MATAPOS maligo ay napahilot na lamang sa sentido si Radson na walang nakahanda sa kama na isusuot nito. Nasanay siya na kapag naliligo siya, nakahanda na ang isusuot nito sa kama. Pero ngayon? Maski ang mga nagkalat niyang damit sa sahig na hinubad niya ay nandoon pa rin kung saan niya inihagis.
“Damn that woman. How dare her do this to me,” usal nito na nagtungo sa kanyang walk-in closet.
Kumuha ito ng white long sleeve polo nito na pinaresan ng maroon na tuxedo. Kumuha din siya ng necktie at boxer briefs. Basta na lamang niyang inihagis sa sahig ang nakabalabal na puting towel sa kanyang baywang at saka nagbihis. Habang nagbibihis, nakalarawan pa rin ang inis at gigil sa kanyang mukha. Lalo na sa kanyang mga mata.
“Maybe you're thinking that I'll chase you after you walkout in my house huh? You b***h,” aniya sa inis na naiisip ang eksenang umalis ang asawa niya na walang kalingon-lingon dala ang mga gamit nito.
Matapos magbihis, dinampot na niya ang rolex watch niyang hinubad niya kanina at isinuot sa palapulsuan. Nagtungo siya sa harapan ng kanyang salamin sa silid at nag-spray ng perfume. Inayos din ang buhok nito na napangisi pa sa sarili kung gaano siya kagwapong tignan ngayon.
Akmang palabas na siya nang mahagip ng paningin niya ang mesa na may decorations sa labas ng silid. Sa kanyang balcony. Naipilig nito ang ulo na lumapit doon at napangisi na makita kung ano iyon.
“So, this is the reason of your dramas, huh? Dahil hindi ako dumating kagabi na naghanda ka para sa akin,” aniya na nilapitan ang mesa. “I knew it, Thalia.” Naiiling usal pa nito na inabot ang red wine sa gitna ng mesa.
Binuksan niya ang mga natatakpang pagkain doon. Lumamig na rin ang mga iyon. Isang beef steak at lasagna na mga paborito niya. May nakahanda ding chocolate cake na may nakasulat sa gitna no'n na ‘happy anniversary’. Lalo siyang napangisi at lumakas ang kumpyansa sa sarili. Na hindi seryoso si Thalia sa tinuran nitong maghiwalay na sila. Because without him, Thalia is nothing else to go. Tiyak na itatakwil siya ng mga magulang sa kanyang katangahan. Kaya hindi na ito nag-aksaya pa ng oras na habulin si Thalia dahil hindi siya makikipaglaro dito, katulad ng nais nito.
Dinala niya ang lasagna at beef steak palabas ng silid. Dahil hindi pa naman napanis ang mga iyon. Hindi nga siya nagkamali ng hinala dahil walang agahan ang nakahain sa mesa na ngayon lang nabakante, magmula nang maikasal silang dalawa. Aminado ito na malaki ang nagagawa ni Thalia sa buhay niya. Dahil hindi na nito kailangan pang magluto, maglinis ng bahay o maghanda ng mga isusuot dahil ginagawa iyon ni Thalia mula nang magsama sila sa iisang bubong. Kaya ngayon ay naninibago ito na kumikilos siya sa kusina. Dati-rati kasi ay maski kape at tubig na inumin niya ay nakahanda na sa mesa. Kakain na lang siya at iiwan ang pinagkainan sa mesa.
Matapos mainit ang ulam at lasagna ay kinuha na niya iyon mula sa microwave at dinala sa mesa. Naiinis pa rin ito na nag-iinarte si Thalia dahil hindi siya umuwi kagabi. Hindi naman ito naghanda noong first at second anniversary nila. Kaya hindi nag-expect si Radson na naghanda ito ng dinner para sa kanilang dalawa kagabi. Isa pa, mas pipiliin naman niyang igugol ang gabi sa piling ni Amanda, kaysa ang sabayan ang pagdadrama ng asawa niya.
Nagtimpla na muna ito ng kape bago naupo at nagsimulang kumain. Noong una ay ayaw niyang kainin ang mga niluluto ni Thalia para sa kanya. Pero nang matikman niya iyon, nakagawian na niyang kainin ang mga inihahain nito. Dahil masarap magluto ang asawa niya. Kaya naman napakagana nitong kumakain kapag nasa bahay siya. Hindi na rin siya kumakain ng hapunan sa labas dahil may hapunan na siyang naghihintay sa kanya sa bahay. At mas gusto niya iyon dahil kahit itanggi niya, alam niya sa sariling daig pa ni Thalia ang mga professional chef sa mga exclusive restaurant sa labas kung pasarapan lang ng luto ang pag-uusapan. Hindi rin paulit-ulit ang mga niluluto nito kaya hindi siya nauumay.
Naiiling siyang ngumunguya na naigala ang paningin sa kabuoan ng bahay. Sanay naman siyang tahimik ito palagi. Dahil sa tuwing nasa bahay na siya, madalas ay nasa silid na si Thalia. Kaya hindi sila nagpapang-abot ng asawa niya. Sinasadya rin nitong pahirapan ito. Makalat siya sa silid. Pero pag-uwi niya, malinis at mabango na naman ang silid niya. Kahit nagdadala siya ng babae sa bahay at kinaka-s*x niya ito ay wala siyang naririnig na reklamo mula kay Thalia. There are times din na nakikita sila ni Thalia na actual na nagsi-s*x ng kasama niyang babae, pero wala siyang mabakas na galit o kahit anumang emosyon sa mga mata ni Thalia. Palaging emotionless ang mga iyon at walang kabuhay-buhay. Ni hindi niya pa nakikita ang asawa na nagsuot ng sexy na damit o kahit marinig manlang itong tumawa.
Wala siyang kaalam-alam ng tungkol sa asawa niya. Yes, they are living in the same roof for fvcking three years. Pero wala ito ni anumang alam kahit basic information lang tungkol sa asawa niya, he only know her name. That's it. Ni hindi niya pa ito nakitang ngumiti, tumawa o maski magpaganda. She's so plain and simple. Kaya napakaboring nito sa kanyang paningin. Ni hindi ito nagmi-makeup. Palagi ring nakapusod ang mahaba niyang buhok. Nakasuot ng plain na bestida na abot ang manggas hanggang ibaba ng tuhod nito. Ni hindi iyon fitted sa kanya kaya hindi alam ni Radson kung may kurba din ba ito o pinagpala sa hinaharap.
Unang beses niyang nakita si Thalia na nakaayos noong araw mismo ng kasal nila. At aminado ito na napakaganda ni Thalia nang araw na iyon. Kahit na walang kabuhay-buhay ang mga mata nito at walang kangiti-ngiti. Na parang robot na nakasunod sa instructions ng mga magulang niya ay hindi maitatanggi ang natural nitong ganda. Ibang-iba ito sa nakababatang kapatid nitong si Amanda. Kaya naman hindi siya nagkakaroon ng interes na kilalanin ang asawa niya dahil napakaboring nito para sa kanya.
TUMULOY ito sa kumpanya nila. Magalang na binabati ito ng mga empleyado niya. Pero as usual, naka-pokerface lang ito. Parang haring naglalakad at walang pinapansin. Ni hindi nito magawang tumango sa mga employee niyang nakangiti sa kanya at binabati siya.
Paglabas niya ng elevator ay sinalubong siya ng assistant niya– si Edmond. Yumuko ang binata sa kanya bilang pagbibigay galang sa amo. Napaayos pa ito sa suot na reading glasses bago nagsalita.
“Good morning, Mr Parker. May lawyer po na nanggaling dito kanina at ibinagay po ito. Mula daw ito sa asawa niyo at pinapadali na pirmahan mo kaagad ang mga documents,” magalang saad ng assistant nito na iniabot kay Radson ang isang file na dala niya.
Kunot ang noo na kinuha iyon ni Radson saka pumasok sa kanyang opisina. Napaluwag siya sa kanyang necktie at para siyang nasasakal na hindi makahinga nang maayos. Naupo siya sa swivel chair na binuklat ang laman ng files. Napalunok pa siya at bumilis ang kabog ng dibdib na mabasa kung ano iyon!
It's their annulment papers!
Napahigpit ang hawak niya sa papel na mabasa bawat page no'n at may pirma na kaagad si Thalia sa pangalan nito. Ang kanya na lang ang blangko pa. Nagngingit ang mga ngipin nito sa inis.
“You really want my attention, huh? How desperate you are, Thalia. But sorry, my dear wife, it's a no. Hinding-hindi ako papatol sa pagpapapansin mo. And besides, you have nothing to do if I won't sign these fvcking papers,” aniya na isa-isang pinunit ang mga iyon at nilukot na isinilid sa trashbin.
Napahilot siya sa sentido na pilit iwinaksi ang mga kaganapan sa kanila ni Thalia. Alam niyang wala din namang ibang mapupuntahan ang asawa niya kundi babalik sa poder niya. Hindi na nga siya magugulat na maabutan niya ito mamaya sa bahay na naghihintay sa kanyang pagdating at hihingi ng tawad sa kagagahan nito.
Kung siya lang ang masusunod ay pakakawalan na niya ito. Dahil hindi naman niya ito gusto. Pero dahil kasal na silang dalawa, at gusto ito ng mga magulang niya, hindi siya makaangal. Hindi niya rin maintindihan ang mga magulang niya. Dahil mas gusto pa nila si Thalia na maging daughter in-law kaysa kay Amanda. Kaya sobrang natuwa ang mga ito nang si Thalia ang dumating sa kasal nila at hindi ang nobya nitong si Amanda.
Nagpaliwanag naman sa kanya si Amanda kung bakit hindi siya dumating. Dahil iyon na ang flight nito patungong Paris at natanggap siya sa isang modeling agency doon. Madali lang sa kanya na ipawalangbisa ang kasal nila ni Thalia. Kaya hinayaan niya lang itong manatili sa poder niya at pagsilbihan siya. Habang hindi pa bumabalik ang nobya niya at handang bitawan ang career nito bilang modelo sa Paris.
BUONG maghapon itong naging abala sa opisina nito. Ni hindi nito namalayan ang paglipas ng oras. Pasado alassais na nang lumabas siya ng opisina at bumaba sa parking lot. Nagmaneho ito pauwi sa bahay na akupado ni Thalia ang isipan niya. Inaasahan na nitong nasa bahay ka ang asawa niya at hihingi ng tawad sa kadramahan nito.
For the past three years of being married, ni minsan ay hindi lumabas si Thalia para makipag hangout sa mga kaibigan. Kaya hindi na siya nagulat na walang kaibigan ang asawa niya. Dahil sa uri ng tao ni Thalia, wala nga namang magkaka interes kaibiganin ito sa kaboringan nito. Para siyang naliligaw kung ikukumpara sa mga tao sa paligid niya. Akala yata niya ay nasa panahon pa rin siya nila Maria Clara at Ibarra. Na kahit ang pananamit nito ay hindi manlang tugma sa bagong henerasyon.
Napailing ito na napabuga ng hangin. Winawaglit sa isipan ang asawa niyang uhaw sa attention niya. Nagpapapansin lang iyon, that's it. At wala siyang planong suyuin ito katulad ng nais nitong mangyari. Hinding-hindi niya papatulan ang larong sinimulan ng asawa niya. He's too busy to waste his precious time for his wife's dramas. Wala itong pakialam kahit na nasasaktan si Thalia dahil wala naman itong puwang sa puso niya. Even she holds the title of being his legal wife.
Pagdating nito sa bahay, kaagad siyang pinagbuksan ng gate ng kanyang mga guard. Bumati pa ang mga ito sa kanya na hindi niya pinansin. Ipinarada niya ang sasakyan sa garahe nila sa harapan ng bahay. Matapos magtanggal ng seatbelt, inabot na niya ang coat at briefcase nito sa passenger seat at bumaba ng kotse.
Napasuri siya sa kabuoan ng bahay. Madilim na kasi. Usually ay nakabukas na ang mga ilaw sa loob dahil salamin naman ang dingding nito sa first floor ng bahay. Pero sa nakikita niya, nakapatay pa rin ang mga ilaw.
Napabuga siya ng hangin na niluwagan ang necktie niyang wala na sa ayos. Humakbang ito papasok sa nakasaradong pintuan. Itinulak niya iyon at sumalubong sa kanya ang nakabibinging katahimikan sa loob ng bahay. Napalunok siya na binuksan ang mga ilaw. Unti-unting nagliwanag ang kabuan ng bahay.
Humakbang na ito papasok at naigala ang paningin. Pinapakiramdaman kung nakabalik na ang asawa niya. May parte sa puso niya na nadismaya dahil wala si Thalia sa sala na naghihintay sa kanyang pagdating. Napanguso ito na pinakibot-kibot pa ang nakatulis niyang nguso. Inihagis sa center table ang coat at briefcase na nagtungo sa kusina.
Naipilig nito ang ulo na napatitig sa mesa. It was empty. Ni walang maski tubig na nakahanda doon. Napalingon siya sa sink at nandoon pa rin ang mga pinagkainan niya kaninang umaga. Napapikit ito. Napahimas sa sentido na nag-iigting ang panga. Lumarawan ang inis sa mukha na nilingon ang silid ng asawa niya. Hindi na siya nakapagtiis. Malalaki ang hakbang niya na nagtungo doon at malakas na kinalampag ang pintuan.
“Thalia! Open this god-damned door!” umalingawngaw sa buong bahay ang boses nitong galit na galit!
Muli niyang kinalampag ang pintuan. Pero dahil walang nagbubukas no'n, pinihit niya ang pinto at kitang hindi iyon nakalock. Nakapatay din ang ilaw na ikinalunok nitong bumilis ang t***k ng puso. Binuksan niya ang ilaw at kaagad napagala ng paningin sa silid ng asawa niya. Sa loob ng tatlong taon, ngayon lang siya pumasok sa silid na iyon.
Humakbang ito papasok sa kaisipang nasa balcony o banyo lang si Thalia. Pero nahalungkat na niya ang balcony at banyo ay wala maski anino ng asawa niya ang naroon. Napahawi siya sa buhok na mabibigat ang paghinga. Tinungo niya ang closet nito at nag-igting ang panga na makitang. . . tanging mga hanger na lamang ang laman no'n!
“Nagmamatigas ka, huh? Ganyan ka ba kauhaw sa attention ko? Kung inaakala mong hahagilapin kita. . . nagkakamali ka. Tignan ko lang. . . kung hindi ka itakwil ng mga magulang mo kapag nalaman nila ang paglalayas mo sa pamamahay ko.” Usal nito na nagngingitngit ang mga ngipin at pabalang isinarado ang closet at lumabas na ng silid ni Thalia.
Nagtungo ito sa kusina na inabot ang wine sa cellar at kaagad iyong binuksan na tinungga. Inis na inis pa rin ito at gusto niyang magwala sa mga oras na iyon. Pakiramdam niya ay natapakan ni Thalia ang ego niya. Napapahid ito sa gilid ng labi na may tumulo pang wine doon at mabibigat ang paghinga.
"You'll regret this, Thalia. Gusto mo ng attention ko, huh? Pwes, hindi ko ibibigay ang larong nais mo." Aniya na nagngingitngit ang mga ngipin sa sobrang inis na hindi pa rin bumabalik ang kanyang asawa!