Ilang araw na ang nakalipas simula ng mangyari ang lahat. Ilang araw na ang nakalipas ng mapagpasyahan nila Christine at Nathan na layuan na nila ang isa’t-isa. Maraming nagbago sa mga panahon na iyon ngunit ang nanatili lamang na hindi nagbago, ay ang katotohanang nagkukubli sa kanilang mga puso. Katotohanang kahit hindi man nila aminin sa kanilang mga sarili, ang totoo ay miss na miss na nila ang isa’t-isa at ang dati nilang pinagsamahan. Parang hangin lang sa isa’t-isa sa tuwing magkakasalubong sila sa hallway ng school. Hindi nakikita ngunit nararamdaman. Hindi nag-uusap maliban na lamang kung tungkol na ito sa school at lessons na kailangan na talaga nilang mag-usap. Hindi na kaibigan ang turing ngayon ni Christine kay Nathan kundi isang professor niya na kailangan galangin at kausa

