WAVES OF REGRETS SPECIAL EPISODE SABRINA AIK’S POINT OF VIEW. “Baby, payagan mo na ang panganay natin. Malaki na rin naman iyon at anak naman ng kaibigan mo ang magiging boyfriend ng panganay natin,” wika ni Maverick habang hinihilot ang aking balikat. Napapikit ako sa aking mga mata at pinakalma ang aking sarili. Kung hindi lang sana ako pinigilan kanina ng asawa ko ay baka nasapak ko na sa mukha ang lalaking anak ni Trevor Gideon. Ang walang hiya, hinalikan ba naman sa labi ang anak ko sa harapan ng bahay namin! Ang bata pa ng anak ko! Fourteen years old pa lang si Sabina samantalang seventeen na iyong anak na lalaki ni Gideon na si Aiden! Sabi ko na nga ba, sana sa probinsya na lang kami nanirahan at doon na lang nag-aral ang mga anak ko kagaya ng mga anak ni Amara at Kuya Kai. “
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


