NAPAPAPILANTIK ng mga daliri sa mesa si Thalia habang hinihintay si Radson. Kabado ito dahil baka galit pa si Radson sa nangyari sa kanila kagabi. Gusto lang niyang humingi ng dispensa dito at kausapin ito nang masinsinan. Napatuwid ito ng upo na makita si Radson na palabas ng Pharmaceutical nito. Lihim itong napangiti na lumabas din si Radson. Napatikhim ito na kunwari ay abala sa iPad nito para hindi ipahalatang kanina pa siya naghihintay kay Radson. Napalunok ito na umaktong hindi napansin na pumasok na ng coffeeshop si Radson. Kaagad naman itong nahagip ng paningin ni Radson na lihim na napangiti. Lumapit ito kay Thalia na nasa sulok ng shop at abala sa iPad nito. Naupo siya sa harapan ni Thalia at kumatok sa mesa. Nag-angat ng tingin si Thalia at nagsalubong ang mga mata nila. N

