NANGUNOTNOO si Thalia na naguguluhan na nakamata sa kaibigan nitong sinuri pa ang leeg at panga niya. “Sino'ng naglagay ng kissmark sa'yo, Thalie? May hindi ka ba sinasabi sa akin?” muling tanong nito na bakas ang kaseryosohan sa mukha. “Ah, iyong mga pulang marka ba d'yan?” pangungumpirmang tanong ni Thalia na ikinatango nitong matiim na nakamata sa dalaga. “E, kagat lang ‘yan ng lamok, Tris.” “Kagat ng lamok? Thalie, bata ba ako sa paningin mo ha? Do you think hindi ko alam kung ano iyang mga nasa leeg at panga mo? My goodness! Sino sabi ang naglagay ng mga iyan e? Alangan namang sinipsip nila ang leeg mo na hindi mo manlang naramdaman?” giit ni Tristan dito na napapilig pa ng ulo at naguguluhan. “Hindi ko nga naramdaman kasi lamok lang naman iyon at tulog ako. Ano ba’ng problema?

