WAVES OF REGRETS EPISODE 62 CALM DOWN SABRINA AIK’S POINT OF VIEW. “Sabrina! Catherine! Itigil niyo na iyan!” sigaw ni Maverick habang inaawat kami. May pumasok na rin sa kanyang opisina na ibang mga ka team nila at tumulong sa pag awat sa amin. Nang dahil marami na ang umawat sa amin, napalayo na ako kay Catherine at nabitawan ko na rin ang kanyang buhok. Nakahawak pa rin sa akin si Maverick habang si Catherine naman ay hawak din sa isang lalaki. “Bakit ba kayo nag aaway?” takang tanong ni Maverick sa amin. Umiwas ng tingin si Catherine at hindi magawang sagutin ang tanong nito. Lihim akong napangisi. Syempre, ayaw niyang malaman ni Maverick na ninakawan niya ito ng halik! Napakalandi talaga! ‘Di porket tulog si Maverick ay pagdidiskitahan na niya ito. “Tanungin

