NANGUNOTNOO si Thalia na mapansing magkasabay na bumalik sa venue sina Radson at Tristan. Biglang kumabog ang kanyang dibdib na matamang nakatitig sa dalawang nag-uusap habang naglalakad. “Close na kaagad sila?” usal nito na napanguso. Sinalubong naman ng assistant nito si Tristan kaya naghiwalay na ang dalawa. Lumapit si Radson sa asawa nitong nasa mesa nila. Nakamata at naghihintay sa kanya. “Hi, love. Are you okay?” malambing tanong nito sa asawa na humalik pa kay Thalia. “Yeah. Uhm, ikaw, are you enjoying the party? Or umuwi na tayo?” balik tanong ni Thalia dito at pasado alasonse na rin kasi ng gabi. Sumasakit na ang ulo niya sa neon light. Idagdag pang inaantok na ito at nakainom. Hindi kasi siya makatanggi sa tuwing dadalhan siya ng shot ng mga empleyado nila kaya tinatangg

