bc

Waves of Regrets

book_age18+
6.8K
FOLLOW
38.7K
READ
billionaire
sex
arrogant
drama
bxg
enimies to lovers
lies
seductive
like
intro-logo
Blurb

Generoso Series #2 - Sabrina Aik Generoso

WARNING: RATED 18+ (BAWAL SA BATA)

PLAGIARISM IS A CRIME! DO NOT COPY!!!

Sabrina Aik Generoso is the princess of Generoso Clan. Maganda, mabait, matalino, talented at higit sa lahat ay may isang mayaman at mapagmahal na pamilya. Iyon ang tingin ng mga tao sa buhay ni Sabrina. Pero doon sila nagkakamali, hindi perpekto ang kanyang buhay. Hindi siya masaya at hindi perkpekto ang pamilya niya. Akala niya ay wala nang dadating na maganda sa buhay niya, hanggang sa nilapitan niya ang lalaking matagal nang humahanga sa kanya, si Maverick Santiago at pinagbigyan ito ng pagkakataon na iparamdam sa kanya kung gaano siya kagusto nito.

Si Maverick Santiago ay isang nerd, mahirap, hindi marunong manamit, hindi attractive, in short pangit, iyon ilarawan ni Sabrina si Maverick. Ayaw niya sa lalaki dahil palagi nitong nasasapawan ang pagiging number one niya sa kanilang paaralan. Pero sa hindi inaasahan na pagkakataon ay nahulog si Sabrina sa lalaking pinaka ayaw niya na si Maverick.

Mawawala pa kaya ang pagtingin niya rito o hahayaan niya na lang at magpatuloy na magpakabaliw kay Maverick? Pagsisisihan niya kayang mahulog sa lalaki, o hindi?

chap-preview
Free preview
SIMULA
SIMULA “Sabrina, are you really sure about this?” Napatingin ako sa aking Tita Janice nang magsalita ito. Ngumiti ako sa kanya at tumango. “Yes, Tita. Para rin naman ito sa kompanya,” sabi ko. Malungkot niya akong tinignan. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking kamay. “Hija, hindi mo kailangang gawin ito. Marami pang paraan pala lang mailigtas ang kompanya ng pamilya niyo. You don't have to marry Ace Manlangit, Hija!” sabi ni Tita. “I want to make my daddy proud, Tita. Gusto ko rin na mapalago pa lalo ang negosyong pinagsikapan ni Daddy. Ako nalang po ang may pag-asa na alagaan ang negosyong ito, hindi ako matutulungan ng mga kapatid ko dahil may sarili na silang mga buhay,” seryoso kong sabi. “But you are giving up your freedom, Sabrina Aik Generoso! You’re giving up your happiness,” malungkot na sabi ni Tita. Napaiwas ako nang tingin at mabilis na pinunasan ang luhang pumatak sa aking mga mata. Huminga ako nang malalim bago muling tumingin sa kay Tita Janice. Malungkot akong ngumiti. “Wala na po akong pakialam sa kaligayahan ko. Ang nasa isip ko nalang ngayon ay kung paano ko makuha ulit ang negosyo ng pamilya namin,” sabi ko. Hindi rin naman ako mahal ng lalaking mahal ko. Bakit ko pa pipilitin ang aking sarili? I need to be more practical and rational. Walang mangyayari kung uunahin ko lang itong puso ko at magpakabaliw sa isang lalaking matagal na akong tinutulak palayo. “Sabrina…” Ngumiti ako kay Tita Janice ay hinawakan ang kanyang magkabilang balikat. “Tita, I’m fine, I will be fine. H’wag na kayong mag-alala sa akin,” sabi ko. Niyakap ko si Tita Janice upang mas maramdaman niyang okay lang ako. Tama na ang kabaliwan, Sabrina Aik Generoso. Kahit anong gawin mo ay hindi ka niya pa rin mamahalin. Galit siya sa lahat nang ginawa mo sa kanya simula pa noong nag-aaral pa kayo. Hinding-hindi ka niya mapapatawad at ginagamit kalang niya. Nandito na ako ngayon sa opisina ko. Nakatunganga lang ako at hindi alam kung ano ang aking uunahin. Hindi pa rin mawala sa aking isipan ang pagtuloy sa mangyayaring kasal ko kasama si Ace. Hindi namin kilala ang isa’t isa at gagawin lang namin itong pagpapakasal para mabawi ko ang pinaghirapan ni Daddy na kompanya. “Sabrina!” Natigilan nalang ako sa aking pag-iisip nang biglang bumukas ang pintuan ng aking opisina at pumasok ang galit na si Maverick Santiago, ang lalaking nag-iisa kong minamahal. “Ano itong nalaman ko na inalis mo si Catherine sa trabaho niya?!” galit niyang sabi. Napataas ako sa aking kilay habang nakatingin sa kanya. “Why do you care about her, Maverick? Anong meron sa inyong dalawa at parang galit na galit ka?!” inis kong sabi. “She’s one of the best on my team, Sabrina! May tinatapos kaming project at babalik na naman kami sa simula nito dahil inalis mo si Catherine!” galit niyang sabi. Napatayo ako sa inis at tinignan siya nang masama. “She’s flirting with you, Maverick! Sino ang hindi maiinis sa ginagawa niya, ah?! Every time na pumupunta ako sa opisina niyo ay palagi ko nalang siyang nakikita na nilalandi ka! Ayoko nang ganun!” galit kong sigaw. Buti nalang at soundproof ang aking opisina at hindi naririnig nang ibang mga empleyado ang pinag-aawayan namin ngayon ni Maverick. Napailing siya na parang hindi makapaniwala sa aking sinabi. “Wala kang karapatan na gawin ‘yun, Sabrina! Hindi ko siya girlfriend at empleyado lang din siya!” Padabog akong lumapit sa kanya at nang nasa harapan na ako ni Maverick ay tumigil na rin ako sa aking paglalakad. “I don’t care kung sino ang babaeng ‘yun! Ang ayaw ko ay may ibang lumalapit na babae sa’yo! Akin ka lang, Maverick!” sigaw ko habang nakatingin sa kanyang mga mata. Hindi siya nakapagsalita at nakatingin lang din siya sa akin. Nakita kong napatingin siya sa aking labi kaya hindi ko rin mapigilang mapatingin din sa kanyang labi. Nang hindi ko na mapigilan ang aking sarili at agad ko siyang hinalikan sa kanyang labi at kumapit sa kanya. Mabilis din niya akong hinalikan pabalik at hinawakan ang aking beywang. Sinandal ako ni Maverick sa pader at naramdaman ko ang kanyang kamay na humahaplos sa aking hita. Napangisi ako at pinalalim pa ang halikan naming dalawa. “I’m still mad at you, Sabrina,” mahina niyang sabi habang hinalikan ang aking leeg. “Hmmm. Magalit ka lang sa akin, Mave. Akin ka lang,” sabi ko at muling hinanap ang kanyang labi at hinalikan siya pabalik. He’s Maverick Santiago, ang lalaking kinababaliwan ko. Hindi ko akalain na mahuhulog ako sa lalaking ito at mabaliw nang sobra. Magkaklase kami ni Maverick simula elementary hanggang college. Pero hindi ko siya type dahil isa siyang nerd at ayaw ko sa kanya. At hindi ako mapaniwala sa aking sarili ngayon na baliw na baliw ako sa lalaking ito. Gusto ko na siya lang ang lalaking makakasama ko hanggang sa pagtanda. Gusto ko na sa kanya lang ako ikakasal at hindi sa ibang lalaki. Pero malayong malayo at hindi mangyayari iyon dahil hindi naman ako mahal ni Maverick. May nangyayari nga sa amin ni Mave pero hanggang doon nalang kami. Ginagamit lang niya ako at nagpapagamit lang din ako sa kanya. Niloko ko rin siya and I manipulated his contract dito sa kompanya para hindi siya makaalis. Ganun ako kabaliw kay Maverick Santiago. Next week na ako ikakasal kay Ace Manlangit. We already agreed about our marriage at nakapag-usap na rin ang mga pamilya namin. Nakahanda na ang lahat at mga damit namin, kami nalang ang kulang. Hindi ako mapakali ngayon at naninikip ang aking dibdib. Nandito ako ngayon sa aking condo unit at umiinom ako ngayon ng alak. Gusto kong sabihin kay Maverick ang tungkol sa kasal at gusto kong sabihin sa kanya na willing akong tumakas kasama siya at hindi ituloy ang kasal. Alam kong nagpapakabaliw na naman ako pero mahal na mahal ko talaga siya. Habang iniisip ko na ibang lalaki ang makakasama ko sa buong buhay ko at hindi si Maverick ay parang gusto ko nalang mamatay. Napatayo ako at huminga nang malalim. Pinunasan ko ang aking luha at inayos ang aking sarili. Alam kong galit sa akin ngayon si Maverick pero kailangan ko siyang kausapin. Napagpasyahan kong pumunta sa kanyang bahay ngayon. Alam ko kung saan siya nakatira dahil nadala niya na rin ako sa bahay niya. Siya lang ang nakatira sa kanila dahil nasa probinsya ng Governor Generoso ang kanyang buong pamilya. Nang makarating ako sa bahay ni Maverick ay agad akong kumatok. Makalipas ang ilang minuto ay bumukas na ito at bumungad sa akin ang magulong buhok niya at parang kakagaling niya lang sa pagtulog. Napakunot siya sa kanyang noo at napakusot sa kanyang mga mata bago ulit ako tinignan. “Sab? What are you doing here?” tanong niya. Agad akong lumapit sa kanya at hinalikan siya sa labi. Pumasok kami sa kanyang bahay at ako na ang nagsirado sa kanyang pintuan. Sinandal ko si Maverick sa pader at mas pinalalim pa ang paghalik sa kanya. Natigil lang ako nang bigla niya akong nilayo sa kanya at hinawakan ang magkabila kong balikat. “What the hell, Sabrina?! Are you drunk?!” galit niyang sigaw. Hindi ko mapigilang maluha at manghina habang nakatingin ngayon sa kanya. “Babe, I’m sorry na please. Alam kong napakaselosa ko at hindi tama ‘yung ginawa ko. Promise, magiging mabait na ako at hindi na ako magseselos,” humihikbi kong sabi habang nakatingin sa kanya. Napailing siya at lumayo sa akin. “Maverick!” pagtawag ko sa kanyang pangalan. Natigil siya sa kanyang paglalakad at napatingin sa akin. Tinignan ko siya nang malungkot habang patuloy pa rin sa aking pag-iyak. “I-Ikakasal na ako,” mahina kong sabi. Nakita ko ang gulat at pagkatigil niya sa aking sinabi. “W-What?” Muli akong umiyak. Pinunasan ko ang aking luha at huminga nang malalim. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang magkabila niyang pisngi. “P-Pero kaya ko pa naman umatras, Mave. S-Sabihin mo lang na h’wag kong ituloy, hindi ko itutuloy. Mahal na mahal kita at ikaw lang ang gusto kong pakasalanan,” sabi ko. Napailing siya at inalis ang aking kamay na nakahawak sa kanyang mukha. “You’re kidding me,” malamig niyang sabi. Napapikit ako sa akinh mga mata at napahikbi. “K-Kung pwede palang makapagsinungaling matagal ko nang ginawa,” mahina kong sabi. Muli akong napamulat sa aking mga mata at tinignan siya. “Mave, ikakasal na ako kay Ace Manlangit bukas,” sabi ko. Hindi siya nakasagot sa aking sinabi. Nakatingin lang siya sa akin ngayon kaya mas lalo akong kinabahan at naiyak. Pumikit siya at napahawak sa kanyang noo. “Umalis ka na,” mahina niyang sabi. Huminga ako nang malalim at nagsalita ulit. “M-Makakapayag ka ba na may ibang lalaki na umangkin sa akin? H-Humalik sa akin? H-Humawak sa iba’t ibang parte ng aking katawan?” mahina kong sabi. Kita ko sa mukha niya ang galit ngayon. “I said go, Sabrina.” Nagtaka ako sa kanyang sinabi. “Mave…” “Umalis ka na, Sabrina! Wala akong pakialam kung ikasal ka sa ibang lalaki! Wala akong pakialam dahil hindi naman kita mahal!” sigaw niya habang nakatingin sa akin. Parang biniyak ang aking puso sa kanyang sinabi. Nanghihina ako at nanlalabo ang aking paningin sa aking pag-iyak. “Mave, handa akong makipagtanan sa’yo,” mahina kong sabi. Umiling siya at hinawakan ang aking braso. Sinamahan niya ako palabas sa kanyang bahay. Nang makalabas na kami at tinignan niya ako nang malamig. “Wala akong pakialam sa’yo, Sabrina. Hinding-hindi ko gagawin ang sinasabi mo dahil wala ka lang sa akin,” sabi ni Maverick at muling pumasok sa kanyang bahay at malakas na sinirado ang kanyang pintuan. Muli akong napaiyak nang malakas at napaupo sa may damuhan. Napayuko ako at napahikbi. Kahit anong gawin ko ay hinding-hindi pa rin ako mapapatawad ni Maverick. I regret everything I’ve done in the past pero karma ko na siguro ito kaya tatanggapin ko nalang. Mahal mahal kita, Maverick Santiago.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.7K
bc

His Obsession

read
72.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook