PAGKATAPOS kumain ay si Radson na rin ang nagpresintang maghugas sa mga plato. Napapangiti naman si Thalia na pinapanood ito at namamangha na marunong pala sa gawaing bahay si Radson. Ngayon niya lang kasi ito nakita na naghugas ng mga plato. “Anyway, wife, if you don't mind, pwede ko bang malaman kung saan ka nagtatrabaho?” tanong ni Radson dito na nilinisan ang lababo bago naghugas ng mga kamay. “Wife?” tudyo ni Thalia dito na natawa at iling. “Why? What's wrong with that? Totoo naman e,” natatawang sagot ni Radson na nagpunas ng mga kamay at humarap kay Thalia. Their eyes met. Nakangiti sa isa't-isa na tila nag-uusap ang kanilang mga puso habang nakatitig sa isa't-isa. “Ahem!” Napatikhim si Thalia na naunang nagbawi ng tingin at may tawag ito. Sa sobrang taranta nito at para siyan

