NAPABUGA ng hangin si Thalia na makitang nasa harapan na ng restaurant ang blue Ferrari ni Radson. Kitang ipinahanda nito ang restaurant at wala na kasing katao-tao sa loob. Inabot nito ang pouch at nag-retouch na muna siya bago muling nag-spray ng perfume. Napahawi sa nakalugay niyang buhok bago lumabas ng kotse. Kaagad siyang pinagbuksan ng guard ng pintuan at magalang itong binati na binati pabalik ni Thalia. Matamis itong napangiti na mapansin ang red carpet na nakalatag sa sahig patungo sa gitna kung saan naghihintay si Radson. Kinikilig ito na dahan-dahang naglakad. Maging ang mga waiter sa sulok ay namamangha at kinikilig na makilala nilang ang asawa ni Radson ang ka-date nito at hindi kung sinong babae lamang! Kahit alam nilang bawal ay palihim nilang kinukunan ng video at pict

