WAVES OF REGRETS GOODBYE, SEE YOU AGAIN EPISODE 50 SABRINA AIK’S POINT OF VIEW. I left Maverick. Pagkatapos ng gabing iyon ay umalis na ako palayo sa kanya. Habang inaasikaso ni Lie ang aking mga papeles upang makapunta akong New York ay hindi muna ako pumasok at umuwi na muna ako sa aking condo unit at doon na lang muna nag trabaho. Hindi ako nakaramdam ng panghihinayang sa aking ginawa dahil gustong-gusto ko talagang gawin ito. Yes, masisira kami ni Maverick pero mabubuo naman ulit ako and that’s the most important part of me, to be whole again. Alam na rin ni Gideon ang tungkol sa pag alis ko at sabay kaming dalawa. Sinabi ko sa kanya ang lahat ng nangyari sa buhay ko habang wala siya. Hindi ko mapigilan na maiyak lalo na no’ng mai-kwento ko sa kanya ang tungkol sa pagkawa

