NAPAHILOT sa sentido si Radson na wrong timing ang pagtawag niya kay Thalia at halatang badmood ito. “Uhm, aayahin sana kitang mag-dinner e. May ibibigay kasi akong mahalagang bagay na kailangan mong makita,” mababang saad ni Radson dito. “Bakit? Pipirmahan mo na ba ang annulment natin? Kasi kung oo, kahit ako pa ang magbayad sa dinner natin,” sagot ni Thalia dito na mapait na napangiti. “Uhm, mas mahalaga pa ito sa annulment natin, Thalia.” “Mas mahalaga sa annulment natin? You mean. . . it's not our annulment?” pangungumpirmang tanong ni Thalia dito na napangiwi. “O-oo. It's not about our annulment.” Pag-amin ni Radson dito na napabuga ng hangin. “Then my answer is no.” Masungit nitong sagot na ibinaba na ang linya. Napapikit na lamang si Radson na pinutol na ni Thalia ang li

