NAPANGITI si Thalia na napadipa ng mga braso. Ninanamnam ang magkahalong init ng sikat ng araw at ang malamig na simoy ng sariwang hangin. Matapos niyang lumisan sa bahay ni Radson, tumuloy siya sa airport. Doon na niya hinintay ang lawyer ni Tristan at pinirmahan na muna ang annulment papers nila ni Radson bago ito tumuloy sa London.
Dito kasi siya ini-book ng flight ni Tristan. Para magbakasyon na muna at ipahinga ang isip at katawan nito mula sa nakaka-stressed nitong relasyon. Kahit paano ay nalilibang din siya sa pananatili sa London. Ilang linggo na ba siyang nandoon? Halos isang buwan na rin pala.
Magmula nang dumating siya dito, tanging si Tristan lang ang nakakausap niya sa Pilipinas. Ni hindi na siya nag-abalang kausapin ang mga magulang at ipaalam ang tungkol sa pakikipaghiwalay niya kay Radson. Alam na rin naman niyang hindi papayag ang mga iyon, lalo na ang ama niya. Dahil posibleng mag-pullout ng investment at shares ang mga magulang ni Radson sa kumpanya nila kapag mapag-alaman ng mga Parker na naghiwalay na sila ni Radson. Tiyak niyang ibabalik lang siya sa poder ni Radson. Kaya mas minabuti nitong lumayo na muna at huminga.
Sa ngayon, gusto lang nitong libangin ang sarili at sulitin ang bakasyon niya. Dahil pagbalik niya ng bansa, magiging abala na ulit ito. Sa pagde-design ng jewelries at pagsusulat nito ng nobela. Hindi na rin niya inalam ang tungkol sa annulment nila. Dahil tiyak niyang ikinatuwa iyon ni Radson na siya na mismo ang bumitaw. Nang sa gano'n, mapakasalan na nito ang babaeng totoong minamahal nito, si Amanda–her younger stepsister.
Kahit paano ay nakapag-recharged naman na ito. Tingin niya ay kaya na niyang humarap sa mga naiwan niya sa Pilipinas. Pero sa ngayon, gusto na muna niyang sulitin ang bakasyon niya abroad. Dahil ngayon lang siya nakalabas ng bansa.
May condo kasing nirentahan si Tristan doon ng dalawang buwan. Kaya doon siya tumuloy. Mas mapapamahal kasi sila kung sa hotel siya tutuloy at aabutin siya ng dalawang buwan! Kaya naman nagrenta na lamang ang kaibigan niya ng condo.
Si Tristan Robinson ang nag-iisang kaibigan nito. Nasa college pa lamang sila nang lapitan siya ni Tristan at nakipag kaibigan sa kanya. Sa una, naiilang siya dahil lalake ito. Pero kalaunan ay nagtapat si Tristan na binabae ang puso niya. Na hindi ito straight kaya kahit paano, naging komportable siya dito.
Lumalim ang pagkakaibigan nila sa paglipas ng panahon. Unti-unti din siyang nagtiwala sa binata at nagkukwento ng mga ganap sa buhay niya. Bagay na kay Tristan niya lang ginawa. Si Tristan kasi, hindi ito iyong tipo ng kaibigan na backstabber o madaldal. Kaya kahit ang mga sikreto niya, sinasabi niya dito. At hindi naman nasayang ang pagtitiwala niya sa binata. Dahil hanggang ngayon ay hindi sinisira ni Tristan ang tiwala niya dito.
Katulad na lamang ngayon. Kung hindi dahil kay Tristan, hindi mapapadali sa kanya ang lahat. Mula sa pag-alis niya ng bansa at ang pagpapahanda sa annulment nila ni Radson. Una pa lang ay tutol na si Tristan sa pagpapakasal niya kay Radson. Pero dahil utos iyon ng mga magulang niya, wala silang nagawa ni Tristan kundi ang sumunod. Kaya ngayong nakalaya na siya ay sobrang tuwa ng kaibigan niya. Dahil hindi naman lingid dito kung gaano kalamig ang pagsasama nila ni Radson.
Kahit nasa bahay lang siya, nagagawa naman niya ang mga request ni Tristan na design ng jewelries nila. Malaya nitong nai-sketch ang mga designs na naiisip niya dahil wala si Radson sa buong maghapon. Maski ang pamilya niya, wala silang idea na may sarili siyang income. Kaya ang akala nila ay hindi nito kayang tumayo sa sariling mga paa. Na kung wala ang suporta nila sa kanya, mamamatay itong dilat ang mga mata sa gutom. But they're wrong. Dahil mas malaki pa nga ang ipon nitong pera sa bangko kaysa pera ng magulang nila. Kahit nga si Amanda na isang international model sa Paris ay walang panama ang sahod nito doon sa kinikita ni Thalia sa pagsusulat at pagiging co-founder ng isang kilalang jewelries store nila ni Tristan. Bawat disenyo nito ay ilang million din ang halaga. Kaya pinagbubutihan niya talaga ang bawat design at pinag-iisipang maigi. Dahil ayaw niyang may maipuna ang mga kliyente nila.
MATAMIS itong napangiti na nakaharap sa glass wall habang may hawak na wine glass. Sumimsim siya doon habang nakamata sa kailawan ng syudad mula sa kinatatayuan nito sa loob ng condo na tinutuluyan nito. Sa pananatili niya sa London, inaaral nito kung paano kumilos at manamit na katulad sa mga high class woman. Dahil gusto niya na pagbalik niya ng bansa, ibang-iba na siya sa dating Thalia na tahimik, simple at plain kung tignan. Sa mukha man, sa kasuotan o kahit sa galaw.
Balak na rin kasi nila ni Tristan na ipakilala siya sa publiko bilang co-founder at designer ng kanilang Luxy Amor jewelry shop. Kaya gusto niyang presentable siyang tignan at walang maipuna ang mga tao sa kanya. Hanggang ngayon kasi ay wala pa ring idea ang publiko kung sino ang co-founder ng isang billionaire na katulad ni Tristan Robinson sa kanyang famous jewelry's store.
Sa paningin ng publiko maging sa harapan ng pamilya ni Tristan ay straight itong kumilos at magsalita. Hindi mo nga aakalain na sa likod ng kagwapuhan at kakisigan nito ay pusong babae pala ang mokong. Tanging si Thalia pa lang ang nakakaalam sa sikreto ni Tristan sa kanyang pagkatao. Kaya sa tuwing magkasama silang dalawa sa mga pribadong lugar, malayang kumikilos ng malambot si Tristan.
“Ang sarap maging malaya sa lahat. Walang ibang inaalala at ini-enjoy lang ang buhay,” usal nito na napapikit at may ngiti sa mga labi.
Ninanamnam ang malamig at tahimik na gabi. Sa pananatili nga niya sa London, natututo na siya kung paano ayusan ang sarili niya. Kung paano maglakad na nakasuot ng mataas na stiletto na hindi siya matitisod. At kahit ang mga kuko nito na dating malinis at plain lang tignan, ngayon ay may nail extension pa ang mga iyon na bumagay sa kamay niya.
Hindi na siya naiilang na magsuot ng sexy dress at hindi na nangangati ang mukha niya kapag naglalagay siya ng make-up. Nagagawa na rin nitong maglakad sa labas na nakasuot ng stilleto at may ngiti sa mga labi. Kahit ang buhok nitong unat at itim na palaging nakapusod dati, nakalugay na iyon ngayon at pinakulayan niya ng mahogany brown na pina-wavy ma lalo niyang ikinaganda at lakas ng datingan. Sa tuwing naglalakad nga siya sa labas ay head turner ito sa mga nadaraanan niya. Para kasi siyang buhay na manika sa ganda at ka-sexy-han. Idagdag pang palangiti ito na bumabati pabalik sa mga bumabati sa kanya at namamangha sa kagandahan niya.
Napalingon siya sa mesa sa gilid ng kama nang mag-ring ang cellphone niya na nakalapag doon. Lumapit siya sa mesa at dinampot ang cellphone na mabasang si Tristan ang caller. Kaagad niya itong sinagot at inilapat sa tainga ang cellphone nito.
“Yes, bestie?” bungad nito.
“Hi, pretty bestie, how are you there?”
Napangiti ito na marinig ang baritonong boses ni Tristan na may halong lambing. Napasimsim siya sa wine niya na bumalik sa harapan ng glass wall.
“Eto, masaya at lalong gumaganda. Wait, I'll take a selfie and send it to you,” aniya na binuksan ang camera ng cellphone nito.
Humarap siya sa camera na matamis na ngumiti at pinakita pa doon ang hawak na wine, habang kita sa likuran niya ang kailawan ng syudad na pinagmamasdan nito. Matapos makakuha ng dalawang selfie, ipinadala niya iyon sa messenger ng binata with kissing emoji pa.
“Tignan mo muna ang selfie ko,” aniya pa.
Nakita naman nitong nag-seen ang kaibigan na nag-reply ng clapping hands. Napahagikhik ito na sumimsim sa wine niya. Naiimagine na niya na napapairit na naman ang kaibigan niya na makita kung gaano siya kaganda ngayon. Lalo na't naka-strapless silky night dress na siya kaya nakasilip ang malusog niyang cocomelon.
“Bongga! I loved it, bestie. You're so gorgeous. I can't wait to see you,” reply ni Tristan dito na napangiti.
“Should I go back now?” tanong niya na inilapat muli sa tainga ang cellphone dahil hindi pa naman nagbababa ng linya si Tristan.
“Ikaw. Handa ka na bang bumalik, hmm?” balik tanong ng kaibigan nito.
Napanguso naman ito. Pinapaikot-ikot ang laman ng wineglass niya habang pinag-iisipan kung babalik na ba siya ng bansa. Ilang linggo na rin kasi siya abroad at sa tingin niya naman ay kaya na niyang bumalik at humarap sa lahat na taasnoo.
“Hmm. . . siguro tapusin ko na muna iyong dalawang buwan na renta mo dito sa condo. Sayang din kasi ang ibinayad mo kung ibabalik ko na ito na hindi pa natatapos ang dalawang buwan, ‘di ba?” aniya na inubos ang laman ng wineglass.
“Sure, bestie. Sulitin mo na muna ang bakasyon mo d'yan. Don't worry about our store. Malakas pa rin tayo at mas lalo pa ngang nakikilala ang store natin. Kaya sulitin mo na muna ang bakasyon mo. Dahil pagbalik mo, marami ka ng nakapilang trabaho dito, okay?” ani Tristan dito na napangiti.
“A’right. See you soon, bestie. Goodnight.”
“Goodnight, bestie. Lavyah!”
“Lavyah!” masiglang tugon nito na napahagikhik pang ibinaba na ang linya.
MABILIS lumipas ang mga araw. Hanggang sa inabot na ng dalawang buwan si Thalia sa London. Masaya ito at satisfied na babalik na ng bansa. Para harapin ang mga naiwan niya. Nakahanda na rin ito na lumaya mula sa pagkakahawak sa kanya sa leeg ng mga magulang niya. Kung kinakailangan niyang ibalik ang apelyedo ng mga ito, gagawin niya. Hindi na ulit siya magpapadikta kung ano ang mga dapat niyang gawin sa hindi niya dapat gawin. It's her life. So she should be the one who decided what to do.
Wearing her red strapless elegant dress with her red stilleto, with a confident smile on her red lips, she walked like a beauty queen as she came out from the arrival. Napapalingon sa kanya ang mga nadaraanan niya. Napapaawang ng labi at natutulala kung gaano siya kaganda. Nakasuot pa siya ng sunglasses at bumagay ang wavy hair nitong nakalugay na napakakintab at lambot ng itsura. Humahalimuyak din ang pabango nito at nakakalaglag panga ang balingkinitan niyang katawan at bilugang pang-upo na umiindayog sa kanyang paghakbang.
Bawat paghakbang niya ay tumutunog ang stiletto nito. Na para siyang reyna na napapahawi ang mga nakakasalubong niya at binibigyan siya ng espasyo. Para siyang may sariling ring light dahil lantad kung gaano siya kaputing dalaga. Napakakinis ng porselanang balat mula ulo hanggang paa. Kaya kita ang inggit sa mga mata ng mga babaeng nakakasalubong niya na mapatitig kung gaano ito kaganda at sexy. Na parang anghel na bumaba sa lupa ang datingan nito! Dinaig pa niya ang mga kilalang actress, model at beauty queen sa lakas ng datingan niya at sa natural niyang kagandahan at ka-sexy-han!
Napangiti ito na makita si Tristan na nag-aabang sa kanya sa labas ng airport. Nakasandal ito sa kanyang black BMW na parang modelo. Napapatingin din sa kanya ang mga dumaraan at kinikilig pa ang mga babae. Napakagwapo nga naman nito sa suot na black long sleeve polo at black pants. Nakatupi ang manggas no'n hanggang siko habang nakapamulsa ng kamay at may suot na sunglasses.
“Hey!” aniya na ikinatuwid nito at napangiting nag-alis ng sunglasses.
Napasuri pa sa kabuoan ng dalaga sa harapan niya na nagniningning ang mga mata.
“Welcome back, miamore. How are you?” malambing saad niya na sinalubong ng yakap ang dalaga.
Napahagikhik naman si Thalia na pabirong kinurot pa ito bago niyakap pabalik.
“Gosh! I'm finally home,” usal nito na ninanamnam ang yakapan nilang magkaibigan.
“You're finally home in my arms, is that what you meant?” biro ni Tristan ditong natawa na kumalas na dito at napisil pa ito sa ilong.
“Sira. Tara na nga.” Aniya na kumapit na sa braso ni Tristan.
Patungo na sila sa sasakyan nito nang may dumaang pamilyar ang manly scents at pabango na ikinatigil nito. Bahagya pa kasing nagkabungguan ang kanilang balikat na ikinabilis ng t***k ng puso nito na hindi kaagad nakakilos!
Dahan-dahan siyang napalingon sa lalakeng nakabunggo niya na kitang natigilan din at dahan-dahang napalingon sa kanya. Her lips parted as their eyes met. Maging ang kaharap niya ay napaawang ang labi na napahagod ng tingin sa kabuoan nito. Napalunok si Thalia na makita ito dito sa airport at mukhang paalis ng bansa. Sa nakikita naman nito ay tila hindi siya nakikilala. . . ng dati niyang asawa.
“Let's go, miamor.” Ani Tristan dito na tumango at nagpatianod na sa binata.
Kahit nakatalikod siya ay ramdam niya ang mga pares ng matang nakatutok sa kanya. Inalalayan naman itong makapasok ni Tristan sa kotse at marahang isinarado ang pintuan. Napapikit ito na parang nabunutan ng tinik sa dibdib na makapasok na siya sa kotse. Muli nitong nilingon ang entrance ng airport nang umandar na ang kotse at laking gulat niya na makitang. . . nandoon pa rin si Radson! Nakatitig sa sasakyan nila at tila kinikilala siya nito!
“Oh my God! Did he recognized me?”