NAGPUPUYOS ang loob ni Amanda na hindi matanggap na naisahan siya ni Thalia! Gigil na gigil ito na sugurin si Thalia pero dahil nasa Paris ito, hindi niya magawang masugod ito. “You can't take away my man, Thalia. Akin lang si Radson!” nanggigigil nitong sigaw na pinaghahagis ang mga gamit sa loob ng silid nito! “Amanda!” Natigilan ito sa akmang paghampas sa laptop nang sumigaw si Cody mula sa likuran nito! Pabalang nitong ibinagsak sa mesa ang laptop na mabibigat ang paghinga at galit na galit pa rin! “What do you think you're doing, huh?! Pera mo ba ang ipinambili ko sa mga gamit dito na sinisira mo?!” galit na singhal ng binata ditong nagdadabog na naupo sa paanan ng kama. Si Cody Hermann ang manager nito na nag-alok sa kanya noon na maging model dito sa Paris at may agency ito

