Chapter 20

2333 Words

PAGULONG-GULONG sa malaking kama si Thalia na napapairit at kinakastiguhan ang sarili! “Gosh! Bakit ko ba kasi naisatinig iyon? Para pa namang nagseselos ang dating nang pagkakasabi ko. Nakakainis!” kastigo nito sa sarili. Sabog-sabog na ang buhok niya na kanina pa siya pagulong-gulong sa kanyang kama. Kahit ang kobrekama niya ay nagusot-gusot na. Hindi tuloy siya dalawin ng antok na naiisip kung paano babawiin ang sinabi kanina. Tiyak niyang magtataka si Radson kung paano niya nalaman na may babae itong nagngangalang Sonia! “Hindi niya iyon narinig.” Pagpapatatag niya sa sarili na umayos nang higa. “Kung narinig man niya at tatanungin ako bukas? Gagawin ko na lang siyang bungol para makalusot ako.” Napahagikhik ito sa naisatinig na nakaisip ng solusyon sa problema niya. Maya pa'y na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD