MATAPOS kumain ay muling natulog ang dalawa sa hanging netbed at presko ang hangin doon. Magkayakap ang mga ito na napaka payapa ng kanilang puso at isipan na wala silang ibang inaalala. Mabilis din namang nakatulog ang mga ito. Bukod kasi sa puyat at pagod sila sa byahe, masarap matulog na presko ang hangin at hindi maingay ang paligid. Kaya maging ang puso at isipan nila ay payapang magpahinga na wala silang ibang inaalala. Pasado alassais na nang magising ang mga ito. Napabusangot naman si Thalia dahil hindi na nila naabutan ang sunset. Gusto pa sana niyang panoorin iyon pero magdidilim na nang magising silang dalawa. “Matagal pa naman tayo dito, love. Bukas, panonoorin natin ang sunset, hmm?” malambing saad ni Radson dito na niyakap ang asawang nakabusangot. “Sayang kasi first

