WAVES OF REGRETS EPISODE 57 BONFIRE SABRINA AIK’S POINT OF VIEW. Nang makalabas na kami ni Jezrell sa hotel ay agad kaming pumunta sa tabing dagat. Sinet-up niya na rin kaagad ang DSLR ko at ako naman ay hinubad na ang aking suot na see through. Nakita kong natigilan sa pag se-set up si Jezrell sa aking DSLR at napatingin siya sa akin na may gulat sa mukha. Nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ay mabilis niyang ibinalik ang kanyang paningin sa DSLR ko. Hindi ko mapigilang mahinang mapatawa dahil gulat na gulat talaga sila na makita akong nakaganito. “Jez, matagal pa ba iyan?” tanong ko sa kanya at umupo na rito sa malaking bato. “M-Malapit na, Ma’am. May ina adjust lang po ako. Pose na po kayo diyan,” sabi nito sa akin. Tumango naman ako at sinunod ang kanyang sinabi. Naka il

