TULALANG nabitawan ni Thalia ang cellphone nito habang nagri-replay sa isipan ang napanood at mensahe sa kanya ni Amanda. Alam niya naman na kahit siya na ang asawa ngayon, si Amanda pa rin ang nagmamay-ari sa puso ni Radson. And there's nothing she can do about it. Ni hindi nga siya tignan sa mga mata ni Radson, ang ibigin pa kaya siya at itratong asawa? Nananaginip siya ng gising sa kaisipang maibabaling din ni Radson ang pagtingin nito kay Amanda sa kanya, kung magiging mabuting may-bahay siya para dito.
But she was wrong. Tatlong taon na rin siyang nagtitiis maging mabuting may-bahay ni Radson. Hindi pumapalya sa pananatiling malinis at maayos ang bahay nila. Naghahanda ng gamit nito at pagkain sa araw-araw. Pero ni minsan, hindi siya nakatanggap ng ‘thank you’ words mula sa asawa niya.
Pagak itong natawa at napailing na pinahid ang tumulong luha na hindi niya namalayan. Para siyang nauntog bigla at natauhan sa kanyang pinaggagagawa sa buhay. Bakit nga ba siya nagtitiis maging asawa ng isang Radson Parker? Wala naman siyang napapala dito. Tanging ang mga magulang nilang selfish ang nakikinabang sa pagiging may-bahay niya sa isang Parker. Kaya bakit pa siya magtitiis habang buhay kung pwede naman siyang tumakbo at lisanin ang bahay na kinakukulungan niya.
Napatitig siya sa suot na wedding ring. Napahaplos doon na may matabang ngiti sa mga labi. Nangilid ang luha niya na namigat ang dibdib habang marahang hinahaplos ang wedding ring niya.
“Ayoko na. Ayoko na sa titolong. . . maging asawa niya.” Usal nito.
Matapos nitong mailabas ang sama ng loob niya, nakapagdesisyon na ito. Bumaba siya sa kama. Nagtungo sa closet niya at inabot ang dalawang malaking maleta niya sa taas ng closet. Dinala niya iyon sa gilid ng kama at binalikan ang closet. Binuksan niya iyon at kinuha lahat ng mga damit niyang naroon. Wala naman kasing binili si Radson na damit niya. Maski isang panty ay wala itong natanggap mula sa asawa.
May hawak siyang card na pag-aari ni Radson. Pero ginagamit niya lang iyon kapag naggo-grocery siya o nagbabayad ng bills nila sa bahay. Para hindi na niya inaabala si Radson. Hindi siya bumibili ng pansariling gamit mula sa pera ni Radson. Dahil may kinikita naman siya sa pagsusulat ng nobela online na ipinangtutostos sa sarili. Isa pa, malaki din ang shares niya sa kita ng jewelry shop nila ng matalik niyang kaibigan since college. Si Tristan Robinson.
Kabilang ang jewelry shop nila na tinawag nilang Luxy Amor sa mga nangungunang jewelry store sa bansa. Dahil sa impluwensya ng pamilya Robinson, nagkaroon din sila ng branch sa France, Tokyo at Europe. Si Thalia ang madalas gumagawa ng design para sa mga jewelries nila. Ang mga employee naman na nila ang magpapatuloy at si Tristan ang gagabay sa mga ito. Dahil hindi biro ang presyo ng bawat jewelry nila dahil totoong diamante ang gamit nila. Hindi kilala ng publiko na si Thalia ang co-founder ng Luxy Amor. Tanging ang alam nila, si Tristan Robinson ang nagmamay-ari nito at may kasosyo ito na unknown ang personality sa publiko para na rin sa privacy nito.
Isa-isang isinilid ni Thalia ang mga damit na kinuha niya sa closet sa malaking maleta niya. Hindi niya rin maipaliwanag pero bawat pagsilid niya ng gamit sa maleta niya, unti-unting naiibsan ang bigat sa dibdib niya. Na parang siya na mismo ang kumakalas sa mga nakatali sa mga kamay at paa niya para makawala siya at tuluyang makalaya sa kinakukulungan niya.
Hanggang sa matapos na itong mag-empake. Pasado alasdose na rin ng gabi. Inabot niya muli ang cellphone niya at nagtungo sa tapat ng bintana. Tinawagan niya si Tristan dahil ito lang naman ang maaasahan niya. Hindi naman nagtagal, sumagot ang binata mula sa kabilang linya.
“What's up, lonely wife? Bakit nanggagambala ka sa kalagitnaan ng gabi?” namamaos ang boses na saad ni Tristan mula sa kabilang linya.
Napalapat ito ng labi. Halata kasi sa boses ni Tristan na nabulabog ang pagkakahimbing nito. Napatikhim ito na huminga ng malalim bago nagsalita.
“I. . . I need your help, Tris. Please help me. . . get out of this house,” aniya na napalunok.
Bumilis ang t***k ng puso niya at ramdam ang pangangatog ng mga tuhod na sa wakas ay naisatinig ang katagang iyon.
“Woah! Sandali lang, am I dreaming? Si Thalia Thompson Parker, nagpapatulong sa akin na makaalis na sa poder ng gagong asawa niya?” hindi makapaniwalang bulalas ng binata mula sa kabilang linya.
Mahina itong natawa at napailing. Napakamot pa siya sa kilay. Hindi niya na kasi mabilang kung ilang beses na siyang sinabihan ni Tristan na iwanan na si Radson. Pero dahil sa pagmamahal niya sa kanyang mga magulang, hindi niya magawang sumuway sa mga ito. Dahil alam niyang malaki ang magiging epekto nito sa family business nila.
“Oo nga kasi. Tumawag ka naman sa lawyer mo oh? Ipahanda mo ang annulment papers namin ni Radson as soon as possible. Kung pwedeng bukas na e. . . bakit hindi? Gusto ko nang makaalis sa pamamahay na ito. Masyado nang matagal ang iginugol kong oras dito. It's time for me to choose myself and do what I want to do. Ayoko nang dalhin pa ang titolong. . . asawa ako ng Radson Parker na ‘yon. I've done enough. Tama na ang tatlong taon kong pagtitiis at sakripisyo. Kung itatakwil ako ng mga magulang ko sa gagawin kong ito? Then so be it. Magiging masaya ako na makalaya sa kanilang lahat.” Saad nito na puno ng determinasyon ang boses at mukha.
“Congratulations then, bestie! Finally, naimulat mo na rin ang mga mata mo at nagising ka na sa katotohanan. Hwag mo nang alalahanin ang annulment papers niyo, matagal na iyong nakahanda dahil alam kong darating din ang oras na ito. Na matatauhan ka, mapapagod at magigising sa katotohanan. Bukas na bukas ay dadalhin ng lawyer ko ang annulment papers niyo ni Parker d'yan sa bahay niyo. Kaya ihanda mo na ang mga dapat mong dalhin, okay?” sagot ni Tristan dito na napangiti.
“Thank you, Tris. I owe you this,” maluha-luhang pasasalamat nito sa kaibigan.
“Sus. Ikaw pa ba? You are my woman, Thalia. Para saan pa at nandidito ako kung hindi kita matutulungan sa oras ng pangangailangan mo, ‘di ba?” malambing sagot ni Tristan ditong lalong napalapad ang ngiti.
“Ikaw talaga. O sige na, iyon lang naman. Salamat ulit ha? At favor naman oh? Can you book me a flight tomorrow? Kahit saan basta makaalis lang ako ng bansa. Gusto ko lang munang lumayo at mag-take ng short vacation para sa sarili ko. Dahil pagbalik ko, magfo-focus na ako sa dalawang trabaho ko.” Ani nito na napakalambing ng boses.
Napailing naman si Tristan na napangiti. Saka lang kasi naglalambing si Thalia sa kanya kapag may favor itong hinihingi na malugod niya namang ipinagkakaloob sa kaibigan.
“A’right. Ako nang bahala. Magkita tayo bukas sa airport. Eight o'clock in the morning, okay?” anito na ikinatango-tango ni Thalia.
“Thanks again, Tris. Goodnight,” pamamaalam nito sa kaibigan.
“Goodnight.”
KINABUKASAN, maagang bumangon si Thalia at naligo. Inayos nito ang sarili at saka naghintay sa sala. Baka sakaling uuwi si Radson para pormal siyang makapag paalam dito. Naupo siya sa pangsolohang sofa na hinihintay ang pagdating ni Radson. Hindi pa man umiinit ang pwet niya mula sa pagkakaupo ay dinig niyang bumukas ang gate nila at nagbusina si Radson.
Napalunok ito. Pinagsalinop ang mga palad at pinipigilan ang pangangatog ng kanyang mga tuhod. Kailangan niyang ipakita kay Radson na seryoso ito sa sasabihin. Ayaw na niyang patagalin pa ang lahat sa kanila. Tapos na siya sa pagiging sunod-sunuran sa asawa at mga magulang niya. Katulad nang sinabi niya sa kaibigan niya kagabi, she done enough. Three years is enough.
Bumukas ang front door nila at inuluwal no'n ang asawa niya. Gusot-gusot pa ang long sleeve white polo nito at nakabukas ang ilang butones no'n sa bandang dibdib. Halatang bagong gising lang din ito at sabog-sabog pa ang buhok. Hawak ang navy blue coat at briefcase ay naglakad ito palapit na hindi manlang sinulyapan ang asawang nakaupo sa sala. Akmang papasok na siya sa silid niya para maligo at makapagbihis nang tumayo si Thalia at nagsalita na buong-buo ang boses.
“Maghiwalay na tayo. Sign our annulment papers so that you can marry the woman you really loved.” Ani nito na kalmado at buong-buo ang boses.
He was freezed at a seconds. Hanggang sa mag-sink-in sa utak niya ang sinaad ng asawa niya. Pumihit ito paharap kay Thalia na blangko ang expression at malamig ang tinging iginawad sa asawa niya. Nagulat pa ito dahil sinalubong ni Thalia ang mga mata niya, katulad niya, napakalamig din ng mga titig nito at kita ang determinasyon sa mga iyon.
Sa isip-isip nito, nagtatampo lang ang asawa niya. Dahil sinadya niyang hindi umuwi kagabi at alam niyang anniversary nila. Idagdag pang dumating si Amanda, ang babaeng minamahal niya. Kaya hindi na siya umuwi at tumuloy sa hotel at sinulit ang tatlong taon nilang pagkakahiwalay ni Amanda. Ilang araw lang kasi ang dalaga dito sa bansa. Kaya naman sinulit na niya ang gabi na kasama ito at buong magdamag ipinadama kung gaano niya ito kamahal at kung gaano siya nangungulila sa kanyang mahal.
“Wala akong oras para sa mga drama mo sa buhay, Thalia. Kung ginagawa mo ito para makuha ang attention ko? Pwes nagkakamali ka. Dahil nabubwisit lang ako sa kaartehan mo. Makita pa nga lang kita e. . . sira na ang araw ko,” may diing pang-uuyam nito na matalim ang tinging ginagawad sa asawa nito.
Pero ni hindi nagpatinag si Thalia. Humakbang pa siya palapit dito na napalunok. Ngayon niya lang kasi natitigan nang may katagalan ang mukha ng asawa niya sa nakalipas na tatlong taon. Dahil wala naman siyang pakialam dito kahit nandidito ito sa kanyang pamamahay.
“Kung gano'n, pirmahan mo na ang annulment natin, Radson. Ako rin, pagod na ako. Itong titulo ng pagiging legal wife na ibinigay mo sa akin, three years ago? Ibinabalik ko na sa'yo. Ibigay mo ito sa babaeng nais mong magdala ng titolong ito. Dahil ako? Ibinabalik ko na. Pagod na akong. . . maging asawa mo.” Madiing saad ni Thalia na matiim na nakatitig sa mga mata nitong napalunok.
“And this?” dagdag nito na ipinakita ang suot na wedding ring.
Napailing ito. Walang emosyon ang mga matang nakatitig sa kanyang asawa. Dahan-dahan niya iyong hinubad mula sa kanyang daliri na ikinasulyap ni Radson doon. Iniabot niya iyon kay Radson pero tinitigan lang iyon ng asawa niya. Kaya naman kinuha niya ang kamay nito at inilagay sa palad ang singsing.
“Ibinabalik ko na ang simbolo ng pagiging legal wife ko sa'yo. Katulad nang sinabi ko kanina. . . maghiwalay na tayo. Pirmahan mo lang ang annulment natin. Tapos ang usapan, Mr Radson Parker.” Ani Thalia na may diin ang bawat salita.
Tinalikuran na niya ito na hindi nakaimik si Radson. Pumasok siya sa silid na napasandal sa may pintuan. Napapikit ito na napabuga ng hangin. Para siyang nabunutan ng tinik na nasabi ang mga gusto niyang sabihin kay Radson. Sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi na para siyang nakalaya sa kanyang ginawa. Napailing ito na naglakad sa harapan ng vanity mirror nito. Isa-isang isinilid sa bag ang mga gamit niya doon. Pagkatapos ay inayos niya muna ang sarili at saka lumabas ng silid dala. . . ang mga gamit niya sa dalawang kamay.
Napalunok pa siya na makitang nandoon pa rin si Radson sa tapat ng pintuan ng silid nito. Napalingon si Radson sa kanya nang lumabas ito pero tumalikod na siya. Alam niyang ito rin ang gusto ni Radson. Ang makalaya silang dalawa sa kasal na hindi nila ginusto. At ngayon ay ibinibigay na niya ang favor dito. Katulad niya kasi, takot si Radson sa kanyang mga magulang. Kaya sumusunod ito sa anumang ipagawa sa kanya ng mga magulang niya. Kahit na labag iyon sa loob niya.
Napakuyom ng kamao si Radson habang nakatitig sa likuran ng asawa niya. Bawat paghakbang nito patungo sa front door ng bahay nila hila sa dalawang kamay ang dalawang malalaking maleta ay para siyang kinukurot sa puso. Hindi niya rin alam kung bakit niya iyon nararamdaman ngayon. May nag-uudyok sa kanya na pigilan ito dahil nagtatampo lang si Thalia sa kanya. But his ego is higher than his feelings. Kaya naman pinanood niya lang si Thalia na nagtungo sa pintuan hanggang bumukas iyon at nagsara.
Nang magsarado ang pintuan. Nahimasmasan ito. Ngayon lang nag-sink-in sa isipan ang tinuran ni Thalia sa kanya. Na gusto na niyang makipaghiwalay sa kanya at ibinabalik na rin. . . ang titulong ipinagkaloob niya dito–tatlong taon na ang nakakalipas.
Pagak itong natawa at napailing. Pumasok sa silid na naligo at pakiramdam niya ay binabangungot siya. Alam niya namang walang ibang mapupuntahan si Thalia. Tiyak na uuwi lang ito sa bahay nila at ang ama pa nito mismo ang maghahatid kay Thalia pabalik sa bahay nila.
“Go ahead, Thalia. Run as far as you can. I won't chase you either. Because whatever you do, you can't have my attention and you can't please me to love you. Even you beg and down your knees in front of me, I won't love you or consider you as my wife. Over my dead body, hinding-hindi mo makukuha. . . ang puso ko.”