NANGINGITING pinaniningkitan ni Thalia ang asawa nito. Sa uri kasi ng ngitian ni Radson ay kitang may ibang pinaplano ito bukod sa paliligo nilang mag-asawa. Napagkasunduan nilang sa cottage na lamang sila magpalipas ng unang gabi nila dito sa Maldives. May sarili silang mini pool sa harapan ng cottage nila at kahit may mga katabi silang cottage, may mga kurtina naman na nakatabing para sa kanilang privacy. Pangiti-ngiti naman si Radson na lumusong na rin sa pool habang may hawak na wineglass nito. Nasa gilid kasi si Thalia. Nakababad na at may iniinom ding wine. Lumangoy si Radson palapit dito na tumayo sa gilid ng kanyang asawa. Nakipag-toss pa siya ng baso bago uminom ng wine nito. “Napakaganda dito. Akala ko ay hanggang pangarap ko lang na makarating dito noon,” ani Thalia na nakam

