WAVES OF REGRETS EPISODE 44 WARM HUG SABRINA AIK’S POINT OF VIEW. “Sabrina, uuwi ako diyan sa Pilipinas,” rinig kong sabi ni Kuya Baste sa kabilang linya. Napahilamos ako sa aking mukha at huminga ng malalim bago siya sinagot. “Kuya, I will be fine. Kaya ko ang sarili ko mag isa rito kaya huwag ka nang mag abala na umuwi rito sa Pilipinas para sa akin. Mas kailangan ka diyan ni Gabriella at ni Gabriel, kaya ko ang sarili ko, Kuya Baste,” malumanay kong sabi sa aking Kuya sa kabilang linya. Nang malaman ni Kuya Baste ang tungkol sa nangyari sa mga magulang namin ay agad siyang tumawag sa akin. Tinanong niya ako sa nangyari dahil hindi niya raw ma contract si Kai. Kaya sinabi ko kay Kuya Baste lahat ng nangyari kahit ang sakit pa rin sa aking puso dahil naalala ko ang nang

