Araw ng Sabado, walang pasok sa school. Kasalukuyang nagluluto ng pananghalian si Christine nang magulat na lamang siya dahil may biglang yumakap sa kanya mula sa kanyang likuran. “Ang bango naman niyang niluluto mo, Sweetie,” pabulong na sambit ni Matthew habang nakayakap ang mga braso nito sa baywang ng kabiyak. Ipinatong nito ang baba sa kanang balikat ni Christine at ang mga kamay niya sa bandang tiyan nito. Napapiksi si Christine sa yakap ni Matthew sa kanya kaya natanggal ang pagkakayakap nito sa kanya. Nagulat naman ang napaatras na si Mathew sa ginawa ni Christine. “Bakit?” pagtatanong ni Matthew kay Christine. “Uh… eh… Pasensya ka na, nagulat lang ako,” pagdadahilan ni Christine nang hindi tinitingnan si Matthew. “Saka amoy pawis ako kaya nakakahiya naman kung yayakapin mo ak

