NAGPUPUYOS sa galit si Amanda na binabaan na sila ng linya ni Radson at hindi na ito matawagan! Naka-blocked din siya dito kaya ang ama niya ang kinausap niyang tumawag kay Radson at papuntahin sa bahay nila. Pero heto at lalo lang sumama ang loob niya na ipinamukha ni Radson sa kanya kung gaano nito kamahal si Thalia! “Kasalanan mo rin naman kaya nagbago ang pagtingin ni Radson sa'yo, Amanda. Kung hindi mo pinili ‘yong pipitsuging manager na ‘yon at nagpakasal ka kay Radson noon, e ‘di sana maginhawa na ang buhay nating lahat ngayon!” pagalit ng ama. “Oo na, kasalanan ko na! Kaya nga nagbabalik na ako e. Hindi ba't hindi naman talaga maayos ang pagsasama ng dalawang iyon? Bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin? At si Thalia, halos hindi ko na siya makilala kagabi! Ibang-iba na ang it

