NAPANGITI si Thalia na nakaharap sa camera at kasalukuyan silang ini-interview ng mga reporter. Binabati ito at pinupuri sa success ng jewelry store nila ni Tristan at sa ganda ng mga design nitong umaabot na rin abroad! “Ms Thalia, how does it feels po na maging asawa ng isang kilalang businessman? Marami ang nagtatanong dahil alam ng lahat na tatlong taon na kayong kasal ni Mr Parker pero kamakailan lang kayo lumalabas sa publiko,” ani ng isang reporter. Napatikhim si Thalia na napalinga sa mga guests nila. Nakita naman nitong nasa mesa nila si Radson. Nakangiti na kumaway dito. Ngumiti ito na sinenyasan ang asawang lumapit. Tumayo naman si Radson. Inubos na muna ang laman ng wineglass bago nagtungo sa kinaroroonan ni Thalia at Tristan sa harapan at ini-interview sila ng media. Nap

