bc

Fixing a Broken Soul

book_age18+
980
FOLLOW
4.0K
READ
BDSM
dark
forbidden
one-night stand
forced
twisted
abuse
betrayal
first love
lies
like
intro-logo
Blurb

[Language: TagLish] Warning: This story is not suitable for young and sensitive readers as this story features graphic s*x scenes and other mature content. Read at your own risk.

He is broken and he loves to break hearts, then she came willing to fix him by breaking herself. Who is he? Tornado Apolonio de Mayor.

chap-preview
Free preview
Simula
Simula          "Ako nga pala si Tornado Apolonio de Mayor, I know this is our school's annual talent showcase for the closing program, I am here in front of you guys not just to compete or perform, andito rin ako para kantahan si Leshyla Fairel Portelia, ang babaeng halos limang taon ko nang nililigawan," naghiyawan ang mga taong nanonood sa baba ng entablado, nilibot ko ng tingin ang mga audience, "baby if you're there I hope you hear me, I personally composed this song I only dedicate to you." Tinapat ko ang mic sa harap ng labi ko at nagsimula akong mag-strum sa strings ng gitara na hawak ko, naging tahimik ang mga tao habang pinapakinggan ako, biglang dumilim ang paligid at tumutok ang spotlight ng entablado sa akin. Hindi ako tumigil sa paglibot ng tingin hanggang sa nakita ko si Fairel na nakatingin sa akin, may ngiting nakaukit sa kanyang magandang labi. Ngumiti naman ako at nagsimula nang kumanta habang nakatitig sa kanya. "I'll take away your pain, I'll pick up your broken pieces, I'll fix you with my kisses, Coz you're my only queen." Tila ba naglaho lahat ng tao sa paligid at kaming dalawa lang ni Fairel ang naiwan, nasa pinakadulo siya ng audience at nakatayo, I strummed my guitar as I resonate with its rhythm. "My soul will be the place you can call home, Your flaws, your faults, you are perfect to me, You're my heart 'till you make me set you free My queen, will you stay with me on the throne?" We both stared at each other as if we were the only ones, humugot ako ng malalim na hininga saka ko pinikit ang aking mga mata, ang itsura ni Fairel ang imahe na agad na nagpakita, damn I must really be madly in love with her. "Let me make you forget Your pain, all the brokenness, Let me be the only one Coz baby I'm enough." Maraming camera at cellphone ang biglang tumutok sa akin, maraming kumukuha ng video at litrato ko habang kumakanta, hindi ko na lang pinansin ang mga iyon at tinuon ko lang ang buong atensyon ko sa babae ng buhay ko. "Your soul will be the place I can call home, My flaws, my faults, please be perfect to you, I'm your heart 'till you make me set you free Your king, won't you stay with me on the throne?" "Baby will you let me be your man? Yes or no?" "Putangina yes Tornado!" Sigaw ng isang babae, nakatingin lang ako kay Fairel na hindi kumibo, she wasn't the girl who yelled and she is too prim and proper to shout curses, nanatili lang siya sa kanyang gawi, I stared at her hoping she'd say yes or just nod her head to me. Dahil sa sigaw ay sunod sunod na sumagot ang mga babae, tinapos ko na ang performance ko saka ko binaba ang gitara, humugot ako ng malalim na hininga saka tumingin ulit sa pwesto ni Fairel ngunit wala na siya doon. Mabilis akong bumaba sa stage habang nililibot ng tingin ang paligid, lahat ng tao ay tumingin lang sa akin habang ang emcee ng event ay nagbibigay puri sa akin, naglakad ako palabas ng auditorium ng school saka pinasadahan ng tingin ang paligid, where the hell are you Fairel? Nilabas ko ang phone ko at saka tinawagan si Fairel, nang sumagot siya ay bigla akong nabuhayan ng pag-asa, "Fairel, asan ka?" "Garden." Sagot nito, mabilis naman akong tumakbo papuntang garden ng school, nadatnan ko agad si Fairel doon na nakatitig sa mga bulaklak, she looked like a goddess lost in the sea of flowers, ngumiti ako nang tumingin siya sa akin, she had those deep black eyes that will captivate you until you get lost within those orbs. Binaba ko ang cellphone ko at saka lumapit sa kanya, "why did you pull that stunt?" Natigilan ako, "what do you mean, baby?" Tumawa siya, "since when did I become your baby, Tornado?" Yumuko lang ako, "I just want the people to know how much I love you, Fairel. Hindi mo ba nagustuhan ang kanta ko para sa iyo?" "That is not the point, Tornado! Bakit mo sinabi na niligawan mo ako ng limang taon?!" "Totoo naman." Lumabi ako. She hissed, "look, I like you-" "And I love you." Ngumiti ako. Nagbuntong hininga siya, "patapusin mo muna ako." Tumango ako. "I like you but I don't love you." Mahinang saad nito saka umiwas ng tingin, pumitas siya ng isang puting rosas saka tinitigan ito, "hindi ako ang babaeng para sa iyo..." Tumawa ako, "it's okay kahit na hindi mo 'ko mahal, basta gusto mo ako ayos na ako doon." "Can't you see the point, Tornado? It's a no. You will never be the man for me, I'm sorry because I can't reciprocate your feelings." Tila ba mga kutsilyong tumutusok sa puso ko ang bawat katagang binibitawan niya, nangilid ang luha ko, pinikit ko ang aking mga mata para ibalik ang luha sa kung saan man nanggaling at saka humugot ng malalim na hininga para pakalmahin ang sarili. "Marami pang babae dyan, Tornado. I am not worth your love, a girl like me will never be." Lumapit ako saka lumuhod sa kanya, niyakap ko ang binti niya, "please don't be like this to me baby, nagbibiro ka lang hindi ba?" "Please stand up." Matigas na utos ni Fairel sa akin, "ano bang parte sa hindi kita mahal ang hindi mo maintindihan ha? Kailangan bang isampal ko sa iyo ng paulit ulit? Hindi kita mahal. Hindi kita mahal. Hindi kita mahal!" Para akong namatay sa sinabi ni Fairel sa akin, tila ba nakalimutan ko na mahal na mahal ko siya, tinignan ko ang sarili ko, nagmukha akong desperado, tumayo ako saka dumistansya, all I wanted suddenly was to see her breaking, hurting, crying, in pain. "Five years wasted." Umiling na lang ako, "you will regret it, Fairel." Malamig na saad ko sa kanya. "I'm really sorry, this is also a farewell. Aalis na ako papuntang Manila, doon ako magpapatuloy ng pag-aaral tapos mag-o-audition rin ako bilang artista." "Kingina mo hindi ko tinatanong." Sinamaan ko siya ng tingin, "the moment you come back in Alta Rio is the moment you will wish you should have never returned." Nagulat ako nang biglang kinuha ni Fairel ang kamay ko saka nilagay ang puting rosas sa palad ko, sinara niya ito saka tumingin sa akin. "Bye, Tornado..." I watched her walk away, I watched her walk out of my life as mixed emotions confuse me, gusto ko siyang habulin muli, pero may nagpupumigil sa akin. Galit. Poot. Sakit. They are stopping me, and they are slowly stirring inyo my heart, do I even have a heart anymore? Nagsimula na rin akong umalis sa hardin habang hawak hawak ang rosas, hindi ko alam kung saan ako tumutungo, wala sa sarili akong palakad lakad hanggang sa nagsimulang tumulo ang ulan, pinikit ko ang aking mga mata. Hindi ko namalayan na nakalabas na pala ako ng paaralan, hindi ko rin namalayan na nasa gitna na pala ako ng kalsada hangga't sa may nagbusina dahilan upang bumalik ako sa huwisyo, dahilan upang mapahiga ako sa kalsada dala ng sobrang pagkagulat, sa gitna ng ulan. Putangina! Nag-e-emote ako e! ***

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
562.9K
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
416.1K
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

His Cheating Heart

read
41.7K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.8K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
276.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook