye sign.
"Babay." mahina niyang sabi. Napasipat lang ako at umiling, tumawa na rin sa bff. Tumawa rin si Laurence sa akin. Akala siguro ng mokong na siya ang tinawanan ko.
Che!
Agad na kaming umalis na halos patakbo.