PATAKBONG pumasok ng police station si Radson nang makarating ito sa headquarters. "Where's my wife?" bungad niya sa mga police na naroon. Nakilala naman ng mga police si Radson. Yumuko ang mga ito na nagbigay galang kay Radson. "Nasa opisina po ng hepe namin, Sir Parker." Magalang sagot ng isang pulis na sinang-ayunan ng mga kasama. Sumunod si Radson na inihatid siya ng dalawang pulis. Hindi pa kasi nakakabalik ang ibang kasamahan ng mga pulis sa headquarters dahil hinahabol ng mga iyon si Don Tonio at mga tauhan nito. Parang lulukso ang puso ni Radson palabas sa kanyang dibdib nang sa wakas ay makita na nito ang asawa. Nakasuksok sa gilid ng sofa na yakap-yakap ang sarili at kitang takot na takot. Naluha ito na tinakbo si Thalia. "Love, oh God! Salamat at ligtas ka!" bulalas

