NANGINGINIG ang katawan ni Thalia na nakaupo sa gilid ng sofa. Pinatuloy ito ng mga pulis sa opisina ng kanilang hepe. They even prepared milk and fruits for her. Pero walang ginagalaw si Thalia sa mga iyon. Dahil nakatatak pa rin sa isipan ang mga nangyari kanina sa kanya. Para siyang naka-stucked sa bangungot na iyon at hindi makaalis! Kahit pilit niyang winawaglit sa isipan ang mga nangyari ay hindi iyon maalis-alis sa isipan niya. Ang pagkakatuklas niyang ipinambayad siya sa utang ng kanyang ama-amahan sa isang matandang don. Ang pagtakas niya at paghabol sa kanya ng mga armadong lalake. Ang pagpapaputok ng baril sa kanya na paulit-ulit nagre-replay sa isipan niya! "R-radson, nasaan ka na ba?" usal nito na nanginginig ang katawan. Lumapit naman ang pulis na nakabantay dito. Namumu

