Chapter 25

1810 Words

LUHAANG kumalas ang mga ito sa isa't-isa na may ngiti sa mga labi. Walang sinayang na sandali si Radson na inabot ang mga labi nitong napapikit na napakapit sa batok ni Radson. Bawat paghagod ng mga labi ni Radson sa mga labi ni Thalia ay para siyang hinahaplos sa puso. Tuluyang naglahong parang bula ang mga agam-agam at pagtutol sa isipan nito at nagpatangay sa bugso ng kanilang damdamin. Napangiti si Radson nang hindi nagtagal ay tumutugon na rin si Thalia. Napahawak siya sa baywang nito at marahang hinila padiin sa kanya habang patuloy silang masuyong naghahalikan. Ramdam niyang kabado at hindi marunong humalik si Thalia. Gano'n pa man, ang halik ng asawa nito ang pinakamatamis na labing natikman niya. Lalo na't alam niyang wala pang ibang nakakadapong labi sa mga labi ni Thalia kundi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD