"DAMNIT!" Napamura si Radson na halos paliparin nito ang sportcar patungo sa location ni Thalia! Naka-on naman na ang GPS sa cellphone ni Thalia kaya nakikita niya sa cellphone niya kung nasaan ang asawa niya. "Where the hell are you?! Nasa panganib si Thalia!" bulyaw nito sa tauhan niya. "Sir, nakasunod po kami kay ma'am," sagot ng tauhan nito. Napabuga ng hangin si Radson na niluwagan ang necktie nito at para siyang nasasakal! "Tutukan niyo ang sasakyan ng asawa ko! Siguraduhin niyong walang masamang mangyayari sa kanya! Tumawag na rin kayo ng back up!" singhal pa ni Radson sa kanang kamay nitong nakatutok kay Thalia. "Opo, boss!" sagot ng binata dito na ibinaba na ang linya. Mabibigat ang paghinga ni Radson na mahigpit ang hawak sa manibela. Mabilis ang maneho na panay ang

