TUMULOY si Thalia sa bagong bili nitong villa sa isang kilalang subdivision sa BGC. Ito ang unang property na binili nito mula sa kanyang sariling pera. Nasa bangko kasi ang lahat ng ipon nito. Hindi siya maluho sa sarili dati na ultimo bumili ng expensive bag ay hindi niya magawa kahit na may pera naman siya.
Ipinaayos naman na ni Tristan ang bahay para sa pagdating nito. Kumpleto na sa gamit ang bahay at may pinalagay pa siyang landscape sa harapan at mini garden na lalong ikinaganda ng bahay. Dirty white ang pintura nito sa labas. Dalawang palapag ang bahay at salamin ang dingding nito sa side kung saan ang harapan. Sa loob naman ay mix white and gold ang kulay ng mga gamit. Nagsusumigaw ang karangyaan nito at napaka elegante tignan ng sala na fully carpeted at may malaking chandelier pa sa gitna ng ceiling. Napakakintab din ng sahig na halos pwede ka ng magsalamin doon. Kumpleto sa appliances at may mga nakasabit pang paboritong portrait ni Thalia na pinasadya talaga ni Tristan para dito.
“Amazing. You really know how to makes me happy, huh?” aniya na napatango-tango.
Inihatid lang kasi siya ni Tristan sa bahay nito. Dahil may mahalaga itong party na dadaluhan. Sinundo niya lang talaga ang dalaga sa airport para maihatid ito sa bago nitong bahay. Napanguso si Thalia na naupo sa mahabang sofa. Inabot niya ang remote sa center table at binuksan ang flat screen TV na nasa harapan.
She leaned her back on the armrest. Napataas din siya ng paa sa sofa na inirelax ang katawan pahiga. Pagod ito at nahihilo pa rin sa haba ng byahe niya mula London pabalik ng bansa. Abot mahigit fourteen hours din kasi ang binyahe nito.
Napapikit ito na nakikinig sa palabas. Wala kasi itong ipinakuhang katulong na makakasama niya sa bahay. Dahil kaya niyang panatilihin ang kalinisan nito kahit siya lang mag-isa. Isa pa, mas komportable siya na wala siyang kasama sa bahay.
“Sir, pasensiya na, pero hindi po talaga pwede. Pribado po ang villa na ito at pakiusap, matatanggal kami sa trabaho sa ginagawa niyo.”
Napadilat ito ng mga mata na mahagip ng pandinig na nagkakagulo sa labas ng bahay niya. Nangunotnoo ito na bumangon. Napalingon sa labas at kita naman niya ang gate dahil salamin ang dingding. Lalong nagsalubong ang mga kilay na mapatitig sa tatlong guard niya na may hinaharang na lalake sa labas ng gate at tila nagpupumilit itong pumasok.
Isinuot nito ang kanyang stilleto na lumabas ng bahay. Napahawi pa siya sa wavy niyang buhok at bahagya iyong nagulo. Naglakad ito na parang reyna palabas ng bahay. Sabay-sabay namang napalingon ang mga guard dito at lalong nataranta na makita ang boss nila na lumabas!
“Sige na po, sir, umalis na kayo! Nakikiusap po kami!” pakiusap pa ng isang guard sa lalake.
“No! I know your boss. She is my wife! And I want to talk to her! Hindi ako aalis dito na hindi ko siya nakakausap!” madiing sikmat ng baritonong boses.
“What's going on here, boys?” anito na ikinalingon sa kanya ng mga ito at napayuko na nakalapit na ang boss nila.
“We're so sorry po, ma'am. Si sir kasi, nagpupumilit na pumasok. Asawa niyo raw po siya,” magalang sagot ng isang guard nito na bakas ang takot sa boses habang nakayuko sa harapan ng amo nila.
“Asawa?” ulit na tanong ni Thalia na napa-crossarms sa dibdib at napataas ang kilay.
Bumaling siya sa lalakeng nasa harapan ng gate at pagak na natawa nang magtama ang mga mata nila. Kita nitong natutulala na naman kasi sa kanya. . . si Radson. Sinenyasan nito ang guard na pagbuksan ito ng gate.
Walang emosyon ang mga mata ni Thalia na nakamata dito. Kahit nababakas niya ang gulat at pagkamangha sa mga mata ni Radson, pinanatili niyang blangko ang expression ng mga mata at hindi apektado sa prehensya nito.
“So, what brings you here, Mr Parker? Paano mo nalamang nandidito ako?” medyo mataray at pormal nitong tanong sa binata na napalunok.
“Y-you're coming home with me. Hinahanap ka na ng pamilya mo at maging ng mga magulang ko,” anito na napalunok pa.
Napakurap-kurap naman si Thalia. Mahinang natawa at napailing sa tinuran ng dating asawa nito.
“Are you out of your fvcking mind, huh? ‘Cause as far as I remember. . . I'm no longer as your wife, Mr Radson Parker. Ibinalik ko na ang titulo ng pagiging legal wife ko sa'yo--two months ago. Imposibleng. . . hindi mo pa natatanggap ang annulment papers natin,” may halong pangungutyang saad ni Thalia dito na muling napalunok.
Hindi pa rin kasi ito makapaniwala sa nakikita. Kung paanong bakit hindi niya nakita dati pa kung gaano kaganda at ka-sexy ang asawang binabalewala niya. Ibang-iba na nga ito sa dating Thalia na house wife niya. Ngayon niya lang din ito nakakausap nang gan'to kalapit at mas natititigan ang mukha nito ngayon.
“Are you done checking on me, hmm? Dahil kung tapos ka na, the gate is open for you. You may leave now and please, do not show up your face to me ever again. Malinaw naman siguro sa'yo noon ang sinabi ko before I'd left your house, right?” pagpapaalala ni Thalia dito na ikinabalik ng ulirat nito.
Napatikhim ito na tila may batong bumura sa kanyang lalamunan. Natatameme siya sa asawa na hindi niya mapigilang ikabisa ang magandang mukha nito.
“Asawa pa rin kita, Thalia. Dahil hanggang ngayon, may bisa pa rin ang kasal natin. Kaya kung tapos ka na sa pagmamatigas mo sa akin, umuwi na tayo,” madiing saad nito na ikinaawang ng labi ni Thalia!
“What?! All this time, we're still married?” hindi makapaniwalang tanong ni Thalia na bakas sa magandang mukha ang gulat!
Napangisi ito. Akala niya noon ay nagdadrama lang si Thalia na maghiwalay sila. Dahil hindi siya umuwi sa gabi ng anniversary nilang dalawa. Akala niya ay nagpapasuyo lang ito. Pero lumipas na ang dalawang buwan ay walang paramdam ang asawa niya sa kanilang lahat. Naiinis na rin siya sa sarili dahil hinahanap hanap ng paningin niya ang pigura ng asawa niya sa bawat sulok ng kanilang bahay. Hinahanap hanap ng panlasa niya ang luto ni Thalia at naiinis ito dahil wala siyang mahanap na kasingsarap ng luto nito.
Pero kanina ay nakatanggaap siya ng report mula sa kanyang assistant. Na may kapangalan ang asawa niya na pabalik ngayon ng bansa. Kaya naman nagpunta ito sa airport para salubungin ito. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, hindi niya kaagad nakilala ang dalagang nakabunggo niya kanila sa entrance ng airport. Kung hindi niya lang nasamyo ang pamilyar nitong pabango ay hindi pa niya ito mapapansin. Pero dahil ibang-iba na ito sa kanyang asawa, hindi niya kaagad ito nakilala.
“Oh yes, my dear wife. We're still married. Dahil hindi ko pinirmahan ang annulment na ipinadala mo. Pasensiya ka na, hmm? Pero hinding-hindi ko iyon pipirmahan. Akala mo ba ay palalayain kita nang gano'n-gano’n lang?” nakangising saad ni Radson dito na nag-igting ang panga at naningkit ang mga mata dito.
Napataas pa ng kamay si Radson na napa-ohh na animo'y sinasabing hindi siya lalaban. Dahil para na siyang sasapakin ng kanyang asawa.
“You, bastard. Pirmahan mo ang annulment natin para makalaya na tayong dalawa sa isa't-isa!” nanggigigil na singhal ni Thalia dito na napangisi lang.
“Why should I? E ikaw lang naman ang makikinabang kapag pinalaya kita. Habang ako? Pwede akong mawalan ng posisyon sa kumpanya. So why should I let you go, hmm?” nang-aasar nitong tanong kay Thalia na nanggigigil sinugod ito at pinagsusuntok siya sa dibdib!
“I hate you! I really really hate you, you bastard! Palayain mo na ako dahil ayoko na! Ayoko nang dalhin ang apelyedo mo! Ayoko nang maging asawa mo! I have my own life too! I own my life! I own my life!” nanggigigil na sigaw ni Thalia na pinagsusuntok ito sa dibdib!
“I own you too! Because you are my wife!” singhal ni Radson dito na sinalo ang dalawang kamay nitong natigilan sa pagwawala!
Napalunok ito na dahan-dahang napatingala sa lalakeng madilim na rin ang anyo at kitang nagpipigil lang din ito! Buong lakas niyang binawi ang kamay mula dito at isang malakas na sampal ang pinakawalan!
Napatagilid ang mukha ni Radson sa lakas ng pagkakasampal sa kanya ni Thalia sa unang pagkakataon! Napakuyom ito ng kamao na dahan-dahang iniharap ang mukha sa asawa nitong nag-aapoy pa rin sa galit at inis ang mga mata. Bagay na ngayon niya lang nakita. Sa lakas ng sampal ni Thalia dito ay namula ang pisngi nito at bumakat pa ang palad niya sa makinis na pisngi ni Radson!
“Are you done, huh? Umuwi na tayo,” mahinahong saad ni Radson dito na napailing.
“You can't force me to go back to your house, Radson. As I'd said, I own my life. Desisyon ko pa rin kung babalik ako sa'yo o hindi. At para hindi ka na umasa, ngayon pa lang ay sinasabi ko na sa'yo,” matapang sagot nito na humakbang palapit sa harapan ni Radson.
Matalim ang tinging iginagawad niya dito at ipinapakitang hindi siya natatakot dito.
“Hinding-hindi ko na ulit dadalhin ang apelyedo mo. Pirmahan mo na ang annulment natin, kung ayaw mong mag-aksayahan tayo ng oras sa korte. Dahil sisiguraduhin kong mapapawalangbisa ang pesteng kasal natin. Hindi mo na ulit ako mapapasunod sa mga gusto mo o kahit sino pa sa inyo. Sinabi ko na sa'yo, ayoko na. Pagod na akong maging asawa mo. Humanap ka na ng iba. Or should I say. . . pakasalan mo na lang ang nobya mo. Can't you see it? I'm giving you the chance to marry the girl you loved. Bakit ngayon ay ikaw pa ang nagmamatigas sa ating dalawa, huh? Bakit? Tell me!” mahina pero madiing singhal ni Thalia dito na hindi nakaimik.
Napailing si Thalia na napahawi sa buhok. Napabuga ng hangin na saka lang napansin ang malakas na kabog ng kanyang dibdib! Napapikit ito. Mabibigat ang paghinga na kinakalma ang sarili. Nakatitig naman sa kanya si Radson. Matiim na pinagmamasdan ang asawa nito. Ngayong napapikit ito, saka niya lang mas napapasadaan ang bawat hulma ng maamong mukha nito. Ngayon niya lang din nakita itong magalit at magtaas ng boses. Akala niya ay simpleng pagtatampo lang kaya nakikipag hiwalay sa kanya noon si Thalia. But he was wrong. Dahil seryoso nga ito at sa nakikita niya, marami pa siyang hindi alam tungkol sa asawa niya.
Dahan-dahang nagdilat ng mga mata si Thalia na maramdamang nakatitig sa kanya si Radson. Nagsalubong ang kanilang mga mata. Kapwa mas kalmado na. Napalunok ito na hindi nagpaapekto sa matiim na pagkakatitig sa kanya ni Radson.
“Umalis ka na. Pirmahan mo na rin ang annulment natin, Radson. Bukas ay inaasahan kong. . . mapapawalangbisa na ang kasal natin,” malamig niyang saad na tinalikuran na ito.
“Pinunit ko na ang annulment na ‘yon.”
Natigilan ito sa akmang paghakbang sa narinig na sinaad ni Radson. Naikuyom nito ang kamao. Pinipigilan ang sariling masugod na naman ito.
“E ‘di magpapadala ulit ako ng bago. Siguraduhin mo lang. . . na pipirma ka na ngayon.” Madiing saad nito na hindi nililingon ang asawang nakatitig sa kanya.
“Hindi ko pa rin iyon pipirmahan kahit isangdaang beses ka pang magpadala ng annulment sa akin,” sagot ni Radson dito na napalingon sa kanya.
“Ano ba ang gusto mong mangyari, huh?! Sinabi ko nang pakawalan mo na ako!” iritadong singhal ni Thalia dito na hindi nagpatinag.
“Hindi ko sasayangin ang oras ko para sa pesteng annulment na hinihingi mo!” madiing sagot nito na napalakas ang boses.
“Ako na ang bahalang magproseso nito, pirmahan mo lang ang annulment natin! Ilang segundo lang ang kailangan ko! Magkano ba ang oras mo, huh? Babayaran ko ang igugugol mong segundo para pirmahan ang annulment natin!” galit na sikmat ni Thalia na naiduro itong napangisi lang.
“Ganyan ka ba kaatat na makalaya sa akin, hmm? Bakit, Thalia, may iba ka na ba? May lalake ka siguro noh? Kaya gusto mo nang makalaya sa kasal natin,” pambibintang nito na ikinaawang ng labi ni Thalia.
“Ang kapal naman ng pagmumukha mo para sabihin sa akin iyan! Asawa mo ako? Now you're claiming me that I am your wife? Pero sa nakalipas na tatlong taon nating pagsasama, ni minsan, Radson! Ni minsan ay hindi mo ako itinuring na asawa mo! Bakit ngayon kung kailan gusto ko nang makalaya sa pagsasama natin, nag-iinarte ka, huh? Hindi ba dapat ay matutuwa ka pa dahil maghihiwalay na tayo? Hindi mo na kailangang itago ang nobya mo at malaya na kayong magsama ni Amanda sa iisang bubong!” madiing sikmat ni Thalia dito na tahimik na nakamata sa kanya.
“Hindi ko pa rin pipirmahan ang annulment natin. Kaya sa ayaw o sa gusto mo, mag-asawa pa rin tayo, Thalia. Subukan mong manlalake, makikita mo, itutumba ko ang sino mang kalantari mo!” madiing pagbabanta nito na pagak na ikinatawa ni Thalia sabay iling.
“Nababaliw ka na, Radson. Ako ang masusunod dito. Hindi na ako ang dating Thalia na sumusunod sa gusto niyo. Kung ayaw mong pirmahan ang annulment natin? Then sa korte na lang tayo maghaharap. I have all the rights, para hiwalayan ka.” Palabang sagot ni Thalia na tinalikuran na ito at napaflip pa ng buhok na pumasok na sa bahay.
Naiwan naman si Radson na nakasunod ng tingin sa asawa nito. Parang nanunumbalik sa kanya ang parehong scenario, two months ago. Kung saan nakasunod siya ng tingin sa asawa niyang walang kalingon-lingon na lumabas sa pintuan ng kanilang bahay. Ang kaibahan lang ngayon, tinalikuran na siya nito at walang kalingon-lingon na pumasok sa sarili nitong pamamahay.
"You are mine, Thalia. You. . . are. . . mine."